Tragic Vacation

42 3 0
                                    



April 9, 2018. Kasalukuyan akong naglalagay ng mga damit sa aking maleta dahil meron kaming outing na magkakaibigan. Nakahanda na lahat ng aking mga dadalhin maging ang kwintas na binigay saakin ng aking Lola. Pumunta na ako sa kusina para kumain at para magkapagpaalam na rin ako kay mama;

Me: Ma alis na ako Maya-maya lang after ko po kumain

Mama: Sige nak, may baon ka bang pera? Sino-sino ba mga kasama mo?

Me: Opo may may pera pa ako, kasama ko po yung mga kaibigan ko na sila (Johnny, Cess, Jona, Mark, Drew, at Kim) bale Pito po kami ma

Mama: Pito? Wala ba kayong iba pang kaibigan na pwedeng sumama sa inyo?Nakita ko na nag-aalala si mama kaya't tinanong ko siya

Me: Bakit ma? Yung iba po kasi naming kaibigan may kanya kanya ding pupuntahan kaya kami nalang po

Mama: Iho alam mo ba ang kasabihan ng mga matatanda? Na kapag mamamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalo na kung aabutin kayo ng gabi dapat ay lagi kayong magkakasama bilang isang grupo na pantay ang bilang?

Me: Ano pong ibig mong sabihin ma?

Mama: dapat ang bilang niyo ay walo anak, sabi nila kukunin ng mga masasamang espirito yung isa para maging pantay yung bilang niyo. Wag kana kaya tumuloy anak?

Me: Ma ngayon nalang kami ulit makakapag-outing ng mga kaibigan ko...Kaya wag kang mag-alala ma lumang kasabihan na din yon. Uuwi ako dito ng safe ma pangako.

Mama: Kung yan talaga ang desisyon mo anak sige. Mag-iingat kayong lahat anak at wag hiwa-hiwalay ha

Me: Opo ma!

Pagkatapos namin mag-usap ni mama, agad na akong umalis at pumunta sa lugar kung saan kami magkikita-kita.

Isang van lang ang gagamitin namin dahil kasya naman kaming lahat doon. Naghintay pa kami ng ilang oras sa paghihintay sa iba. Nang makumpleto na kami agad na kaming pumwesto sa kanya-kanya naming upuan. Si Mark ang magdadrive yung nasa tabi niya naman ay si Kim.

Nung una maganda ganda ang aming biyahe dahil nagawa pa naming kumanta magpicture-picture at kumain ng kung ano-ano. Hanggang sa dalawin ang bawat isa ng antok. Mark: Guys matulog muna kayong lahat, ako muna bahala dito, medyo mahaba-haba pa amg biyahe natin.

Payapa kaming natutulog noon ng biglang sumigaw ng malakas si Jona

Jona: Guys!!!!!

Nasa gilid ko siya kaya kitang Kita ko na pinagpapawisan siya at hinihingal

Me: Anong nangyari sayo? Okay kalang?

Jona: Guys umuwi na Tayo! Hindi maganda ang napanaginipan ko, pakiramdam ko totoo yon!

Cess: Sis ano bang napanaginipan mo? Relax ka lang walang mangyayaring masama hahahaha

Johnny: Oo nga Jona panaginip lang yon wag kang mag-alala

Kahit na medyo kalmado na non ang atmosphere eh hindi ko maiwasang mag-alala at kabahan dahil dalawang beses na nakarinig at nakakita ako na parang nagpapahiwatig na wag ka kaming tumuloy. Pero sa huli tumuloy pa din kami, nagkantahan, harutan at kumain ulit kami hanggang sa nagtanong si Drew

Drew: Mark nasaan na tayo? Parang kanina pa tayo bumabyahe at Gabi na din.

Mark: Hindi ko din alam eh, Tama naman yung dinadaanan natin pero parang nauulit lang ng nauulit yung dinadaanan natin

Me: So naliligaw tayo?

Mark: hindi ko Alam eh guys may signal ba cellphone niyo? Pakicheck naman sa mapsWalang sumagot saamin dahil lahat ng cellphone namin ay walang signal.

Kim: Bumalik nalang kaya tayo?

Mark: balik nalang ba tayo? Sayang naman binyahe natin...

Kim: bumalik nalang tayo kesa ituloy pa natin to baka mas lalo lang tayong maligaw.

That time nagpasya na kaming magkakaibigan na bumalik nalang dahil sa bukod sa madilim eh umaambon na din

Habang pinapaandar non ni Mark yung sasakyan may tumawid na malaking itim na pusa at nasagasaan? Hindi namin alam kasi naramdaman namin yung impact ng nilalang na yon sa sasakyan. Bumaba kaming mga lalaki para tignan kung may nabanggan nga kami pero wala. Bumalik kami sa sasakyan at pinaandar ulit. Habang nakatingin sa kalsada si mark non bigla nalang nagsisisigaw si Kim para siyang baliw dahil tumatawa siya at nag-iba yung boses niya, biglang lumalim. Nagsimulang magkagulo non sa van dahil sinusubukang guluhin ni Kim si Mark non habang tumatawa, inaawat namin siya pero hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas niya tatlo na kaming pumipigil sa kanya pero Hindi pa din siya maawat. Nadagdagan pa ang problema namin nang biglang sumigaw si Cess at Jona na may nadaanan daw kaming babae na nakaputi. Nakaramdam kami ng takot non, pinipilit pa din naming pakalmahin non si Kim, Ewan kung ano pumasok sa isip ko at isinuot ko Kay kim yung kwintas ng Lola ko pero after non nawalan siya ng malay. Kala namin tapos na pero biglang sumigaw si Mark

Mark: Guys hindi gumagana yung preno!!!Hindi kami makapag-isip ng pwedeng gawin dahil matarik yung dinadaanan naming lugar

Mark: Guys kumapit kayo! Ibabangga ko sa puno kaysa makaperwisyo tayo.

Kanya-kanya kaming kapit non at umiiyak na yung mga babaeng kasama namin hanbang nagdadasal.

Nanlabo ang mata ko matapos maramdaman ang malakas na pwersang halos hatakin ang buo kong katawan. Nagising ako non sa ospital andami kong sugat sa katawan, nakita ko sa gilid ko si mama

Me: Ma anong nangyari? Yung van? Yung mga kaibigan ko?

Mama: Nabunggo yung van niyo sa puno anak, sinabi ko Kasi sayo wag na Kayong tumuloy eh

Me: Yung mga kaibigan ko ma?

Napatingin sa malayo si mama non at Hindi maganda ang kutob ko,

Mama: sumama ka sakin

Lulan ng wheel chair pinuntahan ko lahat ng kaibigan ko at lahat sila stable na ang kalagayan maliban kay Mark, Critical ang lagay siya dahil siya ng pinakaunang napuruhan ng mabangga ang van. Dalawang linggo lang nakalabas na kaming lahat pero Na-comatose si Mark ng isang buwan, araw-araw namin siyang dinalaw hanggang sa isang araw nabalitaan namin sa pamilya niya na patay na siya. Maraming beses na nagpahiwatig ang tadhana na may mangyayaring masama pero hindi ko yon pinansin at tumuloy pa din kami. Kung sana sinunod ko ang sinabi ni mama, kung naniwala kami sa panaginip ni Jona, at kung Hindi kami tumuloy after nung pusa baka Sana hanggang ngayon buhay pa si Mark. Hanggang ngayon hindi pa din namin siya nakakalimutang magkakaibigan kahit magkakahiwalay na kami, Nagtatravel pa din kami kasama ang aming mga pamilya pero sa mga malalapit na lugar nalang at kung malayo madaling araw pa lang bumabyahe na kami.

P.S hindi po nila tunay na pangalan Yan for privacy na din po. Hindi ko din po sinabi yung pangalan ng lugar kasi baka po matakot na kayong pumunta don if ever.Sounds weird pero kung sa tingin natin may masamang mangyayari wag na tayong tumuloy...Yung sa mga pamahiin naman sana kahit konti maniwala tayo Kasi namang mawawala at maraming bagay sa mundo na hanggang ngayon hindi maipaliwanag. Mag-iingat po tayong lahat at salamat sa pagbabasa.

-Jevon

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now