KABANATA 72: ARRESTED

1.2K 122 60
                                    

KABANATA 72: ARRESTED

ACE's POV

I looked at my sister and she was peacefully asleep. She had many wounds on her body and even on her face. Her beautiful face was scratched. I took her hand and kissed her on the back of her palm. I promise her that her life will be good and I will keep her away from people who try to hurt her. I promised my Mom when she gave birth to Sweetheart that I would take care of her. Ngayong wala na si Mom, mas naging desidido akong alagaan siya lalo.

I heard the door open so I turned around and saw Axel holding a piece of paper. Siguro hospital bills yun at nabayaran niya na ang mga gastusin dito sa ospital. Agad kasi naming dinala si Sweetheart sa pinakamalapit na hospital at pinaasikaso ko na rin ang bangkay ni Mom. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na ang Mommy namin. Mas lalong tumitindi ang galit ko para kay Tito Charles at doon sa kakambal ni Katarina.

"Dude, nakahanap na ako ng pwedeng umampon sa kapatid mo. Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede mo naman siyang dalhin sa poder namin." Axel at naupo sa tabi ko. Bumuntong-hininga ako at tumingin muli sa kapatid ko.

"I want her life to be fine, Axel. Gusto kong maranasan niyang maging normal kaya naisip kong ipaampon siya." sagot ko sa kanya.

"About pala dun sa mag-aampon sa kanya. May nakilala ako kaninang mag-asawa at wala silang anak. Nagbabakasyon sila dito tapos nagkaroon sila ng minor accident. Hindi ko na tinanong kung anong nangyari pero nagbigay ako ng offer kung gusto nilang mag-ampon. Sinabi ko rin sa kanila na kung interesado sila ay magpunta na lang sila dito." mahabang sabi ni Axel sa akin.

"Chineck mo ba kung anong itsura nila? Baka mamaya meron silang gawing masama sa kapatid ko. Malinis ba ang background nila?" sagot ko pero agad umiling-iling ng ulo ang kaibigan ko.

"They look rich based on what they are wearing. Kutis mayaman nga eh at mukhang mabait ang mag-asawa na yun. Nagpa-imbestiga na rin ako tungkol sa kanila. Malinis ang kanilang pangalan." Axel at tumango-tango na lang ako. We heard a knock on the door so Axel stood up.

"Mukhang sila na yan.." saad niya at agad pinagbuksan ng pinto ang taong yun. Nakita ko ang isang lalaki at babae na parehas may itsura. Base sa suot nilang damit ay mukhang may kaya ang dalawang ito.

"Kayo po pala. Interesado na po ba kayo sa offer ko?" tanong ni Axel.

Napatayo naman din ako nang mapagtanto kong sila pala ang tinutukoy ni Axel na nakausap niya kanina. Tumingin naman sa akin yung babae bago dumako ang tingin sa kapatid ko.

"Interesado kami kaso pwede ba naming malaman ang background nung bata?" malumanay na sabi nung babae at masasabi kong mababait sila. Pinapasok naman sila ni Axel at lumapit ang mag-asawa sa gawi ko.

"Ikaw ba ang kapatid nung bata? Bakit parang pamilyar ka sa akin?" tanong sa akin nung lalaki. Napatingin muna ako kay Axel na naghihintay sa sasabihin ko bago ko binalik ang atensyon sa mag-asawa.

"Ako po si Ace Matsunaga at siya naman po ang kapatid ko na si Sweetheart Krystal Matsunaga.." pagpapakilala ko. Kumunot ang noo nila at mukhang nakilala nila ako dahilan para mamilog ang mga mata nila.

"Ikaw y-yung panganay na anak ni King Adamson diba?!" bulalas nung babae na ikinatango ko. Nagkatinginan silang mag-asawa na may gulat sa kanilang mukha.

"Siya naman si Axel Imperial, ang nag-iisang anak ng Imperial Family. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Kung interesado kayong ampunin ang kapatid ko, handa akong tumulong para makalabas kayo dito sa bansa." sabi ko sa kanilang dalawa

"Sandali lang iho. Bakit mo naman gustong ipaampon ang kapatid mo? Look, she's a Royal Princess and you are a Prince and then that Axel is also a Prince, right? At isa pa, diba patay ka na?" sunod-sunod na katanungan nung babae. Huminga ako ng malalim at tinignan sila ng mariin.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon