The Tricycle Chronicles (Parts 1-4)

95 2 0
                                    

Part 1

Paalala- kung makikita niyo po ang parehong pangalan sa mga nagdaang kwento ko. Ibig sabihin paborito ko pong character name lang. 'Yon lang po mga ka spookify.

PAUWI na ng trabaho si Allan at muling mararanasan na naman niya ang matinding traffic sa kalsada.
"Hay naku ito na naman tayo, bakit ba kasi buhol-buhol na naman ang mga sasakyan" nasabi na lang niya ito habang nakatayo sa bus na sinakyan niya.
Laging punuan ang mga sasakyan kada pagsapit ng alas singko ng hapon- uwian.
Bale sa Cavite pa siya nauwi habang sa Pasay naman ang kanyang trabaho at nagtatrabaho siya sa isang Call Center.
GABI na ng makarating siya sa terminal ng traysikel.
Malawak ang ngiti ni Allan ng makitang i-ilan lang silang nakapila sa terminal, isang sakay nalang siya papuntang Humayaw. Isang maliit na Barangay kung saan siya nakatira. Pero medyo malayo-layo pa ang biyahe mga isa't kalahating kilometro pa.
"Tara aalis na tayo at maabutan tayo ng ulan" ani pa ng traysikel Driver na si Mang Magno.
Bale dalawa lang silang nakapila. Hindi naman nakakatakot ang daan sapagkat puro mga planta lang ang nakatayo sa magkabilang kalsada.
Pero bawat kanto ay may mga punong malalaki, sapagkat ito ang gustong environment ng mga dayuhang kapitalista na nag mamay-ari ng malalaking planta.
Tahimik lang sila habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada, wala naman ng gaanong sasakyan. Alas onse na rin ng gabi at pagsapit ng ganoong oras ay walang ng ibang sasakyan ang nakakadaan, maliban lamang sa toda ng mga traysikel na approbado ng mga Pribadong may ari ng planta at kalsada na dinaraanan nila.
NASA kalagitnaan na sila ng daan at tapat ng plantasyon ng mga kemikal na ginagamit pang-abono sa lupa.
Nang biglang may sumabog na malakas sa planta. At halos mabingi silang lahat sa malakas na ugong pagkatapos ng pagsabog.
Napahinto ang traysikel sapagkat biglang lumiwanag ang kapaligiran at nakakabulag ang liwanag nito. Mga limang segundo lang ang itinagal ng liwanag.
Kabadong-kabado silang lahat habang patingin-tingin sa planta. Pero nagtataka sila sapagkat pagkatapos ng pagsabog, ugong at liwanag ay parang normal na ulit.
Wala man lang silang nakikitang mga tao at mga medic o security guards.
Nakakabingi ang katahimikan,nakakaramdam na si Allan ng kakaiba..
"Kuya, anu po ba nangyayari natatakot na po ako." Takot na tanong pa ng kasama nilang babae.
"Hindi ko rin alam Miss, kahit ako man ay kinakabahan na rin." Sagot pa ni Allan
"Ang mabuti pa'y umalis na tayo dito, at baka anu pang mangyari sa atin." Sabad pa ni Mang Magno.
Binabagtas na muli nila ang kahabaan ng kalsada, wala ng mga gumaganang ilaw at wala na ring mga ingay na nagmumula sa mga plantasyon . Naiisip nila baka nawalan ng kuryente.
Nakarating silang payapa sa terminal ng traysikel at laking gulat nila ng mabungaran ang paligid animo'y naging Ghost Town ito.
Sira-sira ang terminal at walang katao-tao, maging ang bantay na guards ay wala.
Si Mang Magno ang nagsalita" Hatid ko nalang kayo sa kanya-kanya niyong bahay, tutal naman ay wala ang bantay na guard sa gate.
Sumang-ayon naman ang dalawa, paglabas nila ng gate. Nagulat ulit sila sapagkat ang mga bahay ay parang galing sa sunog, naiintindihan nila na mga luma na talaga ang mga bahay. Pero kakaiba ito walang mga buhay ang mga bahay, walang mga tao sa paligid na dapat kahit malalim ang gabi ay mayroong mangilan ngilan ang nakatambay pa.
Pero sa pagkakataong ito ay wala, sobrang tahimik mga kaluskos lang ng dahon ang maririnig. Napatigil ulit sila, tila kinakabahan na rin ang traysikel drayber.
"Kuya, bakit po tayo tumigil? Tanong naman ni Allan.
"Sa tanang buhay ko at sa tagal ko na dito sa lugar na 'to ay ngayon ko lang naranasan ang kakat'wang pangyayaring ito." Sabi pa ni Mang Magno.
"Natatakot na po ako." Humihikbing sabad ng babae nilang kasama.
"Lakasan mo lang ang loob mo Miss, pareho-pareho lang tayong natatakot ngayon." Tugon naman ni Allan
"Mabuti pa'y dahan-dahan na nating tahakin ang daan, ma-u-una nating daanan ang bahay ko, sadyain ko lang muna ang pamilya ko." Pag-aalalang sabi ni Mang Magno.
AT dahan-dahan na nga nilang tinahak ang daan( creepy soundtrack for this scene. Choose either Cranberries songs-if applicable for 45sec.) nakakatakot ang paligid wala talagang kabuhay-buhay at nagsisimula ng mapuno ng hamog o fog ang daan hanggang sa mga bahay-bahay.
Napatigil ulit sila sa tapat ng barangay hall.
"Sisilipin ko lang ang bahay ko at magtatanong narin sa barangay." Ani pa ni Mang Magno.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakabalik na si Mang Magno. Bakas dito ang pagkabigla at lungkot.
"Anu po nangyari kuya?" Agad na tanong ni Allan.
"Walang mga tao sa bahay namin at tulad ng ibang bahay na nadaanan natin, na parang galing sa sunog at para bagang ang tagal ng walang nakatira, ang kapal ng mga alikabok puro agiw at sapot ng gagamba. Kaninang umaga lang ay okey pa naman at saka iba talaga pakiramdam ko parang may kababalaghang nangyayari dito." Sagot niyang nagugulahan
"Ibig sabihin nito manong, para bang nasa ibang dimensyon tayo?" Takot na tanong parin ng babae.
"Mahirap man paniwalaan ay parang ganun na nga ang nakikita natin." Sabad pa ni Allan.
May na-aaninag silang tao sa di-kaluyuan.
"Teka lang kuya, lalapitan ko lang at baka siya ang kasagutan sa mga tanong natin." May pagkatuwang sabi ni Allan.
"Sige mag-iingat ka." Tugon ng drayber.
Habang papalapit si Allan sa nakitang tao ay kinuha niya ang wala pa ring signal na cellphone at binuksan ang flashlight nito. Itinutok niya ito sa direksyon kung saan ay nandun ang tao, hindi niya parin maaninag ang mukha nito.
"Kuya! Dito po..! " sigaw pa niya, ngunit hindi ito sumasagot at parang nahahalata niyang may kakaiba dito iika-ika itong naglalakad.
Dalawang metro na lang ang layo nito at naaninag na rin niya ang mukha.
Nanindig ang mga balahibo niya ng makitang walang mga mata, ilong at bibig ito.
Agad siyang kumaripas ng takbo pabalik at pasigaw niyang sinabi sa drayber.
"Kuya pa-andarin mo na ang traysikel! Bilis..!
Kaagad namang ini-start ni Mang Magno ang trasysikel. Sakto naman ang pagsampa ni Allan na hingal na hingal.
"Paandarin mo na kuya, bilis.!" Takot na takot na sabi ni Allan.
"Anu ba iyon iho, at tila nakakita ka ng multo." Pag uusisa ni Mang Magno habang nagmamaneho na.
Walang tugon si Allan, bakas pa rin sa mukha nito ang pagka-gulat.
"Kuya sabihin mo na kung anung nakita mo, akala ko ba may tao doon. Nasaan na siya?" Tanong ni Celia(kasama nilang babae).
At nagsalita na rin si Allan "Wa-lang.. mukha 'yong nakita ko. Hindi siya tao.
Nagimbal ang dalawa sa nalaman.
"Sigurado ka ba iho?" Paniguradong tanong ni Mang Magno.
Bago pa man makasagot si Allan ay muntik na silang mabuwal. Sapagkat may iniwasan pala si Mang Magno.
Nakita rin ng dalawa ang iniwasan ni Mang Magno at kita-kita sa mga mukha nila ang pagkatakot.
Ang nilalang na ito ay may malaking ulo at mala-kuwadrado ang hugis ng ulo, may kadena ito sa katawan na puro tahi. Kasalukuyan na nga itong humahabol sa kanila.
Binilisan pa ni Mang Magno ang takbo ng traysikel. At napapa-mura na ito sa takot.
"Bilisan niyo pa po kuya!, malapit na siya" pagmamadali ni Allan. Umiiyak na si Celia at para namang gusto ng sumabok ng puso ni Allan sa kaba.
Pinihit pa lalo ni Mang Magno ang silinyador ng traysikel. Humahabol parin ito, papalayo na sila sa barangay humayaw at binabagtas ang daan papuntang Barangay Langkaan. Narinig na naman nila ang Ugong na nag mumula sa kung saan. Nakaka-kilabot ang tunog na ito, pagka-kuwa'y nawala din at ang kanina pang humahabol na nilalang.
Nakahinga sila ng maluwang. Nakakita sila ng bahay na may lantern na nakasabit at may ilaw ito.
"Kuya ihinto mo." Agad na sabi ni Allan.
"Oh bakit?" Tugon ni Mang Magno.
"Hindi niyo ba napapansin ang bahay na 'yan? Parang may buhay." Dugtong pa niya.
"Oo nga kuya ito lang ang bahay na may mga ilaw sa lantern." Sabad naman ni Celia.
"Teka parang sa chinese ang bahay na ito, tingnan mo ang mga gate, bawat kanto ay may istatwang Dragon. At may nakasulat ding pang Chinese." Dagdag pa ni Mang Magno.
"Katukin natin kuya, baka sakaling may tao talaga at makahingi din tayo ng tulong." Sabi pa ni Allan.
"Mag-iingat lang tayo, hindi pa natin alam kung talagang may tao o baka halimaw ang nand'yan. Heto ang mga tubo, sakaling may biglang lumabas na nilalang." Pag-aalalang tugon ni Mang Magno.
Pinatay na niya ang makina ng traysikel at kinuha ang mga cellphone nila upang gawing ilaw..
Abangan! anu kaya ang mayroon sa bahay na nakita nila. Tulong kaya ang matatamo nila o kapahamakan.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now