Compiled Stories 12

27 1 0
                                    


Stalker

Kung papalarin, sana'y mapili ang kwentong ibabahagi ko ngayon.

Itago nyo nalang po ako sa pangalang Key.

Pasensya na pero hindi tungkol sa mga aswang o ibang elemento ang ibabahagi ko.

Kadalasan kasi, hindi mga kagaya nila ang dapat nating katakutan, kundi ang kapwa natin.Simpleng tao lang ako, na nagtrabaho sa isang kumpanya dito sa Metro Manila. Sa ilang buwan kong pagtatrabaho, nakakilala ako ng isang babae, maganda sya. Same age lang kami kaya mabilis na nakapagpalagayan ng loob.

Isang gabi, habang magkavideo call kami. Napansin ko ang tila pagbabago nya ng mood, parang bigla syang natakot. Tinanong ko ang dahilan pero hindi sya sumagot, nagawa ko pa nga magbiro.

"Nakakita kaba ng multo dyan at parang kinikilabutan ka?" Medyo natatawa pa ako nang banggitin ko yan. Pero tanging pag-iling lang ang sinagot nito bago patayin ang video call.Nang gabing yun hindi ako makatulog kakaisip kung anong nangyayari sa kanya. Kaya bandang alasdos ay tumawag ulit ako sa kanya, nakita ko kasing online pa rin sya.

Agad naman nyang sinagot, at sumenyas na wag akong magsasalita. Tumango naman ako dito kahit wala akong idea kung anong nangyayari.

Ilang minuto ang lumipas, hinarap nya ang camera ng phone nya sa bintana. Nakasarado ito, pero makikita parin ang pigura ng taong tila nag aabang lang sa labas.Kinabahan ako para sa kaligtasan nya. Binabalak ko na sanang pumunta sa kanya kahit madaling-araw.

Buti na nga lang at dumating ang kaboardmate nitong nagtatrabaho sa callcenter kaya medyo napanatag na ako.

Kinabukasan, agad ko syang hinanap sa opisina para tanungin.

Ipinakita nya sakin ang iba't ibang messages galing sa magkakaibang account pero may iisang picture lang. Kaya nasisigurado kong iisang tao lang ang may kagagawan.

Makikita naman sa message ang litrato nyang kasama ako, maging ang pagsasampay nito sa likod-bahay ay napicturan din. Meron ding picture ng hubad na babae at ipinalit ang mukha nya. Dun ko napagtantong may sumusubay-bay sa bawat galaw nya at tila nababaliw sa kanya.Nagboluntaryo akong sa kanila nalang matulog para may makasama sya habang wala ang kasama nya. Pumayag naman ito dahil ilang araw na daw na ganun ang nangyayari.Mga 9pm ako pumunta sa cubicle nya para sunduin sya, malapit na ako sa pwesto nya nang mapansin ko ang visor nya, maitim ito at malaki, kaya napansin ko ang palihim nitong pagsulyap sa kaibigan ko.

Nang nasa apartment na nila kami, naging maayos pa ang lahat bago kami nagdesisyong matulog na. Dahil sa pagpatay ng ilaw, makikita ang isang anino sa labas. Agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng kutsilyo bilang proteksyon.

May kaba akong nararamdaman pero mas nananaig sa damdamin ko na dapat alamin kung sino ba ang tao sa likod ng anino sa bintana. Matapang kong nilabas ito pero wala akong nakitang tao.

Pabalik na sana ako sa loob nang mapansin ko ang litrato na nasa lupa, agad ko itong pinulot.

Laking gulat ko nang makita ang picture ko sa Facebook. Kinabahan ako dahil dito. Sino ang tao sa likod nang kababalaghang ito? Tanong ko sa sarili. Kinabukasan, may mga pulis na sa company namin. Kasakasama si Ben, isa sa mga employee ng kumpanya.

Kausap naman ng mga pulis ang visor ng kaibigan ko, malapit lang pala ang tinutuluyan nito sa kaibigan ko kaya ito na rin ang nagbantay dito. Sa kanya din unang nagsabi ang kaibigan ko kaya agad syang nagsabi sa management na mag undergo ng investigation. Dahil may ilang pictures na sa kumpanya kinunan.

Para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang kaibigan ko nang malamang nahuli na si Ben. Naireport din kasi ito ng ibang residente sa compound na nagmamanman sa tinutuluyan ng dalwang babae.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now