NoSleep One-shot Story : She Sold Happiness in Glass Jars

268 14 0
                                    

NoSleep One-shot Story : She Sold Happiness in Glass Jars

"Hanap mo ba ay happiness? We are selling Happiness in glass jars! Tawag na!"

Yan ang mababasa sa isang poster na aking nakita. At sa ilalim nito nakasulat ang isang numero ng
telepono. Naglalakad ako pauwi galing sa mahaba at nakakapagod na araw ng trabaho ng madaanan ko ang poste kung saan nakapaskil eto.

Nakuha ng poster ang aking atensyon. Kaya't gayon na lamang ang pagkahumaling ko dito at kinuhanan ko pa ito ng litrato. Ipapakita ko sana ito sa aking asawa pagkauwi sa apartment pero dahil sa sobrang busy sa paghahanda ng hapunan at iba pang gawaing bahay pati na rin sa pag asikaso sa aming anak na babae, nawaglit na rin ito sa isip ko.

Gabi-gabi pag uwi ng bahay, parehong routine ang aking ginagawa. Kinabukasan, Nagising ako katabi ang aking asawa. Madalas ay ako ang unang nagigising dahil sa aking trabaho kaya't tahimik akong babangon at magreready paalis papuntang trabaho.

Kabilang sa aking trabaho ang pag uupdate ng nga latest na report ng mga gastusin sa kumpanya. Sa
mga sumunod at nagdaang araw, halos ganun lamang ang aking ginagawa sa maghapon. Tila nga ay binabayaran lang ako upang umupo at titigan ang computer ng siyam na oras sa isang araw at mag input ng iilan ilang numero sa spreadsheet.

Natapos ako sa trabaho ng mabilis at dahil Biyernes naman, kung kaya naisipan kong lumabas ng office ng mas maaga.
Habang naglalakad, naisip ko ang kinahinatnan ng aking buhay. Lagi ko itong ginagawa. Noong nasa mas murang edad pa ako, pangarap kong makapaglibot sa iba ibang lugar o magtravel. Gusto kong makabili ng sasakyan at mag across the country ng mag isa. Hanggang sa nakilala ko si Kelsey.

Hindi naman sa hindi ko mahal si Kelsey. Kung minsan nga lang ay wala ng 'spark' na tinatawag dahil na rin siguro sa tagal na ng aming pagsasama. Pag may nakilala ka lang talaga na isang tao at pumasok sa isang relasyon, nakatadhana man o hindi, ang iba sa mga plano mo sa buhay bago pa man sila damating ay nauudlot gustuhin mo man o hindi. Yung relasyon na yun kalaunan ay mauuwi sa kasalan, makakabuo kayo ng pamilya, pag aaralin ang inyong mga anak, at sa huli, kakailanganin mo ng trabahong may mas mataas na sweldo at gugugol ka ng mas maraming oras dito.

Hindi sa gusto kong kaawaan ako sa kasalukuyan kong sitwasyon. Ang saakin lang ay para bang hindi ako kuntento sa kung anong meron ako ngayon at sa set up ng aking buhay. Marahil hindi ko matatawag ang aking sarili na 'masaya'.

Habang tinatahak ko ang parehong daan araw araw papunta at pauwi galing sa trabaho, nadaanan ko
muli ang poster na nakita ko kahapon. Hindi ko alam pero sa di maipaliwanag na dahilan ay naisipan kong tawagan ang numero ng telepono na nakasulat dito. Marahil may sasagot lang dito na sasabihan ako ng 'I love you!' sabay puputulin ang tawag. O baka naman numero ito para sa mga naghahanap ng ibang kaligayahan (alam nyo na ang ibig kong sabihin). Pero wala akong ideya kung ano ba talaga ang tinutukoy ng poster.

Nagsimula ko ng i-dial ang mga numero at pindutin ang call button. Nag ring lamang ito ng isang beses
nang may sumagot na sa tawag.
"Hello?" Tugon ng boses ng isang babae sa kabilang linya.
"Ah.. Hi- Aa, tumawag ako tungkol dun sa poster? Yung advertisement? "
"Ahh.. Okay," tugon nya ng malamunay "Kailan mo ito gusto ipick-up?"
"Ipick-up?" naguguluhan kong tanong
"Yung jar.." aniya na parang isa lamang itong ordinaryong pag uusap.
"Ah, oo um.." Naalala ko na maaga nga pala ako ngayon sa normal na oras ko ng pag uwi at hindi ko pa nasabihan si Kelsey kaya pwede ko itong kuhanin ngayon. "Ano ba talaga yan? Yung binebenta ninyo?"
"Kasasabi ko lang. Happiness. Sa babasaging jar. Tulad ng kung ano ang nakasulat sa poster. Mas okay na lalagyan ng happiness ang babasaging jar. Kaysa sa normal na plastic bag." paliwanag niya.
"Um, Sige. Kailangan ba nating magkita sa partikular na lugar?"
"Sure. Magkita nalang tayo sa pampublikong lugar, sa maraming tao. Hindi naman ako sigurado kung
creepy ka ba o ano."
Nagdesisyon kami na magkita sa may parking lot ng Starbucks, mga isang milya ang layo mula sa
kinaroroonan ko ngayon.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now