Kuwentong Dubai

59 2 0
                                    



Room 012

November 26, 2015 noon nung mag exit ako from Dubai to Oman para hintayin ang employment visa ko nun! at dahil by land lang naman ang byahe namin papunta dun, 10am pa lang waiting na ako sa tapat ng Union Metro Station ng Service Bus na maghahatid samin papuntang Oman..

12 noon na nung dumating ang bus, sumakay na ko syempre dahil baka magkaubusan ng upuan.. medyo kinakabahan pa nga ako nung araw na yun kasi feeling ko may something na di ako mapakali or dahil alam kong magtatagal ako ng ilang weeks sa labas ng Dubai pero dahil wala na ngang atrasan to, gorabels na itey!8pm na ng makarating kami sa hotel na tutuluyan ko, syempre konting orientation sa mga bago..ang ganda ng hotel! malaki! malawak! pero dinaig pa yung pagong sa bagal ng wifi ahaha napapaligiran nga din ng mga bundok yung hotel at farm -____- ang mahirap pa nito, yung hotel na tinuluyan ko ay out of the way kaya need pa tumawag ng taxi para sa mga gustong lumabas -________-tapos ayun na nga, after orientation syempre pinakain muna kami at sa canteen daw malakas ang wifi, libre lang daw pero sad to say hirap kumonekta and after nga namin kumain, hinatid na kami sa designated room namin!nasa labas pa lang ako nung pinto ng room, bigla na lang akong kinilabutan at ang bigat na ng pakiramdam ko! kinakabahan ako! natatakot ako! kasi sobrang laki at dilim kasi 15 bed ang nandun kaya malaki talaga...tapos eto na nga, my God! gabi na nun ng matulog kami ng mga kasama ko mga 1am... and then 3am di ko inaasahan napadilat ng kaunti ang magaganda kong mata ng may makita akong babaeng nakatingin sa akin at sobrang lapit ng mukha sa mukha ko!!! gusto kong sumigaw pero di ko magawa kasi ayoko din naman matakot yung mga kasama ko, so kahit kinakabahan ako pinilit ko na lang balewalain...kinaumagahan, iniisip ko na baka panaginip lang yun dahil sa pagod sa byahe, kaya di na din ako nagkwento sa mga kasama ko.. mga bandang hapon napagdesisyunan namin maglibot sa labas ng hotel, naglibot kami sa paligid ng hotel at nagpicture picture, pumunta sa farm at sa malaking tunnel... 12:20am na nung umuwi kami kaya naman napagdesisyunan ko na maglinis ng katawan kasi ang dumi din ng mga paa ko dahil sa buhangin at para kung di na kami lalabas atleast malinis na ko!12:30am eksakto ng pumasok ako sa napakalaking C.R. namin nun..ang iingay pa nga nun ng mga kasama ko rinig na rinig sa loob ng C.R yung mga tawanan pero habang nagllinis ako ng katawan, may napansin akong babaeng nakatayo sa tapat ngcabinet na nakaputi eh ang dilim banda dun at pagkatingin ko sa kanya banda, nakatingin sya sakin!!! shit!!!! so scary, edi kunwari di ko sya nakita o napansin pero andun parin sya at ang tagal nya umalis!!!hanggang sa natapos na ko maglinis ng katawan at sinabi ko yun sa mga kasama ko, ayaw nila maniwala kaya ang ginawa ng isa kong kasama na malakas ang pakiramdam sa mga ganun nga ay pumunta sa C.R at sya mismo nagsabi na meron nga di nga ako nagkakamali... huhuhusimula nun bihira na lang talaga ako mag CR dun,, kapag malligo na lang at maglalabas ng sama ng loob.. mahirap na at baka mapagtripan pa ko dun at makulong!ang pinaka masaklap pa e yung iiwan na kami ng mga kasama namin sa kwarto at 6 na lang kami matitira tapos yung 3 pa samin puro visit visa lang kaya for sure kinabukasan aalis na din sila ...at etong mga mang iiwang mga to nagkwentuhan pa na di lang pala ako ang nakakaranas nun, pati sila.. yung natutulog malapit sa C.R samin sinasakal at dinadaganan daw sya nung babaeng nakaputi at yung isa naman binabalian ng katawan!!!!!! Diyos ko po kaya naman naiyak na ko kasi ramdam ko yun e...2 sa mga kasama kong naghihintay din ng employment visa niyaya ko na lumipat dahil di ko na talaga kaya mag-stay pa dun..pero bago kami umalis ay nag alay muna kami ng dasal para naman di na kami sundan lalo na ako!!!pero ang malupet at sobrang ikinatakot ko, bina-block nya yung prayers namin at ako tinatabihan nya at kada sagot ko sa prayers, hinahawakan nya ako sa lkod... pero that time i need to be strong dahil yung isa sa mga kasama ko muntik na sapian!!!! nasa muslim country kami at most of them di naniniwala sa mga sapi kaya kahit alam kong andun pa sya sa tabi ko, sinabi ko na lang na wala na sya at umalis na para lang malabanan ng kasama ko ang takot nya at ng di sya matuluyang sapian!!!!!!after that, lumipat na kami.. nakatulog na ako ng maayos at mahimbing! thanks to God! yun nga lang yung mga bagong dating dun sa hotel at napunta sa room na yun, ganun din ang mga naranasan! at dahil sa lagi kong pag iyak at pakikiusap sa tita ko nagpa-visit visa na muna ako sa tita ko at bumalik na lang Dubai at dun na lang naghintay ng employment visa...pasensya na po masyado mahaba, shortcut pa yan at di na naikwento ang iba... salamat sa pagbabasa!~ syrel ~ Dubai

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now