Molen (Parts 5-8)

138 9 0
                                    

Molen (Parts 5-8)

PART 5

"Molen is back"

Tatlong taon ang lumipas simula ng maranasan ko ang kababalaghan kay molen. Simula ng mangyari iyon ay hindi na siya nawala sa isip ko. Bawat sandali pinakikiramdaman ko ang paligid, umaasang baka muli siyang magbalik o magpakita. Pero wala.

Ngunit hindi ko inaasahan na isang araw, makikita ko ang dimonyong hayop na nagnakaw sa katawan ni Molen.

Oo, tama kayo, nakita ko na ang katawan ni molen na nasa ilalim ngayon ng pangkontrol ng isang ligaw at masamang kaluluwa.

Naglalakad ako nun patungo sa simabahan ng makita ko siya. Sa simbahan na hindi manlang siya makatingin na para bang takot na takot siya sa krus na nasa ituktok ng simbahan.

Tinawag ko siya sa pangalang Molen pero hindi siya lumingon. Kumpirmadong hindi nga siya ang nasa tama niyang katawan.

Palihim ko siyang sinundan. Hanggang sa bahay nila sinundan ko siya. Maliit at tagpi tagping iyero ang kanilang tinutuluyan. Pagpasok niya sa loob ng bahay nila ay bigla namang lumabas ang isang matandang lalaki. Nagulat ako ng tignan ako nito ng masama.

Natakot ako. Matalim ang kanyang mata. Nakaramdam ako ng kakaibang presensya na tila ba may kung anong sumpa siyang ginawa saakin.

Nagmadali ako nun tumakbo papauwi saamin. Pagdating ko sa bahay ay nanlata ako. Bigla akong nanghina na tila ba magkakasakit. Tinawag ko ang mama ko ng maramdaman kong nandidilim na ang paningin ko. Sakto naman na pagkabagsak ko sa sofa namin ay tuluyan nakong nawalan ng malay-tao.

Nagising ako na nasa kwarto ko na ako. Nag aagaw na ang liwanag at dilim ng makaramdam ako ng panlalamig. Nagkumot ako dahil lamig na lamig talaga ako.

Ganon ganon nalang ang gulat ko ng biglang bumukas ang bintana ng kwarto ko.

Hindi ako makapaniwala. Gusto ko mang matakot, pero natuwa ako dahil nagbalik siya. 3 years ko siyang hinintay.

"Kamusta?" Namiss ko ang boses niya.

"Nagbalik ka Molen?" Tanong ko.

Tumango siya at ngumiti saakin.

Tuwang tuwa ako dahil nagbalik siya.

Ang masaklap lang ay bigla akong nagising sa katotohanan. Tapik tapik ako ni Mama ng magising ako. Umuungol daw kasi ako na tila binabangungot.

Panaginip lang pala.

Pero nang magising ako nun, nag umpisa na akong magplano kung paano mababalik ang katawan ni molen sa totoo niyang pagkatao. Alam ko na nandito pa si molen. Alam ko na nandito pa siya sa mundo at pagala gala lang sa kung saan.

Maghintay siya at tutulungan ko siya.

Guys, ganggang dito nalang muna. Babalitaan ko ulit kayo sa pagsalba ko sa buhay ni Molen.

-Lia
Norzagaray, Bulacan.

Molen part 6 -
(Larawan ng magnanakaw na kaluluwa)

Tulad nga ng sabi ko, tinuloy tuloy ko na ang pagmamanman sa katawan ni Molen na ninakaw ng masamang kaluluwa. Oras-oras at mayat-maya ay nagpupunta ako sa tagpi-tagpi nilang bahay.

Sakto lang noong araw nayon dahil nakita kong paalis si Molen at ang matandang lalaki. Paglabas nila ay nagtago agad ako sa makapal na halamanan sa tabi ng kapitbahay nila.

Malayo na sila ng lumabas ako.

Kinakabahan man ay tumuloy na akong pumasok ng walang paalam sa tinutuluyan nila.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now