Bloodline (Parts 1-3)

61 2 0
                                    


Part 1

Magandang gabi Spookify! Sana ay mai-post ang kwento ko. More power and stay safe!Hello everyone! Just call me Phantom and ilang years na 'rin akong silent reader sa page na ito bago ako mag-decide na i-share sa inyo ang kwento ko. Nagpaalam ako sa family ko na kung pwede ba na i-post ang kwento namin and luckily pumayag sila. Most of the details are changed for our privacy pero ang kwento is totoong nangyari at naranasan ng pamilya namin. Sisimulan ko ang kwento ko sa pagpapakilala kung ano ang pamilyang kinalakihan ko.Ang paternal side ko ay lahi ng mga white witches. Simula pagkabata ay pinaiintindi na sa akin na hindi kami pangkaraniwang tao lang. Namumuhay kami ng normal malayo sa stereotype na description ng mga mangkukulam na namumuhay sa kabundukan o kweba na nagtatago sa sibilisasyon. Kahit nga mga ibang elemento ay sumasasabay narin sa nagbabagong mundo. Ang maternal side ko ay normal na tao lang. Alam ni Mommy ang tungkol kay Daddy pero siyempre, nilihim ito ni Mommy sa angkan niya. Kilala kasing mga doktor ang pamilya ng Mommy ko at siyempre knowing the principle of doctors, baka pagkamalan lang na baliw ang pamilya ni Daddy.Only child lang ako, hirap kasi sa pagbubuntis si Mommy at kung hindi pa siguro pumayag noon si Mommy na i-boost ang fertility niya ni Lola Aislinn ay marahil wala ako sa mundong ito ngayon. Si Daddy ay mayroong limang kapatid na babae. Noong nabasa ko nga ang story ni Yamada-kun ay natawa ako dahil sa coincidence ng family namin. Sa pagkakatanda ko kasi ay si Yamada lang ang lalaki sa magkakapatid at may lahi rin silang mangkukulam. Going back, may lima nga na kapatid si Daddy. Sadly, sa generation ni Daddy natigil ang pagprapractice ng white witchcraft, wala kasing gustong sumalo noon sa pagiging isang ganap na mangkukulam matapos mamatay ang Lola Aislinn ko. Pero dahil na rin sa lahi namin, kahit walang sumalo sa pagiging isang full pledged white witch ay may mga abilities sina Daddy.Ang panganay sa magkakapatid ay si Tita Janice. Half-mangkukulam, half-amazona itong si Tita. Laging laman ng riot at rambulan etong si Tita noong dalaga pa siya, ang akala nga nila dati ay tibo itong si Tita Janice. Si Tita ay may kakayahang tinatawag na pyrokinesis, yung tipong titigan lang niya yung isang bagay liliyab na. Graduate si Tita ng criminology kaya hindi na niya naprpractice ang ability niya hanggang sa nawala na ito sa kaniya. Kapag kasi hindi ka naging full pledged witch, mapa white or black man ay sa kalaunan ay nawawala ang special ability mo.Sunod ay si Tita Leona. Isa siyang literature professor somewhere sa U Belt. Ability niya ang mind reading at kapag dumadalaw sa amin si Tita Leona, pilit ko talagang sinasara ang isip ko mula sa kaniya. Paborito ako nito ni Tita dahil sa aming magpipinsan ako lang ang may kayang isara ang isip ko mula sa ability niya. Kahit hindi naging full pledged white witch si Tita Leona ay lagi naman niyang napapractice ang ability niya lalo na sa mga estudyante niya kaya naman siguro ay hindi nawala ang ability niya.Si Daddy ang sumunod sa kanila. Nautical ang tinapos ni Daddy at may history siya sa pagiging chicboy na pinasasalamatan kong hindi ko namana. May ability si Daddy na i-conceal ang presence niya, ginagamit niya ito dati kapag tumatakas siya ng dis oras ng gabi sa bahay kapag mag ba-bar hopping sila ng mga kabarkada niya sa BGC at Makati. Kagaya ni Tita Janice, nawala na rin kinalaunan ang ability na ito ni Daddy.Sunod kay Daddy ay si Tita Charmaine. Lakas maka elitista nito ni Tita Charm, laging laman ng mga sosyalan at parties. Undergraduate si Tita Charm ng Journalism, di niya natapos ang kurso dahil maaga siyang nabuntis. Si Tita Charm ay may enhanced eyesight at hearing, maganda sanang asset sa kurso niya pero nawala na rin ang ability niyang ito kinalaunan.Sunod ay si Tita Nancy. Sakitin itong si Tita, laging dinadapuan ng sakit pero dahil sa may lahing mangkukulam ay mabilis lang gumaling. May kakayahan si Tita na mag-process sa isip mo ng mga images o memories. Walking and living Bluetooth device kumbaga, graduate si Tita ng Fine Arts pero sa ngayon ay may mga thrift shop siya sa may Divisoria.Bunso ay si Tita Emerald. Daig pa ako nito sa computer, halimaw sa Excel at Publisher kahit sa computer programming dahil grauduate siya ng I.T. May ability siyang iparamdam sayo yung emosyon niya o ng ibang tao. Katulad ni Tita Leona ay misteryoso ring hindi nawala ang ability niya.Normal kaming nabubuhay, at dahil nga sa mga careers ng both parents ko at mga angkan nila ay hindi kami hikahos sa buhay. Sunod ko naman ipakikilala sa inyo yung mga pinsan ko na sobrang close ko dahil na rin sa close family ties namin. Ang weird sa generation namin ay mayroon paring iba sa amin na may special ability gaya ko kahit wala na sa mga magulang namin ang naging ganap na full pledged white witch. Si Ate Sab ang panganay sa aming magpipinsan na anak ni Tita Janice. Only child din dahil ayaw na daw manganak ni Tita, masakit daw at hassle. Si Ate Sab ay normal lang, walang ability na namana. Criminology din ang kurso ngayon ni Ate Sab.Sumunod ay ako, may ability akong mag astral project pero kadalasan ay trip ko nalang mag lucid dreaming. Education ang course ko kaya na rin siguro favorite ako ni Tita Leona bukod sa kakayahan kong mag-sara ng isip mula sa kaniya, bagay na pinagtataka ko kung paano ko nagagawa.Sunod sa akin ay si Angelique, only child din at anak ni Tita Leona. Currently ay Grade 12 siya under STEM strand, balak niya kasing maging psychologist. Kaya niyang maglocate ng isang tao gamit lang ang picture nito o anumang bagay na ginamit ng taong iyon. Next ay si Ellaine, Grade 10 student na mana kay Tita Charmaine, panganay siya sa tatlong anak ni Tita Charm. Walang ability si Ellaine pero siyang ang pinakainterested sa white witchcraft saming magpipinsan. May kaibigan itong puting duwende na nakikita namin maliban sa iba naming pinsan na walang ability.Pangalawang anak naman ni Tita Charmaine ay si Cath. May balak ding mag-Education gaya ko at Grade 9 student na masasabi kong gifted sa Mathematics. Wala siyang ability pero gaya ni Ellaine ay interesado siya sa white witchcraft.Bunsong anak ni Tita Charm ay si Marcus. Akala ko nga dati ay wala na akong pinsang lalaki pero dumating nga siya. Sa ngayon ay masasabi kong nasa bingit na siya ng pagiging miyembro ng bahagharing pederasyon, Grade 7 siya at walang ability gaya ng mga kapatid niya.Sunod ay ang panganay ni Tita Emerald na si Emery. Ewan ko ba pero kung nagsabog ng kaartehan ay nasa langit ata ito at nagdodonate. Grade 7 din siya ngayon at may ability na mag-hypnotize pero sa normal na tao lang at kapag ginagawa niya iyon ay nanghihina siya. Sumunod ay ang only child ni Tita Nancy na si Axcel. Miracle baby etong si Axcel dahil premature siya noong pinanganak, 8 months pa lang kasi siya ay naglabor na si Tita Nancy. Walang ability si Axcel at nasa elementary ngayon.Panghuli ay ang kambal ni Tita Emerald, identical twins sina Sol at Luna. Kung hindi lang babae si Luna ay malilito ka sa kanilang dalawa dahil magkamukhang magkamukha talaga sila. Si Sol ay may ability na tumawag ng mga elemental spirits kung kailangan niya ng tulong o kasama pero unaware siya na ability niya yon dahil ang akala niya ay imaginary friends niya lang iyon. Si Luna ay normal naman, nasa kindergarten palang sila kaya naman hindi pa magawang ipaliwanag ni Tita Emerald sakanila ang tunay nilang pagkatao. Hanggang dito na lang muna Admin Chai. Sa susunod ay ikukuwento ko naman ang mga experiences at journeys naming magpipinsan lalo na yung mga may kinalaman sa pagiging white witches namin. Mag-ingat po tayong lahat at stay safe sa inyong mga kabahayan.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now