NBI Classified Files: Baryo (Parts 1-4)

85 2 0
                                    



Part 1

Hi guys! Welcome to my vlog! Haha joke lang. Pasensya na ngayon lang nakapag send. Talagang busy lang ako, at nga pala. Sa mga readers natin dyan, please lang wag po nating ibash ang page pag di nakakapag update. Hindi lang po sa page umiikot ang mundo naming mga writters, autor, senders at admins. So please guys wag nyo kaming ibash lalo na mga admins. May sari sarili tayong iba pang pinag kakaabalahan nandyan yung Family, school, trabaho at marami pang bagay. Lalo ako kabwanan ni misis next month, so bare with me guys. No hate and spread love. Labyu guys.

Simulan na natin ang kwento.Mike's POV: Alam ko na alam ni Dann na tinawag ko ang habas nung huli naming assignment. "Mate, may kasalanan ako sayo." Bungad ko sa kanya habang nasa opisina kami. "alam ko na yun mate, simula ngayon di na kita pakikialaman tungkol sa pag gamit mo sa habas. Pero sana bago mo gamitin ang habas eh pag isipan mo munang mabuti kung para ba ito sa ikabubuti ng naka dadami." sagot nya sakin. At habang nag uusap kami ay dumating ang aming bagong assignment. Isang baryo ang misteryosong nawawala ang mga taong dumadayo dito. Walang paliwanag, walang bakas, walang sino mang tistigo ang makapag sabi kung saan napunta ang mga dayo. Isa itong napaka liblib at malayong baryo sa isang probinsya. Tanging mga report lamang ng mga kaanak sa lokal na kapulisan ang tanging hawak namin sa pag kawala ng mga ito.Isang gabi bago pa man kami tumungo sa lugar. Katatapos ko lang mag handa ng mga gamit na dadalhin ko sa malayong byahe, napag pasyahan kong mag pahinga na dahil maaga palang ay aalis na kami. Habang ako ay nakahiga at inaantay na dalawin ng antok, napag pasyahan kong pumikit na. Patay na ang ilaw sa kwarto at tanging ilaw nalang sa labas ng bintana ang nag sisilbing liwanag sa loob nito, isang mahinang pag hikbi o iyak ang narinig ko. Iminulat ko ang aking mga mata upang hanapin sa paligid ng kwarto kung saan nga ba nang gagaling ang pag iyak, wala naman akong nakita. Pero papalakas ng papalakas ang naririnig ko na nagiging pag hagulgol na, napbangon ako sa pag kakahiga ng biglang lumamig sa loob ng aking kwarto na animoy nag karoon ako bigla ng aircon. "ay, di ko palaa nasarado to. Kaya naman pala maginaw." sabi ko sa aking sarili ng makita kong bukas pala ang aking bintana. Lumapit ako sa bintana at biglang umihip ang napaka lamig na hangin na nag mumula sa labas, umangat ng bahagya ang kurtina na naka kabit dito. "Tulungan mo ako, tulungan mo kami." mga salitang nanggaling sa isang babae sa labas ng bintana. Napaupo ako sa gulat ng makita ko ang itsura ng babae sa labas ng bintana. Wala itong ano mang saplot sa katawan, napakadaming sugat sa ibat ibang parte ng katawan, basag ang noo nito na halos makita ko na ang bungo, at ang napaka lalim na hiwa sa kanyang leeg, patuloy ang pag agos ng napaka daming dugo na nanggagaling sa pinaka malalaki nitong sugat at bunga nga. "Tulungan mo ako, tulungan mo kami." pag ulit nito. "TULUNGAN MO AKO!! TULUNGAN MO KAMI!!" pag ulit pa nitong muli na sa puntong ito ay pasigaw na nya itong binibigkas.Sa tagal, at sa dami ko ng nakitang di maipaliwanag ay ngayon lang ulit ako natakot ng ganito. Nanginginig na ang aking buong katawan sa takot. Napa atras na ako papalayo sa bintana, pumikit na din ako para hindi ko na sya makita pa. Ilang sandali pa ay nawala ang pag iyak at pag sigaw sa labas ng bintana. Minulat ko ang aking mga mata upang kumpirmahin na wala na nga ang babae sa labas nf bintana. "hay, ano ba yan. Grabe naman yun. Buti wala na sya." bulong ko sa aking sarili. Naisara ko na ang bintana at nahiga ng muli sa aking kama. Lumipas pa ang isang oras at tuluyan na akong dinalaw ng antok at tuluyan na ngang naka tulog.Nagising ako ng tawagin ako ng kalikasan, kaya bumangon ako at nag tungo sa palikuran. Pag katapos kong umihi ay parang nawala ang antok ko kaya nag sindi muna ako ng sigarilyo, habang nag papausok ako sa biranda ng aking bahay ay tila may tumawag ng aking atensyon sa di kalayuan. Isang babae ang nag lalakad, nasabi ko itong babae dahil sa mahaba ang kanyang buhok. Nag lalakad ito papalapit sa aking bahay, napansin kong wala itong kahit isang saplot sa katawan. Marahan itong nag lalakad na animoy nahihirapan sa pag lalakad, "Ay put*!! Ito yung put@*!*?/ng babae kanina!" napamura ako ng maalala ko ulit yung nangyari kanina lamang. "tang@*?!ng yan! Ano bang meron?! Bakit naman ganito!" pag mumura ko ulit sa aking isipan sa sobang takot. Isang higop pa ng usok at nananakbo na akong mumasok sa loob ng bahay. Kinuha ko ang medalyon na bigay ng habas sa ilalim ng aking unan at nag simulang tawagin ito. "habas naman, kung kelan may mga ganito tsaka mo ako hindi kinukulit." bulong ko sa medalyon. "hahaha! O sige na pupuntahan ko na." isang mapanuyang tugon ang aking narinig sa loob ng aking kwarto, at pag mulat ng aking mata nakita kong papalabas na ang habas sa aking bahay. Narinig ko na lamang ang mga pag iyak sa labas, at ilang saglit pa ay tumigil na ang mga pag iyak. Pumasok ang habas, "walang intensyon na masama ang babae, nais lang talaga ng tulong mo. Hindi masama ang kaluluwang nag pakita sayo. Nag hahanap lang sya ng hustisya sa pag kamatay nito. Isa sya sa mga biktima o dayo na nag laho sa baryong pupuntahan natin bukas. Nag iwan sya ng babala, mag handa tayo dahil di biro ang susuungin natin bukas." mga katagang binigkas ng habas bago ito nag laho sa panigin ko.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now