KABANATA 50: CHAERYOUNG

1.1K 137 95
                                    

KABANATA 50: CHAERYOUNG

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi ko naabutan si Mingyu nang magising ako sa umaga. Baka bumalik na siya sa kwarto niya kaninang madaling araw para walang makapansin na dito siya natulog kagabi. Wala rin akong naabutan nang makababa ako sa sala. Baka tulog pa silang lahat sa mga kwarto nila. Nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso sa kusina.

Nakita ko yung basong ginamit ko kagabi na nakalapag pa rin sa lamesa. Kalahati pa ang laman nung gatas at hindi ko ito naubos dahil kay Mingyu. Nasayang lang tuloy yung tinimpla kong gatas. Nilagay ko lang yun sa sink bago ko niready ang mga lulutuin ko para sa almusal namin ngayong araw. Fried rice with bacon and egg lang ang niluto ko. Nagtimpla na rin ako ng instant coffee para kila Cheol.

"Good morning Krystal noona.." isang boses ang narinig ko kaya nilingon ko ito.

Bumungad sa akin si Seungkwan na halatang bagong gising lang at hindi pa nakakapag-hilamos. Pumasok siya dito sa kusina at naupo siya sa bakanteng silya.

"Good morning din." nakangiting bati ko rin pabalik.

Pinag-sandukan ko naman siya agad ng makakain niyang almusal. Sunod namang nagsi-pasukan sila Dino at Vernon na kapwa magulo pa ang mga buhok bago sila naupo sa tabi ni Seungkwan.

"Wow.. ang bango naman!" masiglang saad ni Hoshi nang makapasok din siya rito sa kusina. Halatang hyper siya ngayon at excited na tinignan yung mga niluto kong breakfast.

"Maupo ka na para makakain ka na din ng almusal.." nakangiting sabi ko.

Ngumiti ng malapad si Hoshi kaya mas lalo na naman siyang sumingkit. Kinunutan ko siya ng noo dahil dumiretso siya sa akin at kinuha ang kaliwang kamay ko. Dinampihan niya ng halik ang likuran ng palad ko bago siya tumingin ng diretso sa akin.

"Good morning to the most beautiful Princess in the world.." matamis niyang sambit kaya natawa na lang ako sa kanya.

"Ang aga-aga nilalanggam na naman tayo dito!" rinig kong sigaw ni Seungkwan at malakas na pinagsisipa ang sahig sa ilalim ng lamesa. Ngumisi bigla sila Vernon at Dino kaya napailing-iling nalang ako ng ulo.

"GOOD MORNING!!" malakas na sigaw ni Dokyeom na bagong dating lang din.

Sunod namang nagsidatingan ang iba at kalahati sa kanila ay mga bagong ligo lang. Tanging si Mingyu at Wonwoo lang ang wala pa dito. Baka siguro nakahilata pa rin sila sa kama nila o baka naman gising na sila pero tinatamad pa silang lumabas sa mga kwarto nila.

"Siya nga pala Cheol, paubos na yung stocks sa refrigerator. Gusto mo bang mag-grocery ako?" sabi ko kay Cheol at naupo sa tabi ni Hoshi.

Mabilis na napailing-iling ng ulosi Cheol sa akin habang ngumunguya ng pagkain. Nakita ko kasi kanina na paubos na ang mga food supplies nila dito sa bahay. Sabagay mauubos agad yun dahil ang dami nila ditong nakatira. Idagdag pa ako na pansamantalang nakikitira dito.

"We will take care of it, don't worry.." sagot niya sa akin na nakangiti.

"Pupunta na lang kami mamaya sa grocery store para mamili.." saad naman ni Jeonghan.

"At isa pa hindi ka pwedeng mapagod." sabat ni Hoshi kaya napanguso tuloy ako. Ayan na naman sila pagdating sa akin.

"Bakit ba ayaw niyo akong pakilusin dito? Feeling ko nagiging buhay prinsesa ang peg ko dito sa bahay niyo." nakanguso kong sabi.

Nagsitigilan silang lahat sa pagsubo at lahat sila ay nakatingin din sa gawi ko. Gusto ko rin kasing kumilos at gumawa ng gawaing bahay dito sa dormitory nila. Mabuti na lang pinapayagan nila akong magluto. Wala naman kasi akong masyadong ginagawa dito eh.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now