KABANATA 65: SAW HER AGAIN

1.2K 125 61
                                    

KABANATA 65: SAW HER AGAIN

SEUNGCHEOL's POV

How many days have passed? Two? Three? No. It's been five days since Krystal left the house. Too much has changed. Marami ang nagbago mula ng umalis siya sa poder namin. Pati sa ilang mga members ay marami din ang nagbago. Kahit ayaw man nilang aminin, alam ko na nangungulila sila sa presensya ni Krystal. Kahit ako ay namimiss ko na siya. Sobrang dami ang nagbago mula nang mangyari yun.

Tulad na lang ni Woozi na madalang na lang magsalita. Kakausapin lang niya kami kapag may importante siyang sasabihin. Ang maknae line na palaging tahimik na nakaupo sa isang gilid. Si Wonwoo na mas gustong maglaro ng online games kaya lagi siyang nagmumukmok sa kanyang kwarto. Si Jeonghan na palagi na lang natutulog at mas pinipiling manatili sa loob ng kwarto niya. At si Mingyu.. well dinadalaw niya palagi si Chaeryoung para kamustahin pero napapansin ko rin na may nagbago sa lalaking yun.

Sa limang araw na lumipas, masasabi kong marami ang nagbago dahil pati yung atmosphere sa bahay namin ay sobrang lungkot. Nasanay kasi kaming palagi na nagpapaalam kay Krystal kapag may schedule kami at hahanapin namin siya agad kapag nakauwi naman kami. Nasanay din kami na kausap siya, tumatambay sa kwarto niya at nakakasabay kumain sa hapag-kainan. Pero ngayon? Wala na. Wala na ang dating nakasanayan namin.

"Be ready, malapit na mag-start yung last stage niyo.." salita ni PD nim sa amin kaya mabilis na nagsikilos ang aming mga staff.

Tinignan ko naman ang mga kasama ko at lahat sila ay busy sa kanilang mga ginagawa para mapabilis matapos ang concert namin dito sa France. Kung nandito lang sana si Krystal edi sana masaya ang concert namin at mas nakaka-enganyo kapag manonood siya. Sighed.

Narinig na naming pumalakpak si PD nim kaya agad kaming nagsiakyatan sa hagdanan dito sa ilalim ng backstage. I saw again how beautiful the whole arena was. The lightsicks were up in the air while our fans were holding it. If only she was here.

Our last song began to play. It was 'Let Me ​​Hear You Say'. Woozi made these lyrics and I know he dedicated this song to Krystal. I turned my gaze to our fans and I suddenly stopped when I saw the familiar face. Si Kaye at Jasmine yun ah?! Yung pinsan ni Krystal! anong ginagawa nila dito sa France?

Nagsimula ng kumanta si Dokyeom kaya nawala na ang atensyon ko sa dalawa. I could hear the screams and shouts from our fans. They calling our name while waving the lightstick they are holding. Natapos ang isang kanta kaya mahina kong siniko si Minghao na siyang katabi ko at tinnuro ang gawi nung magpinsan.

Napansin kong nagulat pa si Minghao at binulong naman niya yun sa ibang member bago nagsimulang tumugtog ang isa pang kanta na Smile Flower. We also did the ending ment and finally our concert is over.

Nakabalik na kami sa backstage at si Minghao naman ay agad na dumiretso kung nasaan ang cellphone niya. Siguro ay tatawagan niya si Kaye para papuntahin sila dito sa backstage. At tama nga ang hinala ko dahil ilang minuto lang ang lumipas ay nandito na yung dalawa sa backstage kasama ang dalawang bodyguards namin.

"What are you two doing here in France? I'm glad na nagpunta kayo sa concert namin." nakangiting sambit ni Minghao at hindi naman mawala-wala ang ngiti niya kay Kaye. Hmm. I smell something fishy.

"Syempre kayo pa ba? Hindi talaga namin pinalagpas ito at isa pa may business trip sila Mommy dito kaya sinama nila kami ni Jasmine. Alam niyo na, tagapagmana." sagot ni Kaye at hindi pa siya makatingin ng diretso kay Minghao habang namumula ang magkabila niyang pisngi.

"Nandito rin kami para makita si Krystal. Hindi niyo ba siya kasama? Pinagbawalan kasi kami ng magulang namin na magpunta sa South Korea kaya hindi na kami nakasunod pa 'kay Krystal. Kaya sinamantala na namin ito para makita siya." nakangiting saad naman ni Jasmine dahilan para matigilan kaming lahat. Si Minghao ay napilitan na lang na ngumiti at tinignan naman nila ako para ako ang magpaliwanag.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficDove le storie prendono vita. Scoprilo ora