Simbahan (Parts 1 & 2)

136 3 0
                                    

Simbahan (Parts 1 & 2)

Part 1

Hi, first time kong magshare ng story ko dito and I really hope you'll enjoy reading. Btw, you can call me Duds.
So may family church dito samin na pinagawa pa ng mga grandparents ko nung 1967, around 50yrs na to at maraming renovations na rin ginawa. Yung compound namin, kadikit mismo yung church. Christian church sya pero di ko alam bakit andaming kababalaghan na nangyari sa church na yun na ako mismo rin ang nakaexperince. Sabagay, once na may family member na nawala samin, automatic dun sa church ang burol eh. Going back, may kwento si papa sakin dati about sa church na yun. Active youth members sila papa nun at 9 pa nyang kapatid that time kasama ang babaeng nagngangalang Linda (not her real name) Mag sstart na yung evening bible service nila nun tas start na yung mc para sa prayer. While praying, nagsimula ng maging weird yung mga ginagawa daw ni Linda. Since nasa likod sila papa banda nun, napansin nya na galaw ng galaw yung upuan na pinupwestuhan ni Linda hanggang sa matapos na yung prayer at pagmulat nilang lahat, unti-unting lumulutang si Linda ng nakahiga. (parang ineexorcise) Yung ilaw, nagfflicker na, yung pinto parang nakalock sa labas tsaka malakas na hangin tas dun na sila sinimulan kabahan, kasi habang pataas ng pataas si Linda, dumudura sya at naglalaway kaya kahit takot na takot silang lahat, yung ibang members ng youth pinagtutulungan syang ibaba pero di nila kinaya tas initsa lahat ng pumipigil sa kanya na parang sampung tao yung lakas ng pag itsa sayo. Dun na rin nagsimulang magsalita si Linda sa iba't ibang lengwahe, boses lalaki, boses bata, kambing, ibon at kung ano ano pa na parang may ritwal na sinasabi hanggang sa pinangunahan na nung pastor na irebuke yung mga nakasanib kay Linda nun hanggang sa lahat sila nirrebuke si Linda.
"Sa pangalan ni Hesus, umalis kayo sa katawan nya! In Jesus name! In Jesus name! "
Tinawanan lang daw yung pastor nun at paglingon ni Linda sa isang babaeng member din, saktong nagkatinginan sila at nahimatay yung babae at nangingisay ngisay kaya tinulungan nila yung babae at pinagpray at rebuke din. Kaya sabi ng pastor na wag daw titingin sa mata ni Linda pero bago pa makapikit yung dalawa, nagkatinginan din sila kay Linda kaya nahimatay at nangisay ngisay din kaya tinulungan din ng ibang members. Hanggang sa kinausap na ng pastor si Linda at tinanong kung sino sya, boses lalaki na malalim yung pagsasalita.
"Baal."
"Hayaan nyo sa samin, amin sya!" Tas balik na naman yung iba bang lengwahe at may kambing at huni ng ibon. After ng ilang mins na ganun, tumigil sya sa pagsasalita at nakalutang nalang sa ere (tapos na yata yung ritwal) Biglang bumagsak si Linda at sabay tahimik silang lahat maliban sa ibang members na umiiyak at di makapaniwala sa nangyari. Agad na nilapitan si Linda at pinunasan yung mukha kasi nga sa laway kakadura. Nagising si Linda na walang kamalay malay kung anong nangyari at parang pagod na pagod daw sya kakabuhat ng mabibigat. Di na natuloy ang service at pinagpray over nalang si Linda at hinatid na rin pauwi. Nitry ng pastor kausapin ang lolo't lola ni Linda kasi wala daw parents nya nun at ikwento yung nangyari sa church pero tumanggi sila na kausapin yung pastor.
-After 2 weeks-
2 weeks uli nung nakabalik na si Linda sa church at kinamusta agad ng mga members dun. Di alam lahat ng members, mga youth lang sinabihan nya na may lahi pala silang aswang. At sya na yung kasunod dahil nung nagpahinga sya after nasaniban sya, may pinalunok daw na itim na bato sakanya yung lolo nya. Lola nya ang nagsabi sa kanya nun at iuuwi daw sya ng probinsya kasi sa 18th birthday nya (17 yrs old na sya) dun na daw mapapasa lahat ng powers ng lolo nya sa kanya. Tas pag 20 na sya, magiging mananggal daw sya. Kahit ayaw nya daw, wala syang magawa kasi sumpa na daw talaga yun. Pabiro nya pa sinabi na sana mamatay na daw sya bago birthday nya.
Dun na nagpaalam si Linda at umuwi na ng probinsya.
Marami pakong naexperience sa church na yun pero eto nalang muna. Sorry di talaga ako magaling magkwento. More power Spookify 🧛‍♀🧛‍♂🧟‍♂🧟‍♀

Part 2

Thank you Spookify for posting my first story! Duds nga pala uli. Since nasimulan ko na yung sa church namin, susunud sunurin ko na.
This is my own experience sa church way back 2013. 5 months after namatay yung pinsan ko at dun binurol sa church namin. Para sakin, takot pa rin ako sa spirits, demons, etc. kahit believer nako. Lalo ng may mga nangyari na talagang kababalaghan dun sa church. Part ako ng music ministry kaya dun nako magpamadaling sa church para linisin yung mga instruments. Dahil naboring ako at walang kakwentuhan, pinuntahan ko muna yung pinsan ko. Sakto andun din yung pinsan namin galing tarlac so ending 3 na kami. Ako, Chris at si Glenn. 10pm palang nun at nagkayayaan kaming dun nalang matulog. (dati kasama ko na sila matulog sa church dahi may kwarto sa taas) Sa taas sana matutulog kaso dahil 3 kami, di kami kasya kaya sa binaba nalang namin yung kutson, mga unan at kumot. Nagkwentuhan lang kami magdamag hanggang umabot na ng 2am ang pagkkwentuhan namin, hanggang sa napansin namin ni Chris tulog na si Glenn. Pero tuloy pa rin kwentuhan (mga pangarap at plano sa buhay kaya humaba talaga tas puro tawanan pa haha) hanggang napansin namin na parang may tumutunog. Yung bass drum sa drumset yung tumutunog. Yung tunog nya is parang every 2-3 secs. Napatigil kami ni Chris sa pagkkwentuhan nun at binuksan yung ilaw at dun tumigil yung tunog. Tinanong ko kung naririnig nya rin ba yun, oo daw kaya dun nawala antok ko. Dahil nakabukas naman yung ilaw, dahan dahan ko nilapitan yung drumset. Since nagmatapang nako lumapit, tinignan ko na rin yung mismong bass drum at kick kung anong meron. Inaasahan kong may pusa na syang dahilan bakit natunog yung bass drum pero wala naman akong nakitang kahit ano. Nikick ko pa nga para sure na pareho yung tunog eh, tas pareho lang naman kaya dun nako talaga nagtaka at kinabahan. Tinalikuran ko na yung drumset at sinabi ko nalang kay Chris na wala naman. Tas yung pabalik na kami sa pagkakahiga, tumunog na naman. Pero ngayon sunod sunod na, mas malakas yung tunog kesa sa una at bawat segundo palakas pa ng palakas. Nagkatinginan na naman kami ni Chris na takot na takot na sa pagkakatayo at gusto ng lumabas sa church. Naisip ko na ring magyaya lumabas na kaso tulog nga pala si Glenn nun kaya di namin pwede iwan. Wala naman kaming makita ni Chris na kahit anong nakapaligid na pwedeng sumipa dun sa bass drum ng ganun kalakas at kabilis. Tuloy tuloy pa rin yung tunog ng drum hanggang sa nagkakasigawan na kaming pareho ng pabiro.
"Oh Nooooo"
"Halaaaaa"
Yung kunwari natatawa kami pero sa totoo natatakot na kami sa nangyayari. Naisip ko nalang gisingin si Glenn para makalabas na kami lahat pero nung gigisingin ko na sya, nawala yung tunog na galing sa bass drum tas yung loko, gising naman pala talaga at nagtutulug tulugan lang para di nya makita yung nangyayari. Yung patayo na sya, biglang mabilis at sunod sunod yung tunog na galing sa bass drum na parang nakadouble peds sa bilis tas dun na kami nagsigawan at nagtakbuhan palabas sa pinto. Nag uunahan pa kami sa pagbukas kasi natatakot lahat. Tas yung pagbukas ng pinto, nagulat kami nung may sumalubong na mukha samin sa pinto na akala namin sino. Kuya lang pala ni Chris! Pambihira. (Whoooh! Grabe, muntik ko na masuntok yun sa takot at kaba!)
Kaya pala nasa labas ng church kas galing dota tas wala daw sya susi ng bahay nila tas meron si Chris sabi nya, pero kaming 3 tuwang tuwa nung malaman na sya yun at makakalabas na kami. Thank you pa kami ng thank you sa kuya nya kasi dumaan sa church para kunin yung susi. Buti nalang talaga! Napagdesisyunan namin na dun na kami matulog lahat sa kanila. Di na namin naligpit yung higaan namin, bukas nalang pag may araw na at ibang kasama. Yung ilaw iniwan narin naming nakabukas tas dahil ako nga lang dapat yung matutulog dun, ako na nagsara ng pinto at gate ng church, nakita ko sa orasan na 3:13am na bago isara yung pinto at di ko na sinilip ying drumset.
-Kinabukasan-
Nakatulog naman kami after ng kababalaghan sa church kasi mga puyat kami. Nikwento namin sa papa nya yung nangyari. Napasabi nalang si tito, "Hanggang ngayon meron pa rin pala dyan". At simula din nun, sobrang tagal uli nung natulog ako dun sa church. May mga kasunod pa yung experiences ko sa church kaya abangan. More power Spookify!
-Dudz

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now