BPO Stories #3

21 2 0
                                    


Office Encounters

Good eve po, sana ok kayong lahat sa pagbabasa sa mga oras na to. Nagwo-work po ako sa isang BPO company or call center. Gusto ko lang i-share ang kwento ng mga nararanasan namin dito sa office namin.

November 23, 2012, hindi ko makakalimutan ang date na to dahil isa ito sa napaka busy naming araw dito sa opisina. Black Friday, bisperas ng pinakamalaking selebrasyon sa America, ang Thanksgiving. Sobrang busy ng opisina namin sa kaliwa't kanang tawag ng mga customers namin sa states, ni wala kaming kamalay malay na ang araw na ito ay tatatak sa isip namin. Hindi dahil sa nakakapagod na araw kundi sa nakakalito at nakakakilabot na pangyayari.Nakaharap ako sa aking computer at sumasagot ng tawag ng mga kliyente, paminsan minsan naman ay tumatayo at naga-assist o tumutulong sa mga bago naming agents sa mga procedures na hindi nila alam gawin. Nagpersonal message sakin ang boss naming foreigner na si Liad sa aking Spark (Private messenger ng company namin, para syang yahoo messenger) at kinumusta ang operations namin. Sabi ko ok naman, may mga konting problem pero naaayos naman, pagkatapos naming mag usap ay bumalik ako sa aking ginagawa.Kasalukuyang may tinatapos akong customer complaint sa telepono nang marinig kong biglang nagsigawan ang mga ka-opisina ko, dahil busy ako hindi ko muna inusisa kung ano ang nangyari at itinuloy ko ang pakikipag negosasyon sa aking kliyente. Nang matapos akong makipag usap sa telepono ay agad akong tumayo at pinuntahan ang nag uumpukang mga agents para sana sitahin at sabihan na bumalik na sa kanilang mga work stations. Paglapit ko sa kanila ay tinanong ko kung bakit sila sumisigaw at nakakaistorbo sila sa ibang agent na nasa calls (Konting sermon na rin dahil minsan mahirap din maging maluwag lalo na sa mga ganito kakritikal na araw sa trabaho namin). Sinabi nila sakin na yung isang Manager namin na nakabase sa states ay sumilip daw sa cctv camera namin para icheck kung gano kami kabusy at siguro para humuli rin ng mga agents na pumepetiks. Pagsilip daw nya sa cctv wala naman daw syang nakitang kakaiba (Meron pala kaming 20 cctv cam na nakapalibot sa bawat sulok ng opisina) pero nang mapunta ang paningin nya sa may clinic area na kasalukuyang walang tao dahil ginawa namin syang temporary stock room, nakita daw nyang may parang tao na dumaan sa camera at pumasok sa clinic.Agad daw syang nagmessage sakin sa Spark pero di ako sumasagot (Kasalukuyan nga kasi akong may kausap sa telepono nang oras na yun) kaya sinubukan nyang tawagan na lang ang isang supervisor na si Clive. Sinabi nya kay Clive na bakit may isang agent na paikot ikot daw sa opisina at hindi nagtatrabaho, so ang ginawa ni Clive ay pinuntahan nya ang clinic para kausapin yung employee pero nakalock ang pintuan ng clinic. Kinatok nya ng ilang beses ang pinto pero walang nangyari. Pinatawag nya si Kuya Ferdie (maintenance namin) para buksan yung clinic pero walang tao sa loob. Kinausap ni Clive si Vanessa (Manager sa states) at sinabi na wala namang tao sa clinic pero giniit ni Vanessa na nakita nyang may pumasok dun at hindi nya inalis ang mata nya sa cctv hangang mapuntahan ni Clive ang clinic para makita nya kung sino yung agent na yun.Napupunta sa wala ang argument nilang dalawa kaya minabuti ni Clive na i-check mismo ang cctv recording (Pwedeng maview ang cctv namin online) at gaya nga ng sabi ni Vanessa meron ngang pumasok sa clinic. Nagtaka si Clive at ipinakita nya ito sa ibang agents, baka marecognize nila kung sino yun pero blurred ang imahe pero sa hugis e lalake ito na nakaitim. Dun na sila nagsigawan at nagtakutan. Nakita ko rin mismo ang cctv recording at maski ako ay kinilabutan pero minabuti na rin namin na wag nang palakihin ang issue at bumalik na lang sa work. Pero halos 2 buwan ding naging issue sa opisina namin ang insidenteng yun at ang ibang empleyado takot ng umikot dito sa opisina at magduty ng nag iisa. For security reasons ay hindi ko pwedeng i-share ang cctv recordings ng opisina namin, hindi ko rin basta basta makukuha yun dahil kailangan ko pang humingi ng permiso mula sa I.T. namin kaya pasensya na.Marami pang mga kababalaghan ang naencounter namin dito at masyadong marami para isa-isahin ko pa, nariyan ang makarinig ang isa namin kasama na si Luigi ng tunog ng tumutugtog na jewelry box habang mag isa sya dito sa opisina. May nakita rin daw yung isang employee namin na batang tumatakbo sa hallway nung brown-out dahil sa kasagsagan ng bagyong Habagat, mga ilaw na nagkukusang nagpapatay-sindi, mga hindi maipaliwanag na tunog ng mga paang naglalakad pero wala namang tao. At higit sa lahat ay ang nasasagot naming mga tawag sa telepono na wala namang nagsasalita sa kabilang linya bagkus ay malalim na hininga ang maririnig mo/ Pag chineck mo ang source ng tawag magugulat ka dahil ang number na rumehistro ay ang extension number ng phone na nasa conference room na walang tao.Hindi man katoliko ang boss namin ay napilit namin ipabless ang opisina at masasabi ko naman na dumalang na ang mga kakaiba naming nararanasan dit. Pero malakas ang pakiramdam ko na hindi sila tuluyang nawala kundi tahimik lang silang nagmamasid, nag aabang at nag aantay kung kelan uli sila magpaparamdam samin upang ipaalam at ipaalala samin na hindi namin sila pwedeng balewalain dahil lagi silang nakapaligid samin.Siya nga pala, may nakarating sa aking balita na binabalak ng boss namin na lumipat uli ng ibang opisina na ikinatuwa ng marami. Sana naman sa susunod na malipatan namin ay maging tahimik at mapayapa na ang lahat..... pwera na lang kung sundan o sumama samin ang aming mga hindi nakikitang ""ka-opisina"". Ikaw? Sigurado ka bang nag iisa ka lang diyan at wala kang ibang hindi nakikitang ""Kasama""? Rain

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now