My Half Sister's Abilities (Parts 4-6)

72 6 0
                                    

Part 4

[•Hi. Nbasa ko ang mga feedbacks nyo at thankful ako sa sumusubaybay sa story naming magkapatid. And yes po, this is based on a true story. Kung hindi po kayo naniniwala, MAS LALO NAMAN PO AKO. Di ko nga akalain na maiinvolve ako sa mga katulad nila at ang mas malala ay mismong kapatid ko pa. Sorry din po kung kailangan ko syang putulin by part, hindi po keri ng buo kasi masyadong mahaba tsaka mahihirapan si Admin mag-edit. I love reading nobles din po kya kung napapansin nyo parang pangwattpad ako magsulat iyon ay dahil gusto kong maintndhan nyo ng maigi ang kwento ko. I hope nasagot ko ang ibang questions nyo. Ramdam ko kayo kapag nacucurious kayo kasi damang dama ko dati yan. Geez.•]
Kinabukasan ay napagdesisyunan namin ni Mira na wag na munang pumasok sa school dahil hanggang ngayon ay lutang parin ako sa pangyayari at sariwa parin ang sugat ni Papa sa braso kaya malamang mahhrapan syang kumilos ng mag-isa. Pero ang mga sugat na tinamo ni Mira kagabi ay kusang naghilom ng hindi ginagamot. Masyadong tahimik si Mira kaya hindi muna ako nagbabanggit o nagtatanong ng kung anuman ang nasaksihan ko kagabi. Lumipas ang maghapon na wala kaming ginawa ni Mira kundi ang asikasuhin si Papa. At pagkagat ng dilim ay isinara na namin lahat ng bintana at pinto. Sa basement kami natulog ng gabing iyon para safe. Kinabukasan ay nasa sala kami matapos mag-almusal ng magsalita si Papa. "Kailangan nyong pumasok sa school ngayon mga Anak. Wag nyo akong alalahanin dahil hindi naman aatake ang aswang kapag maliwanag tsaka naigagalaw ko naman ang kabilang braso ko, at bukod doon andyan naman si Domus at Icarus sa paligid. Kung wala man si Icarus palagi namang nandyan si Domus." Pangungumbinsi samin ni Papa. "Papa kilala mo po si Domus at Icarus?" Nagugulat na medyo namamanghang tanong ko kay Papa. Napalingon sakin si Mira kaya naitikom ko ang bibig ko. Tiningnan naman sya ni Papa bago tumingin sakin. "Oo, kaibigang matalik ng Mama ni Mira si Icarus mula pagkabata. Si Domus naman ay kapatid ni Icarus na piniling sumama sa knya sa lahat ng kanyang lakad kasi wala na silang mga magulang." Sabi ni Papa na halos kahawig lang din ng sinabi ni Mira sakin nung isang gabi. Nanahimik nalang ako pagkatapos, naisip kong mas maigi nanga siguro na hayaan kong kusang magkwento sakin si Mira kesa sa pinipilit ko sya. "Pumasok na kayo at magpaalam sa mga guro nyo na baka lumiban kayo sa klase ng tatlong araw dahil lilipat tayo ng lugar. Hindi na tayo ligtas dito, baka balikan tayo ng mga Aswang dhil hndi pa sila nakakabawi." Sabi na naman ni Papa. Nagtataka na ako sa pananahimik ni Mira kaya tinanong ko sya. "Mira, ayos kalang ba?" Malungkot syang napatingin sakin at bigla nlang lumuhod sa harapan ni papa na nakaupo sa Sofa. Nagulat ako kaya lalapitan ko na sana sya para patayuin pero pinigilan ni Papa ang braso ko. "Papa patawarin nyo po ako. Nang dahil sakin muntik napo kayong mapahamak. Kung hindi sana ako lumabas ng baryo natin ay walang makakaalam na may kakaiba sakin. Kung hindi sana ako nagpakita ng abilidad ko ay hindi sana nila malalaman na kakaibang nilalang ako at hindi normal na tao. Kung hndi sana ako nakialam hindi nila tayo gagantihan." Umiiyak na sabi ni Mira sa harap ni papa habang nakayuko at magkasalikop ang mga daliri. Matapos ay tumingala sya at tumingin sakin dahil nakatayo ako sa gilid ni Papa, nagugulat sa mga inamin nya. "Sorry Ate kung sinisi kita dahil tinawagan mo si Papa. Natakot ako Ate, iniisip ko palang na may mangyayaring masama isa man sa inyong dalawa at hindi ko kayo magawang protektahan ay parang pinapatay nadin ako ng paulit ulit. Ayoko na may malagas pa sa pamilya ko Ate kaya natakot ako nung makita ko si Papa. Dahil kung ikaw lang ay kaya ka naming protektahan ni Domus. Iniisip ko kasi na wala si Icarus nung gabing yun gaya ng sabi ni Domus kaya sobra akong natakot nung makita ko si Papa. Pano namin kayo poprotektahan ni Domus? Dalawa lang kami at madaming kalaban. Patawarin nyo sana ako. Papa, Ate. Sorry." Umiiyak na paghingi ng tawad ni Mira samin. Lumapit ako sa knya at lumuhod din upang magpantay kami. Niyakap ko sya at pinatahan. Lumapit din si Papa samin at niyakap kami. "Ngayon alam mo na Mira ang magiging kahihinatnan sa mga pagsuway mo sa utos ko. Uulit ka paba?" Tanong ni Papa, nangangaral ngunit hindi galit. "Hindi napo ako uulit Papa. Sorry po ulit." Umiiyak parin syang yumakap kay Papa nung kumalas na ko sa knya. "Shhh. Wag ka nang umiyak, papasok pa kayo sa school mamumugto yang mga mata mo." Pag-aalo sa knya ni Papa. "Sya nga pala, nasan sila Domus at Icarus?" Tanong pa ni Papa. "Hindi ko nga rin po alam e, Hindi ko sila maramdaman kagabi pa pero baka mayamaya andyan na yan sa paligid." Sagot naman ni Mira. "Oh sya maligo na kayo at gumayak, tutal tapos na kayong mag-almusal." Wika ni Papa. "Opo Papa." Sabay naming nasabi ni Mira kaya natawa kami at patakbong umakyat sa kwarto namin.
Pagkarating namin sa school ay kabikabilaan ang bulungan, kinakabhan ako dahil baka nabalitaan na nila ang nangyaring pagsugod sa bahay namin nung isang gabi. Pero hindi naman sila tumitingin sakin pero ang seryoso nila magbulungan hanggang sa makapasok ako sa classroom, saktong pagkaupo ko ay syang dating naman ng Adviser namin. "Okay Class sitdown. I have an important announcement to all of you." Wika ng Adviser namin. Kami naman ay naghihintay sa announcement. "Ikinalulungkot kong ibalita sa inyo, na si Raymond (not his real name) ng 4thyear section C (Section B kasi kami) at kanyang pamilya ay patay na. Naunang namatay si Raymond 2days after ng pagkamatay ni Donna na kaklase nyo, natagpuan din syang wala ng buhay sa likod ng bahay nila habang puro kalmot ang buong katawan katulad ng pagkamatay ni Donna. Kaninang umaga naman ay natagpuan na wala ng mga buhay ang mga magulang at dalawang kapatid ni Raymond sa tahanan nila. Ayon sa imbestigasyon ng mga Pulis ay kagabi pa nangyari ang pagpatay habang mahimbing silang natutulog. Napag-alaman din na mababangis na hayop ang nanloob sa bahay nila dahil luray luray ang katawan ng mga ito. Naku naman, nakakatakot. Hays kaya kayo dumiretso agad kayo ng uwi sa bahay pagkagaling dito sa eskwelahan. Baka maencounter nyo pa yung mga mababangis na nilalang nayun. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga Pulis kung anong klaseng mga hayop iyon na walang awang nanloob at pumatay sa isang pamilya sa loob ng tahanan. Naku naku. By the way, makikiramay tayo sa kanila mamaya maya. Yung mga hindi pwedeng sumama ay pwede nang maunang umuwi. Yung mga pwedeng sumama ay magpalista sa secretary para alam ko kung sino ang mga sumama. Maliwanag ba?" Announcement ng Adviser namin. "Opo." Sagot ng mga kaklase ko. "Okay. See you later Class." Pagkalabas ng guro nmin ay lumapit si Coleen sakin. "Grabe no? Naggantihan ang mga aswang. Pero sino kaya ang pumatay sa pamilya ni Raymond? Ang alam ko kase ay matapos mamatay ni Raymond sa kamay ng pamilya ni Donna ay nagtago na ang mga ito. Kaya sino ang bumalik sa knila para gumanti?" Nakahawak pa sa baba na sabi ni Coleen tila nag-iisip. "Ahh. Lira baka nman alam mo na may alam si Mira, diba sya yung nagsabing si Raymond ang pumatay kay Donna? Baka alam nya rin kung sino ang pumatay sa pamilya ni Raymond? Ang brutal naman kase nun, mababangis na hayup ang sumugod sa knila kaya lasug lasug ang katawan. Iww." Sabi ni Coleen na kinikilabutan pa. "Hindi ko alam. Walang alam si Mira." Sagot ko. "Pero alam mo pwedeng maging star witness yan si Mira e. Gamitin nya lang yung ability nya sa harap ng mga Pulis baka maniwala sila. Kasi kapag tayo ang nagsabi baka hindi tayo paniwalaan, di ba Lira?" Dugtong pa nito. Naihampas ko ang dalawang kamay ko sa desk ko at napatayo. "Pwede ba Coleen, wag mong gamitin si Mira sa mga gusto nyong malaman. Buhay ni Mira ang kapalit sa gusto mong mangyari. Kaya kung pwede lang tigilan nyo si Mira, tsaka kung ako sa inyo hindi nako makikialam. Kayo rin baka madamay kayo at matulad kayo sa sinapit ni Donna, raymond at ng pamilya nya." Kalmado ngunit naiinis ko iyong sinabi. Dinampot ko ang bag ko at lumabas ng room. Ppunthan ko si Mira sa building nila. Nang makarating habang naglalakad sa hallway ay nasalubong ko na si Mira. "Oh Ate, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mira ng makita ako. "Ayos ka lang ba? May nakakaalam naba sa ability mo? O kaya sa pagkamatay ng pamilya ni Raymond?" Sunod sunod na tanong ko. "Alam nila ang nangyari sa Pamilya ni Raymond Ate, pero wala pa silang alam about sa Ability ko." Sagot naman ni Mira. Sana ay manahimik na lang sila Coleen. Dahil kapag marami na ang makaalam ay mapapahamak si Mira, hindi lang si Mira maging sila din. "Mira. May ideya kaba kung sino ang pumatay sa Pamilya ni Raymond?" Tanong ko. "Meron Ate, Mabangis na hayop ang tinutukoy ng mga Pulis, lasug lasug na katawan kaya malamang, hindi aswang ang may gawa nun." Nagkatinginan kami ni Mira, marahil parehas ng iniisip. "Kailangan na nating umuwi." Umuwi nga kami ni Mira at dumiretso sa kakahuyan. "DOMUS! ICARUS!" Sigaw ni Mira. "Anong maipaglilingkod ko sa Dyosa ng Buwan?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Domus sa harapan namin ni Mira. Ni hindi man lang kumurap si Mira, sabagay sanay na sya sa presensya ng mga ito, mukhang kailangan ko narin masanay. "Nasan si Icarus?" Tanong ni Mira kay Domus. Napatitig ako kay Domus habang nag-uusap sila ni Mira, ngayon ko lang kase nakita sa maliwanag ang mukha nya at namamangha talaga ako. Hindi ko akalain na ganito sya kakisig, ni walang binatbat ang mga mapopormang lalaki sa Maynila, dhil sa simpleng suot lamang nya ay sumisigaw na ang kakisigan kaya napapahiling nalang ako na sana ay naging kalahi nalang nila ako para maging kasingganda ko rin si Mira. Geez. "Baka malusaw mo ako Lira." Humahalakhak na sabi ni Domus. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naiilang na napasipol. "Pwede ba wag mong asarin si Ate. Saka tigilan mo ang kakatawag sakin ng Diyosa ng Buwan." Naiiritang sabi ni Mira sa nakangiti lang na si Domus. "Bakit? Hindi ba't doon naman kinuha ng Mama mo ang pangalan mo?" Hindi ko alm kung nang-aasar o sadyang masiyahin lang talaga itong si Domus kaya panay ang ngiti at tawa. "Nasan si Icarus?" Ulit ni Mira sa tanong nya kanina. Iniiba ang usapan. "May lakad." Kibit balikat iyong sinabi ni Domus. "Nappadalas ang lakad ni Icarus, saan ba sya pumupunta?" Tila nabuhay pareho ang kuryusidad namin ni Mira kaya napalipat lipat ang tingin nya saming dalawa. "Sbhin mo na. Ayos lang na nandito si Ate." Tila nahulaan ni Mira ang pag-aalangan ni Domus. "Tungkol iyon sa Mama mo Mira." Naging seryoso bigla si Domus. "Nung nakaraan mo pa sinasabi sakin yan. Ano bang tungkol sa Mama ko?" Tila nababagot na sa pasuspense ni Domus itong si Mira. "Hindi ko alam, mas maigi kung si Icarus na lamang ang tanungin mo kapag nakabalik na sya." Sagot sa kanya ni Domus. "Sige, pero gusto kong malaman kung may kinalaman ba kayo sa nangyari sa Pamilya ni Raymond?" Natawa si Domus na ikinagulat namin. "Sorry, pero hindi ako. Si Icarus, sya ang may gawa. Ayaw magpaawat e." Naiiling iling na sabi ni Domus. "Hays, si Icarus talaga!" Nagmamaktol na sabi ni Mira. "Alam mo naman yun si Kuya, kapag sya ang nagdesisyon, walang makakabali." Sagot ni Domus sa kanya. Perstaym nyang tawagin si Icarus ng Kuya sa haba ng pag-uusap nila ni Mira. "Sige ako na ang bahala sa knya Domus, salamat." Sinsero si Mira sa sinabi. "Wala na kayong dapat ikabahala, hindi nyo na kailangan pang lumipat. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ako, darating agad ako. Paalam Lira, paalam Dyosa ng Buwan." At bigla na naman nga syang nawala. Hays. "Feeling ko magkakaheart attack ako sa werewolf nayun." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib. Natawa lang si Mira.
"Tara na Ate, kailangan na nating umuwi para masabi kay Papa ang balita." Anyaya sakin ni Mira. Pagkarating sa bahay ay naabutan namin si Papa sa kwarto na nag-iimpake. "Papa." Tawag ni Mira kay Papa. "Oh bat nandito na kayo? Ang aga naman yta ng uwian nyo?" Tanong ni Papa na huminto sa ginagawa para harapin kami. "Wala kasi kaming klase Papa, kasi yung mga Aswang na sumugod satin nung nakaraang gabi ay patay na. At yung anak nila ay estudyante sa School namin ni Mira kaya pupunta sila dun para makiramay. Hindi na kami sumama kasi baka mapahamak na naman si Mira." Paliwanag ko kay Papa. "Ha? Namatay? Anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Papa. "Si Icarus Papa." Sagot ni Mira. "Jusmiyo, si Icarus talaga walang pasensya. Malamang may kamag-anak pa ang pamilyang iyon at paniguradong hinahanap na nila kung sino ang gumawa nyon sa kamag-anak nila." Tila nag-aalalang sambit ni Papa. "Kaya na ni Icarus yun Papa, magtiwala lang tayo sa knya." Pag-aalo ni Mira kay Papa. "Ano pa nga ba ang magagawa ko e si Icarus na iyon." Napabuntong hininga nalang si Papa. "Sige na magbhis na kayo at magluluto ako ng tanghalian natin. Bumaba nanga si Papa at naiwan kami ni Mira kaya tumungo na kami sa kwarto upang makapagpalit ng damit. "Ate, kung may mga tanong ka tungkol sa pagkatao ko kay Papa ka nalang magpakwento ha. Wala rin kasi akong masyadong alam. Basta ang alam ko may kakaiba akong abilities na wala sa normal na taong kagaya mo. Sorry kung nilihim ko sayo noong una, kasi natatakot ako na baka kapag nalaman mo ay hindi mo na ako kilalanin bilang kapatid, pero dahil sa mga nangyari ay napatunayan kong mapagkakatiwalaan kita at hindi moko nilayuan. Salamat sa pagtanggap Ate." Nangingilid ang luhang sambit ni Mira. "Ano kaba, wala yun sakin. Magkapatid tayo at magkadugo kaya kahit anong klaseng tao ka pa tanggap kita Mira." Naiiyak nadin na sabi ko at niyakap sya ng mahigpit. Natapos si Papa sa pagluluto kaya tinawag na nya kami at ng makababa ay nag-umpisa na kaming mananghalian ng maya maya'y tumunog ang cellphone ko. "Wait lang Papa, tumatawag si Mommy sagutin ko lang." Paalam ko kay Papa. "Sige, baka importante." Tumango ako at umalis sa hapag kainan. Pumunta ako sa sala at doon sinagot ang tawag. "Mommy!" Masiglang bati ko. "Hi baby! Kamusta? Pasensya na ngayon lang ako nakatawag ha, masyadong busy kasi si Mommy sa work. Nag-eenjoy ka ba jan?" Tanong ni Mommy. "Yes Mom." Sagot ko. "Good for you, how about your sister? Magkasundo ba kayo?" Tanong nyang muli. "Yes Mom. She's nice and i like her." Sagot ko. "That's good to know baby. Uwi ka sa bakasyon ha? I missed you so much." Sabi ni Mommy. "Alright Mom. See you and i loveyou. Bye." Paalam ko. "Bye Baby, kwentuhan moko ha? Iloveyoutoo." At naputol na ang linya. Bumalik na ako sa hapag kainan at tinapos ang pagkain ko. Kinagabihan ay pinuntahan ko si Papa sa kwarto nya at naabutan ko syang may ginagawa sa study table nya. "Papa. Busy ka?" Tanong ko. "Oh bakit gising ka pa Lira? Tulog naba si Mira?" Tanong ni Papa. "Opo Papa, tulog na si Mira. Hindi po kasi ako makatulog Papa ang dami ko po kasing tanong sa isip ko na ikaw lang po ang makakasagot." Lakas loob kong sabi. "Sige ikukwento ko, gisingin mo si Mira para marinig nya din. Dahil wala rin syang msyadong alam sa History ng Mama nya at pagkatao nya." Utos ni Papa sakin kaya dali dali akong pumunta sa kwarto namin para gisingin si Mira. "Mira gising, magkukwento dw si Papa tungkol sa pagkatao mo at sa Mama mo." Pagkabanggit ko ng tungkol sa Mama nya ay agad bumangon si Mira. Tumungo kami sa kwarto ni Papa ng magkahawak kamay.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now