April Fools (Part 1 & 2)

78 2 0
                                    

April Fools (Part 1 & 2)

Part 1

2004, April- Kumusta kayo, ako nga pala si May at kasama ko ngayon si Lara. Huwag ka nga maharot diyan Lara Pasensya na ang kukulit nitong kasama ko, tawa siya nang tawa. Tara samahan niyo kami at ipaprank namin si Anna.

Huwag ka na nga maharot Lara kanina ka pa ghorl, puwede ba i-set mo na yang video ng boyfriend ni Anna. — Itong nakabigti siya kunwari? napakasama naman natin ghorl hahaha. — Oo ilabas mo na, kasabwat naman natin yang si Martin eh, wala namang masama dun. — Okay sige sige ito na. Lapag ko na dito sa sofa. — Oy bilisan mo nandiyan na si Anna, dali magtago tayo dito sa likod.

Ahhhh! Putangina ano 'to. Hello, hello Martin. Sagutin mo yang cellphone mo please. Ano 'tong video na 'to jusko ikaw ba 'to. Huwag naman sana. Wala naman tayong problema jusko sagutin mo na yang phone mo.
Martin.

Hoy tumahimik ka nga diyan Lara hahaha baka mahuli tayo ni Anna. —Teka teh ghorl baka naman sobra na tayo. Hindi pa ba tayo lalabas May? — ano ka ba ang hina mo naman mag prank. Wait lang tayo mga 1 minute pa tapos labas na tayo. — Ayan teh 1 minute na, tara labas na tayo. — Okay sige Lara ang kulit mo eh.

Oh my God! Ahhhhh! May, May si Anna sinaksak niya sarili niya. — Holy shit! Anna, Anna, beh gumising ka dadalin ka namin sa ospital. Prank lang 'to beh. Dali Lara tumawag ka ng ambulansya.

Time of death, 4:01 pm.

I'm so sorry po Miss May and Lara. Ginawa na namin ang lahat pero hindi na kinaya ni Anna, patay na siya. — Sige po doc. Ano na gagawin natin May, paano si Martin? — Walang makakaalam nito, itatago natin 'to sa kaniya.

2006, April- Martin nandito na ako, buksan mo 'tong pinto babe. — Saglit lang Anna, tatapusin ko lang 'tong video.

Part 2

So ginabi ka yata Anna?— Oo babe daming tinapos na trabaho sa office. — Sige tara, kumain na tayo at hinanda ko na' tong favorite mong Kare-kare. Magpray tayo, ikaw na mag lead. — Busog pa ako babe eh, matutulog na ako. — Hindi Anna huwag ka muna matulog, kumain muna tayo, masarap 'to. Tara na. — Sinabing ayaw ko kumain eh!

Biglang tumaas ang boses ni Anna at nanlisik ang mga mata. Nilakasan ko naman ang loob ko, niyakap ko siya at ipinikit ang mga mata. Nagsimula akong magdasal.

Panginoon, salamat sa lahat. Salamat sa lahat ng oras na ibinigay mo para makasama ang babaeng pinakamamahal ko. Salamat at nakilala ko siya. Ngayon, ipinauubaya ko na ang lahat sa inyo. Sa inyo na po si Anna. Tanggap ko na po na wala siya. Amen.

Pagbukas ng mga mata ko ay wala na si Anna. Hindi ko alam. Tinawagan ko sina May at Lara.

Hello. Sagutin niyo 'to. Bakit niyo nilihim ang lahat. Sagutin niyo 'to please. — Hello, sino po sila? — Si Martin po ito, kaibigan ni May, nandiyan po ba siya? — Ah pumunta na lang po kayo sa presinto sa buong detalye. Pinag-aaralan ngayon ang awtopsiya ni May at Anna. Baka may maitutulong po kayo sa pag-imbestiga namin sa kaso ng dalawa. Patay na po sila.

Kryl n Abr

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now