Compiled Stories 10

83 3 0
                                    


Sampaguita


Hi Spookify!! Silent reader ako dito everytime 'di ako makakatulog 'tong page nato ang palagi kong takbuhan, So eto na nga itago nalang natin ako sa palayaw na Mr.A.Hindi talaga ako naniniwala sa mga beliefs ng mga matatanda na kapag naka amoy ka ng ''Sampaguita'' may mawawala, sa tanan ng buhay ko namuhay ako sa walang pinaniniwalaang kasabihan due to my religion, lagi kong binabase yung pamamalakad ko sa buhay ko sa sinasaligan naming aral not until nangyare saken ito, this month lang den talaga nang magsimula akong makaamoy ng mga strange thoughts.

One time napadaan ako sa isang lugar sa'min na kung saan meroong 'di katandaang lalake which is kilala ko naman 'yon, sabi ko sa utak ko parang 'di na sya tatagal, parang kukuhain na din to para 'di mahirapan which is paglagpas ko sakanya biglang nag amoy sampaguita, at syempre nagtaka ako pero isinawalang bahala ko nalang baka kung ano lang or nababaliw na'ko, nakakatawa man pero lumipas ang isang linggo yung tinutukoy kong lalake is sa kasamaang palad ay binawian na ng buhay, laking gulat ko non, sabi ko paanong nangyareng ganon, i mean ano to coincidence lang?

2nd time sa lugar din namin mga bandang 12 yon nagpunta ako sa place kung saan ako palaging nagyoyosi which is lagi ko namang ginagawa, pagtapos non nakaamoy nanaman ako ng nyemas na sampaguita, edi napatakbo na'ko noon kasi saang kamay ng diyos ako kukuha ng katapangan, biruin mo 12 ng hating gabi makakaamoy ka non kahit wala namang nagtatanim non sa'min, then after 3 days may namatay nanaman sa lugar na'yon, coincidence nanaman ba ito?

3rd time before my dog died nakaamoy nanaman ako ng sampaguita which is sobrang unusual na sa tapat mismo ng pintuan namin yung amoy which is yung dog namin is nasa ilalim ng hagdanan, isang araw nakalipas non namatay yung aso namin nung kinagabihan, lagi kong tinatanong sarili ko bakit ako lang nakakaamoy non bakit yung mga magulang ko hindi? coincidence nanaman ba? dapat ko bang ikatuwa 'to?

Mr.ACaviteño

Roadtrip

Tutal brownout. Hahaha. Share ko lang tong experience. Warning mahaba to kasi kinwento ang buong details. Sana magkaroon kayo ng interest na basahin to.

Isang gabi, mga bandang 8pm. Pauwi na kami ng mga pinsan ko. Sakay sa kotse galing kaming SkyRanch non. Sa tagaytay, part na pazigzag. May nasa unahan kaming kotse. Babae yung driver, nakita namin nung nakasabay namin siya sa crossing. Ako nakatingin lang sa kotse nung babae. Yung mga pinsan ko mga tulala din. Pagod kasi kami kaya tamang tulala. Hahaha. So yun nga, nagbukas yung ilaw sa loob ng kotse nung babae at may pinipindot sya, radyo ata yun. Tas pinatay niya ilaw. Tas biglang binuksan ulit yung ilaw. Nashock ako sa nakita ko. May babaeng nakaitim sa likod nung driver. Itim na itim ang buhok na mahaba. Makintab pa. Parang basang buhok ganon. Napasandal ako non sa kinauupuan ko sa sobrang takot. Pinikit ko yung mata ko kasi iniisip ko na guni guni ko lang yon. Inisip ko na ako lang siguro nakakita. Nagpepray ako habang nakapikit kasi sobrang natakot ako. Then biglang nagsalita yung kuya ko (yung nagdadrive).

Kuya: Guys nakita niyo yon.

Pinsan1: Sh*t kuya napansin mo din yon.

Pinsan2: Kanina ko pa tinititigan yon, akala ko ako lang nakakakita.

Ako biglang nagmulat dahil sa sinabi nila. Nakita din pla nila. Kaming dalawa ng pinsan kong babae umirit tas ako maluha luha na kasi kingina kinikilabutan ako. Pagtingin ko umangat yung kamay nung babaeng nakaitim, may kutsilyong hawak na tipong sasaksakin yung babaeng driver. Nagpanic na ko non. Nagsisigawan na kami. Si kuya binusinahan yung kotse sa unahan namin. Paulit ulit na busina.

Binuksan namin yung bintana. Sinisigawan namin yung babae na itigil ang kotse. Naglabas di kami ng cellphone. Pinapailaw namin yung flashlight ng phone namin para mas lalong madistract yung babae para tumigil. Wala na sa ayos yung pagdadrive nung babae. Kaliwat kanan. Para syang lasing. Lalo kaming nagpanic kasi baka nakita niya na yung nakaitim na babae sa likod niya. Tas kami pumasok na at sinara ang bintana kasi nasa may highway na ulit kami. Pero si kuya nabusina pa din at yung flashlight ng phone namin nakabukas pa din para manotice niya kami. As in nasigaw pa din kami.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now