The Unholy (Ang Mama Mary na Rebulto)

48 2 0
                                    

 

BABALA: Ang inyong mababasa ay pawang katotohanan at karanasan lamang, wala ito sinasagasaan at sinisiraan na relihiyon.It's your boy Mr. Tender. Kung nabasa at nagustuhan niyo ang aking dalawang kwento na pinasa dito sa Spookify ay taos puso ako nagpapasalamat sa inyo.Ang isang santo ay isang partikular na mabuti o banal na tao. Ginagamit ang katagang ito sa Kristiyanismo. Nakasanayan na ng katoliko ang pagtawag sa rebulto ng santo at sinasamba nila ito upang lumawak pa ang kanilang pananampalataya.Isa din ako katoliko at sumasamba sa santo (rebulto) para ibuhos ang aking pananampalataya ngunit sa ating pananampalataya at pagsamba ay hindi pala natin alam kung sino ang ating inaalayan ng pagdadasal.Gamitin ko nalang po ang POV ng aking Tito tungkol sa kanyang karanasan sa santo (rebulto).POV (Tito Bryan)Ako si Bryan, binata pa lamang ako ay tapat na ako sa aking relihiyon (Katoliko) at malaki ang pananampalataya ko sa diyos. Balewala sa akin ang batikos ng ibang relihiyion tungkol sa pagsamba ng katoliko sa santo (rebulto).Pagalala at pagkilanlan lamang ang dahilan kaya namin sinasamba ang gawang santo (rebulto) at ito ang daan namin para makapagdasal at makapagpanampalataya sa panginoon dahil para samin wala naman mali sa pananampalataya ginagawa namin.Madami kami santo (rebulto) sa bahay at isa na dito ang Mama Mary na santo (rebulto) na sobrang laki. Kung nakikita niyo yung mga santo (rebulto) pinaparada tuwing piyesta ay ganon siya kalaki. Nakita lang namin ito sa aming bahay na inuupahan.Nakasanayan na ng aking nanay na bago sumapit ang pista sa isang simbahan sa tayuman ay aayosan namin ito upang maging maganda at malinis ito kapag ipaparada na sa pista. Tinutulungan ko lamang si nanay sa pagaayos nito upang mapadali ang gawa.Natapos na namin ang pagaayos ng damit at paglalagay ng bulaklak sa santo (rebulto) ng Mama mary at kung ipapaliwanag ko ay sobrang nakakamangha ang kanyang kagandahan dahil sa pagaayos namin.Iniwan na namin ang santo sa ikalawang palapag ng aming bahay at bumaba na kami ng aking nanay upang magpahinga muna dahil sa sobrang pagod sa pagaayos ng santo ngunit ako ay may nakalimutan gamit sa ikalawang palapag kaya umakyat ulit ako.Papaakyat pa lang ako ng hagdan ay may naririnig na ako nakakatakot na boses na hindi ko maintindihan yung sinasabi (Ibang lengwahe pero Sinearch ko Latin) "AVE SATANAS" paulit ulit ko naririnig kaya nagtaka ako kung sino yun dahil wala naman tao dun sa ikalawang palapag.Pag akyat ko sa ikalawang palapag ay di ko muna binuksan yung pintuan, sinilip ko muna ito sa maliit na butas ng pintuan at bumungad sa aking mata ang napakaganda santo ay naging nakakatakot na halimaw.Umiiyak ng dugo, lumalaki ang bunganga na may malalaking ngipin at dahan dahan umiikot ang ulo habang binibigkas ang salitang "AVE SATANAS". Natulala na lamang ako sa takot habang nakikita ko ang hindi kapanipaniwala na natuklasan ko.Binalot ng lamig at takot ang aking katawan habang nanginginig, mas natakot pa ako sa pangyayari na dahan dahan umiikot ulo niya sabay biglang tumingin sa aking pwesto. Napatakbo ako sa sobrang takot at sinabi ko ito agad sa aking magulang.Natakot din sila sa aking kinwento kaya ang ginawa nalang namin ay binigay na lamang namin ito agad sa simbahan kahit hindi pa araw ng pista upang mabasbasan din ito ng pari. Tinanggap naman ito ng simbahan at pinaniwalaan ang aking karanasan.Dala dala ko pa din hanggang sa pagtanda ang nakakatakot na aking karanasan lalo na ay kapag nakikita ko pa ito sa simbahan na aking pinagsasambahan ngunit natakot lamang ako sa aking karanasan at hindi mawawala ang aking pananampalataya at pagiging tapat sa aking relihiyon.Kung ano pinapaniwalaan mo ay ipagpatuloy mo lamang dahil kung nakabase lamang ang iyong paniniwala at pananampalataya sa mga taong nagsasabi "KAMI LANG MALILIGTAS, KAMI LANG ANG KARAPAT DAPAT NA IGLESIA" ay parang binalewala mo na din ang iyong paniniwala sa sarili.PS: Kung pansin niyo kada magsasabi ako ng SANTO ay may kasamang REBULTO, mag adjust tayo sa mga banal banalan at perpekto kuno na tao. Uunahan ko na mga perfectionist dyan Pwe!

Mr. Tender

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now