NoSleep Series : Nagtatrabaho ako sa Child Protective Services (Parts 1 & 2)

84 2 0
                                    

NoSleep Series : Nagtatrabaho ako sa Child Protective Services (Parts 1 & 2)

Part 1

May mga pangyayari sa buhay na di mo inaasahan. Mga pangyayari na mapapatanong ka sa sarili mo na akala mo alam mo na ang lahat.

Sa loob ng 12 years ko bilang isang Social Worker(Child Services), akala ko nakita ko na lahat, lahat ng katarantaduhang nagawa sa mga batang biktima, mga biktima na diko na.iligtas. Hangang sa naka tanggap ako ng tawag.

Ang tunog ng cellphone ko sa tabi ng higaan ang pumukaw sa himbing ng tulog ko. Kinuha ko ito at nakitang 2:14 AM na at nireceive ang call.

"Miranda, nanjan ka ba?" boses ng boss ko sa trabaho.

"Oo, anong meron?" pahinang sabi ko para di magising ang asawa ko.

"Sorry sa pagtawag sayo sa ganitong oras pero may tawag tayong natanggap at kailangan puntahan." pasabi nya na may halong pag.aalala

Bumangon at nagbihis ako agad agad. "Ok lang Vicky, sabihin mo lang ano ang kailangan ko malaman."

"May tumawag sa police, sabi daw ay nakita nyang may tumalon ang isang bata sa 2nd Floor ng bintana ng kapitbahay nya, habang papatakas ang bata ay lumabas ang kanyang magulang at pinilit syang ipasok ulit sa bahay."

"Mallory Evans ang pangalan ng bata, 8yrs old. Mama nya ay si Vanessa at Will at kanyang Papa. " tapos ay ibinigay nya ang address ng bahay at dali dali ko itong isinulat sa papel.

"Sige at papunta narin ako." sabi ko. Dali dali akong bumaba at kinuha ang susi ng sasakyan.

Agad agad ko nilagay ang address sa GPS at pinuntahan ang bahay na yun. Nakatayo na ako sa harap ng bahay, 2 storey ito at napapalibutan ng fence. Kumatok ako sa bahay.

Iilang minuto at pinagbuksan rin ako ng pinto at sumilip ang isang babae. "Hi, Mrs. Evans? Ako nga pala si Miranda. Nagtatrabaho ako sa gobyerno, pwede bang pumasok? May tumawag kasi regarding sa anak mo."

Takot ang namuo sa pagmumukha nya, "D-di magandang oras ngayon para jan. N-natutulog na si Mallory at may p-pasok pa sya mamaya."

"Sorry po pero kailangan ko makita at malaman na ok sya para di pumunta ang police rito."

Binuksan nya na ang pintuan para makapasoj ako. Biglang nakaramdam ako ng takot ng marinig ko ang lock ng pinto. Pumunta kami sa living room kasama ang asawa nya para magusap.

"So ano ba talaga ang nangyari ngayong gabi dito?"

Nagtinginan silang dalawa, "Di ka maniniwala sa sasabihin, sa palabasin nalang natin na nahulog sya sa bintana at lalagyan ko rin ng screen ang bintana para di na maulit iyon."

"Pwede nyo naman sabihib sa akin ang totoo. Naparito lang ako para maka siguradong ok lang yung anak nyo."

"Di ko anak yun!" galit na sabi ni Vanessa. Hinawakan ni Will ang kamay ni Vanessa.

"Ano pong ibig nyong sabihin? Panong di nyo po anak yun?" tanong ko sakanila.

"Ang ibig ko pong sabihin ay hindi iyon ang anak na pinalaki ko sa dumaang walong taon, kilala ko ang anak ko at yun, hindi ko yun anak!"

Humarap si Will kay Vanessa at sinabihang "Vanessa, anak natin yun!" binalik ni Will ang tingin nya sakin "Iba kasi ang mga kinikilos ni Mallory ngayong mga nagdaang araw."

"Pwede nyo po bang ikwento ang mga nagdaang araw?" sabi ko habang binubuksan ko ang notebook ko at inihanda ang ballpen.

"Nagsimula kasi yun kahapon ng umaga" nagaalangang sabi ni Vanessa. "Gigisingin ko na sana si Mallory dahil may pasok pa sya, pero wala sya sa kwarto nya. Bumaba ako at nakitang nasa kusina sya. Napakakalat ng kusina, halos kinain nya lahat ng laman na pagkain ng refrigerator!"

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now