Cronica Bruja (Parts 1-4)

126 4 0
                                    

Part 1 : Laguna

*Laguna - 1998*

Kwento ito ng aking ina noong anim na buwan siyang buntis sa kuya ko.
Tubong Masbate talaga si nanay at medyo sanay na din sa mga kwentong katatakutan, pero ibang bagay na 'pag ikaw na mismo ang bida sa istorya ng katatakutan.
Tinanan siya ng tatay ko noong taon ding 'yon at dinala dito sa Laguna
(hindi ko na tutukuyin saan eksakto dito) upang bumuo ng pamilya.
Napakasarap nga naman ng pakiramdam kapag kasama mo ang taong pinakamamahal mo.
Oo, hindi mayaman ang mga magulang ko pero.. yung sakripisyo na iiwan mo ang lugar na kinalakihan mo para lang makasama ang lalakeng pinili mong mahalin at maging ama ng iyong magiging supling... sa palagay ko ay,.. daig pa nito ang kahit na anong kayamanan na pwedeng maipagkaloob sayo sa buong mundo, ang makita mo ang mukha ng iyong mahal sa araw-araw na ginawa ng Diyos, marahil ay higit pa sa anumang gantimpala, marahil sa mga oras na iyon, .ay ito ang nasa utak ng nanay ko.
Pero sa kabila ng matamis na pagiibigan ay may nakaatang din na responsibilidad, simula nga noong magdalantao si nanay ay napilitan si tatay mamasukan sa isa sa mga pabrika sa Valenzuela at lingguhan na kung umuwi.
Ang araw-araw na lambingan ay napalitan ng araw-araw na panlulumbay dahil isang beses na lang sa isang linggo kung sila ay magkita.
Ngunit kelangan gawin ang sakripisyong ito dahil kung hindi'y papaano mabubuhay ang kuya kong nasa sinapupunan pa lang ng aking ina.
Ang tahanang punong-puno ng harutan at lambingan ay napalitan ng
kalungkutan, ngunit pinilit sinanay ni nanay ang sarili sa ganoong lagay, yamang iilang buwan na lamang ay manganganak na siya at magkakaroon na ng kasama sa bahay.
Isang hapon ay naghatid siya ng ulam kila lola na hindi naman kalayuan ang bahay mula sa'min, at medyo napasarap nga ang kwentuhan kayat sinabihan na siya ng lola na umuwi na habang may liwanag pa, mahirap abutan ng gabe sa daan dahil nga sa anim na buwan na ang tiyan niya noon.
Habang binabagtas ang daan pauwi ay, tila ba may napansin ang nanay,..
bente minutos na pala siyang naglalakad! Eh,kung susumahin ay sasampung minuto lang dapat o wala pa ang daan pauwi.
Pinawisan ng malamig si nanay at nagsimulang maka-kutob... pero nagpatuloy pa din siya sa paglalakad pauwi.
Hanggang sa may napansin siya... Hindi niya alam kung nasaan siya, hindi pamilyar ang lugar, puro matataas na talahib!... nililigaw siya!,..
para marahil ay abutan siya ng dilim sa labas...
Nagsimulang kilabutan si nanay ...lakad takbo na ang ginawa, kahit na hindi niya alam kung asan na siya... nagsimula siyang manalangin sa isip at nawa tulungan siya at iligtas ng Diyos sa anumang nakaabang sa kanya...
"Hindi ako pwede abutan ng dilim sa labas ng hindi nakakapasok sa bahay ko".. aniya sa sarili..
Nagsimula nang magkulay pula ang langit, ibig sabihin ay nag-aagaw na ang liwanag sa dilim.. Huminto si nanay sandali pumikit at nanalangin minsan pa,... mga ilang sandali pa....
pagmulat na pagmulat niya ng mata ay nakita niya agad ang isang pamilyar na poste, .. napasabi ng " Salamat po Lord!".. dahil tanaw niya na
din ang bahay nila sa wakas!
Bago magsimulang maglakad patungo sa bahay ay may narinig siya...
parang may boses mula sa likuran...
boses ng babaeng umaawit.. tila ba umaawit ng pampatulog ng sanggol... paglingon ay may nakita siya.. sa di kalayuan animo ay may puting telang mahaba na naglalaro at nagpapalutang-lutang sa hangin at palipatlipat sa ibabaw ng mga puno...
Alam ni nanay hindi ito normal, at lalong alam niyang nasa panganib ang sanggol na nasa sinapupunan niya, ..
Kaya naman habang nakatingin sa lumulutang na tela ay bigla siyang sumigaw ng ubos lakas..
"Hindi mo makukuha ang anak ko sakin!!"..
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng marahang hagikgik ng isang babae.. at pagkatapos ay biglang nawala 'yung tela sa hangin..
Nung nagkamalay siya ay madilim na sa labas, wala ng araw! ..
"Punyeta naka-idlip ako!!"... Sabe sa sarili, nakaidlip siya sa labas napaglaruan siya..
Nasabe na lang sa sarili ay sa Masbate hindi ko dinanas yung mga ganitong pangyayare dito lang sa Laguna..
Napatakbo ang buntis sa takot, habang salo-salo ang tyan, hindi niya alam kung may nakasunod ba sakanya dahil wala pa naman mga ilaw sa lugar na yoon noon, .. Ilang sandali na lang ay makakapasok na siya sa may pintuan, konting-konti na lang.. Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay agad binalibag ang pinto pasarado! sabay harang ng lamesa sa pintuan, dahil alam niyang hindi kakayanin ng mumunting pako na nagsisilbing trangka ng pintuan kung may dudunggol man dito mula sa labas....
Pagkaharang ng lamesa sa pintuan agad kinapa ang switch para buksan ang ilaw..
"Lintek! ngayon ka pa napundi!".. saktong pundido pa ang ilaw... binuksan na lamang ang lampara na tanging nagsisilbing liwanang sa buong bahay ..
Ilang oras din siyang nagmatyag at hindi na nakuhang kumain ng hapunan dahil sa labis na nerbiyos..
Nagbabakasakaling baka balikan siya ng bisita, 'pag lumalim pa ang gabi..
Nakaupo lang siya sa isa sa mga sulok ng bahay hawak-hawak ang gulok.. Nagaabang sa anuman ang pwedeng mangyare .
Pinatay ni nanay ang apoy sa gasera upang mas makaaninag siya sa labas... may mga siwang na maliliit sa ilalim ng dingding na mga ilang sentimetro lamang ang luwang at mula sa mga siwang na ito ay makikita mo ang anuman ang nasa labas, humiga patagilid si nanay sa lupa na nakarap sa mga siwang, nakadikit ang tenga sa lupa at nagbabakasakaling may makita sa labas ng bahay..
May ilang minuto din siyang nakahiga patagilid at nakatanaw sa mga siwang sa ilalim habang tangan ang gulok.
May ilang minuto din siyang nakatanaw sa mga siwang sa ilalim ng dingding at sa pagkabagot ay naisipan niyang sundutin o iwasiwas na lang ang hawak na gulok sa siwang, ...
at nung malapit niya nang sundutin ang siwang gamit ang gulok, ..
ay biglang may tumakbo sa labas palayo sa kung saan niya isusundot ang gulok...
Dahil sa nadinig ay napaatras siya at bumalik sa madilim na sulok upang magkubli... at napagtanto na kanina pa siguro siya nito sinisilip sa ilalim, nang hindi niya nakikita, hindi nga siya nagkamali babalikan siya nito.
Pagkatapos noo'y nagulat siya sa nadinig,..
narinig niyang muli itong tumatakbo... pabalik! ...
Dinig na dinig niya mula sa di kalayuan ay may tumatakbo patumbok sa bahay niya, tila babalyahin ang pintuan! ..
Tantiya niya ay hindi kakayanin ng pintuan ang tatanggapin nitong impact kung babalyahin ito mula sa labas..
Kaya naman bago umabot sa pintuan kung sinuman iyon ay agad itinarak sa lupa ang hawak-hawak niyang gulok.. at pagkabaon na pagkabaon sa lupa ng gulok ay biglang lundak nito sa itaas ng bubong.
Tila ba halos guguho na ang bubong sa bigat nito.. at marahil naramdaman nito na palaban ang nanay dahil sa pagtarak ng gulok sa lupa kung kayat hindi ito tumuloy sa pagbalya ng pinto, sa halip ay lumundag na lang sa bubungan..
Narinig ng nanay na may humuhuning baboy sa bubong, dumaan ang magdamag at nakikipagtitigan lamang ang nanay sa baboy na nasa itaas ng kanilang bubungan, nakikita niya itong sinisilip siya nito sa mga siwang ng bubong.
Nanatiling alerto ang nanay at nakakapit lamang sa nakatarak na patalim sa lupa hanggang sa pagputok ng liwanag..
-Ilang beses pa daw bumalik yung bisita ni nanay, pero nung mga sumunod na gabe ay nagpasama na siya kila lola sa bahay, hanggang sa maipanganak ng maayos si kuya.
-Iyan po ang isa sa mga
nakakatakot na karanasan ng aking nanay, ako nga pla si Eyah at isa po ako sa mga kaibigan ni ...
- The Man from Manila

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now