KABANATA 67: DESPERATE

1.2K 129 85
                                    

KABANATA 67: DESPERATE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Just like what Minghao said, nandito nga sila Kaye sa France at dumating din sila agad dito sa hotel. Halos hindi nga kami mapaghiwalay na tatlo nung magkita kami. Nagkwentuhan kami tungkol sa nangyayari. Naabi ko rin sa kanila na tinanggap ko na isa nga akong Royal Princess kaya hinahawakan ko na ngayon ang Empire Group.

Kinamusta ko sila mama, ang sabi nila okay lang silang dalawa ni papa. Nagkasakit pa daw si mama nung nakabalik sila sa Pilipinas pero ayos na daw ang kalagayan nila. Kila Kaye ko din nalaman na ginawa lang nila mama yun para sa akin. Ayaw nilang mawala sa akin ang Empire Group. Okay lang naman din daw sila Kuya Zach at sila na ang nagha-handle ng kompanya nila.

"So, ano ng plano mo ngayon?" Kaye asked.

Bumuntong-hininga naman ako at napahiga sa kama. Nandito pa rin kami sa room ni Woozi at Jeonghan. Pati si Minghao ay nandito rin at kasalukuyan silang nakikinig sa usapan naming magpipinsan.

"Marami pa akong dapat asikasuhin. Kapag nakabalik kayo sa Pilipinas, paki-kamusta na lang ako kanila mama.." tanging nasagot ko na ikinatango nilang dalawa.

"Siya nga pala, curious lang ako eh. Ano bang meron kay Mingyu at Chaeryoung? Sila na ba?" Jasmine at sandali akong natahimik.

Dumako ang atensyon ko kay Jeonghan at Woozi. Feeling ko ayokong marinig ang isasagot nung tatlo pero heto naghihintay ako sa sasabihin nila dahil pati ako ay curious na din. Sila na nga ba?

"Siguro, parang. Lagi na kasi silang magkasama. Kung hindi ko lang sila kilala, talagang iisipin ko na sila talaga." Jeonghan. Pansin ko naman na napatingin si Woozi sa akin pero hindi ko nagawang salubungin ang mga tingin niya.

Lahat kami ay nabaling ang atensyon sa taong nagbukas ng pinto at niluwa nito si Dokyeom na hinihingal pa na mukhang kagagaling lang sa pagtakbo.

"Krystal! Maraming mga bodyguards ang paakyat dito at kasama nila yung mga Kuya mo! Mukhang hinahanap ka na nila!" malakas niyang sabi kaya napabangon ako sa kama.

"Magtatago lang kami. Baka makita nila kami at sabihin nila kanila Mom na nakipagkita kami sayo.." ani Kaye kaya tinanguan ko siya.

"Minghao, ikaw muna bahala sa kanilang dalawa.." sabi ko kay Minghao na agad niyang ikinatango.

Agad akong lumabas ng kwarto at saktong nakasalubong ko sila Kuya Tatum. Mabilis niya akong niyakap at halatang nag-alala sila sa akin.

"Mabuti ayos ka lang. Nabanggit kasi ni Karisma na may mga lalaking kumuha sayo kaya pina-trace ko agad yung location mo.." Kuya Tatum. Humiwalay naman ako ng pagkakayakap sa kanya at nginitian ko sila Kuya Maxrill.

"I'm fine, Kuya. Baka masyado lang natakot si Karisma. Sila Wonwoo lang yung kumuha sa akin para kausapin lang ako.."  mahinahon kong sagot at bahagya pa akong natawa. Napansin kong tumingin sila sa likuran ko kaya napalingon naman ako. Nakita kong sila Wonwoo lang pala yun.

"Pasensya na kung hindi kami nakapag-paalam. I think we were just too excited to see Krystal kaya yung nangyaring kanina nung binuhat siya ni Seungcheol hyung ay parang nagmukhang kidnapping para sa kanila." natatawang saad ni Wonwoo at napakamot pa siya sa ulo niya.

"Sorry, hindi na talaga mauulit.." Cheol at nag-bow ng kaonti kanila Kuya Tatum.

"Sisihin niyo po itong dalawa, binantaan kasi nila kami na susunugin daw nila-----hmmpp.." Seungkwan at hindi naman niya natuloy ang sasabihin niya nang takpan ni Dokyeom ang bibig niya habang binaba ni Jeonghan yung kamay ni Seungkwan na nakaturo sa kanila ni Woozi.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now