KABANATA 35: KING ADAMSON

1.4K 153 83
                                    

KABANATA 35: KING ADAMSON

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming dalawa na natahimik ni Kuya Tatum habang nakatingin kami sa dalawang tombstones. I can also hear the strong waves of the sea. It's windy here and it's nice to hang out in these kinds of places. Pero hindi ko lubos akalain na mismong sa birthday ko namatay si Mommy Annabelle. Hindi ko talaga lubos akalain na ganito pala katindi ang trahedyang nangyari sa totoo kong pamilya. Bakit ba kasi humantong ang lahat ng ito sa ganito? Bakit?

"Paunti-unti ko na rin palang naalala ang mga nawalang alaala ko Kuya," sambit ko at tiningnan siya. Binaling rin niya ang kanyang tingin sa akin at napansin ko pa ang medyo nagka-salubong pa ang dalawa niyang kilay dahil sa pagtataka.

"Unti-unti ka ng nakaka-alala?" tanong niya kaya tinanguan ko siya. Naglakad ako palapit sa upuan na gawa sa bato at doon ako naupo. Lumapit naman si Kuya sa akin at naupo rin siya sa gilid ko.

"Yung mga napapanaginipan ko, isa palang mga nawalang alaala sakin yun. Mula sa isang abandonadong building, sa pagkaroon ng pagsabog, may mga tumalon sa tubig, yung babaeng nakapulang damit pati yung kay Mommy Annabelle. Paulit-ulit kong napapanaginipan yun mula nang magising ako at napulot nila mama sa tabing dagat." sunod-sunod kong sabi sa kanya.

"What about the abandoned building? Yung kay Mommy?" naguguluhan niyang tanong sa akin. Tinignan ko siya saglit at humarap sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"May binubugbog na lalaki sa harapan ko. Pinagtutulungan siyang bugbugin ng mga kalalakihan. Dinala niya ako sa isang bahagi ng abandonadong building at ang sabi niya ay babalikan niya ako pero hindi ko maaninagan ang mukha niya. Masyadong malabo ang mukha niya pero yung lugar at ang mga bumugbog sa kanya ay nakita ko ang nga mukha nila." mahabang kuwento ko kay Kuya Tatum.

Akala ko talaga nung una ay isa lamang iyon na panaginip. Isang masamang panaginip. Iyon pala ay mga alaala ko yun na nawala sa akin.

"I think si Kuya Ace yung binubugbog sa abandonadong building. Dinukot kayong dalawa at hindi namin alam kung sino ang dumukot sa inyo o baka naman merong nag-pautos na dukutin kayong dalawa." turan ni Kuya Tatum at tila meron pa siyang kung anong malalim na iniisip.

Ibig sabihin ay si Kuya Ace ang nasa panaginip ko? Niligtas niya ako that time? Hindi ko alam. Hindi pa masyadong malinaw ang lahat sa mga napa-panaginipan ko. Dapat ko munang maalala ang lahat para malaman ko kung ano ang totoo.

"How about kay Mommy?" Kuya Tatum asked.

Bumuntong-hininga ako nang itanong niya yun. Nakakasiguro ako na malinaw ang eksenang yun sa akin. Sobrang linaw ngunit yung walanghiyang lalaking yun ang hindi ko makita ang mukha.

"Alas dose ng madaling araw at nakatago ako sa cabinet. Hindi ko alam kung nasaan kami nun pero nakita kong may lalaking pinagsasamantalahan si Mommy Annabelle. Nagmamakaawa siya sa lalaking yun pero tila parang walang naririnig yung walanghiyang yun. Inaangkin niya si Mommy at sinabi pa niyang papatayin niya ako sa oras na magsumbong si Mommy Annabelle." kuwento ko sa kanya.

Narinig ko na lang ang malalakas at nalulutong na pagmumura ni Kuya Tatum. Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit at nahihimigan ko rin yun sa kanyang boses.

"Tinakas ka kasi ni Mommy bago ang birthday mo. Nag-away kasi sila ni Dad at hindi namin alam kung bakit. Nung araw na yun ay dinala ka ni Mommy sa Jeju Island at tumuloy muna kayo sa Mansion na pagmamay-ari nila lolo Alfonso." kwento rin niya sakin at ako naman ngayon ang napaisip.

Tinakas ako ni Mommy Annabelle bago ang birthday ko? Pero bakit? Anong dahilan? Bakit niya ako tinakas? At saka Jeju Island? Parang bigla kong gustong alamin lahat. Lahat lahat tungkol sa mga nawalang alaala sa akin. Pinapatay ako masyado ng kuryosidad. Masyadong misteryo ang mga nangyari noon. At kung sakaling bumalik man ang lahat ng alaala ko, doon ko lang siguro maiintindihan ang lahat. Malalaman ko ang dahilan kung bakit ako tinakas ni Mommy Annabelle at kung bakit nagpunta sa Jeju Island.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now