Haunted Bodega (Parts 1-6)

87 3 0
                                    


Part 1 : Peripheral Vision

Hello po sa lahat itong story po na Ito ay Isa sa mga creepy experience ko year 2016. Paki hide po yung identity ko admin.

Kalilipat lang namin ng bahay non from Caloocan to Valenzuela. Yung bagong tinitirhan namin non is Bodega ng mga Fire truck kasi Auto Electrician yung papa ko. Pagpasok mo sa Bodega may apat na malalaking bahay sa loob pero yung Isa Lang yung ginagamit. Unang pasok ko palang sa Bodega na yon kakaiba na sa pakiramdam yung napakabigat tapos feeling mo may nakatingin sayo kahit wala ganon. Maliban samin may tatlo pang pamilya kaming kasama don sa malaking bahay, malaki kasi talaga siya at kada kwarto isang pamilya ang nakatira. Sa harap ng kwarto namin may antigo or lumang piano and lumang mesa na may mga upuan. Start ko na yung kwento, normal na araw lang non at walang mga firetruck sa open space sa gitna ng Bodega but still may mga nakapaligid pa rin na firetruck, nasa kanya kanyang kwarto lahat ng tao sa Bodega at ako nalang Yung naiwan sa labas, bored na bored ako non kaya naisipan Kong magbike, nung una masarap sa pakiramdam kasi nararamdaman mo yung simoy ng hangin pero kinilabutan ako nung biglang lumamig kaya nagbike ako pabalik sa harap ng bahay pero may napansin akong nagpataas ng balahibo ko, sa through peripheral vision nakita ko yung limang tao na nakaputi, nakangiti, duguan, feeling ko buong pamilya sila na nakatingin sakin, sumemplang ako non at dahil sa takot napatakbo ako kahit na dumudugo yung paa ko. Tinanong ako ng mama ko kung bakit ako tumatakbo at bakit may sugat ako pero sabi ko nasemplang lang ako kakabike. Nung pagkagabi kinausap ko yung may-ari ng bike na budegero rin kinuwento ko sa kanya yung nangyari then ngumiti siya sabi niya "Marami talaga yan dito, karamihan sa mga nandito sumabit lang sa firetruck kasi maraming namamatay pag may sunog, sa susunod wag mo nalang silang pansinin para di kana nila gambalain" Yung mga sumunod na araw di na ko pinapansin kahit may nararamdaman ako pero kala ko matatapos na...

May continuation po ito di ko lang po sure Kung kelan ako ulit makakapag-kwento kasi ginagawa ko pa research ko.

Part 2 : Antique Piano, Table, and Chairs

(May nabasa akong comment na bakit daw may apat na malalaking bahay sa loob ng bodega, meron po talagang malalaking bahay, inuulit ko po bahay hindi mansion Hindi naman po siguro imposible na magkaroon ng apat na bahay sa loob Ng bodega lalo na't puro Firetruck yung laman at sa mga nakatira naman siguro sa Valenzuela Alam nila Kung gaano kalaki Ang mga bodega, pabrika or compound na nasa lugar nila. Pasensya po Kung medyo malabo Yung pagkakakwento kasi first time ko magkwento dito sa spookify hehe"

After nung pangyayari na may nakita akong pamilya na duguan di ko na ulit sila nakita pero nandoon pa rin yung feeling na may nakatingin sayo. Nakwento ko rin na may Antigong Piano, upuan at Lamesa sa harap ng kwarto naming pamilya, Hindi ko maintindihan dahil sa tuwing napapatingin ako sa mga yon eh may nakakatakot na pakiramdam ang lumulukob sakin. Mag-iisang buwan na kami non sa bago naming tirahan at mayroon kaming pinuntahan na birthday party Kaya ginabi kami Ng uwi, nang maka-uwi na kami sa bodega sobrang dilim na kaya agad kaming lahat pumanhik sa kwarto. Handa  na kaming matulog non ng may narinig kaming tumatawa sa labas kaya sinilip namin sa pinto Kung may tao, pagtingin namin nakita namin si Al di niya tunay na pangalan anak nung Isa naming kasama sa bahay. Nagulat kami Kasi nung narinig namin Yung tawa parang maraming boses pero nung pagbukas namin Ng pinto Yung batang lalaki na Lang Yung nakita namin na nasa ilalim ng lamesa, tinanong ko si Al non "Anong  ginagawa mo diyan Jur" kinilabutan kaming lahat kasi Sabi niya "Nakikipaglaro ako sa mga kaibigan ko, kaso lang umalis na sila eh" Pinakalma muna namin yung mga sarili namin non at tinanong lahat Ng kasama namin sa bahay Kung sila ba Yung kalaro ni Al pero lahat sila sabi Hindi.  Hinatid nalang namin sa kwarto nila Yung bata at nagkanya kanya na kami Ng uwi sa kanya-kanya naming kwarto. Tulog na ang lahat ng parte ng pamilya ko except sakin Kasi iniisip konpa Rin Yung mga kalaro ni Al like 'sila ba yung nakita ko sa peripheral vision ko' Natigil ako sa pag-iisip non ng may marinig akong tugtog na nagmumula sa Piano... Okay sobrang kinabahan ako non kasi yung pianong iyon ay Hindi na gumagana as in tinry ko pa yon gamitin pero walang lumalabas na tunog... Di ko alam pero parang may nagtulak sakin na sumilip sa pinto , pagsilip ko may nakita akong lalaking nagpipiano nakasideview siya pero habang patagal ng patagal , pabilis Ng pabilis Yung pagpiano niya at Yung huling pindot niya sa piano lumingon siya sa pinto Kung saan ako sumisilip, doon ko Lang napansin na Hindi siya tao dahil bukod sa maraming dugo sa kabilang part ng mukha niya eh may mga sunog din Ito at Ang kanyang damit ay sunog din. Ngumiti siya at tumayo, sa takot ko non sinara ko ang pinto at bumalik sa pagtulog.Pagkagising ko lumabas ako Ng kwarto...nagtaka ako kasi may nakabalot na sa piano Kaya tinanong ko yung budegero "Kuya R bat niyo po tinakpan" humginga siya Ng malalim at sinabing "may gumagamit Kasi" di na ako nang-usisa. Nag-almusal kami non sabay sabay kasama Yung mga kapitbahay namin, napili naming place para sa agahan is Yung Antigong lamesa kasi malaki siya na pabiglog at masarap upuan yung mga nakabilog na upuan sa kanya.Nangmatapos kaming kumain lahat naiwan ako, si Ate Faith (nanay ni Al), Kuya R, at si Mama, nagliligpit kami non ng pinagkainan, inayos na Rin namin yung upuan pero nung paalis na kami biglang lumamig tapos gumalaw Yung upuan, si Kuya R Yung tumingin Sabi niya wala namang humila or tumulak Kaya binalik Niya, di pa siya nakakalapit samin umurong ulit Yung upuan, again binalik niya pero nung huling balik niya sa isa nagsigalawan lahat Ng upuan, dahil sa takot napatakbo kaming lahat, pero Ang nakakagulat nakalock Yung mga pinto Ng kwarto Kaya napilitan kaming tumakbo labas, habang palabas kami nakasunod Yung isang upuan at nakalutang siya as in, sumisigaw na non sila mama kaya binuksan namin Yung gate at lumabas Ng bodega. Tinawagan namin non si papa at iba pang Padre de pamilya ng bawat pamilya na sunduin kami sa labas. Nagtaka sila samin non Kasi bat daw kami nasa labas? Kinuwento ko sa kanila Yung nangyari pati Ang pilit naming pagbukas Ng mga kwarto mga namin pero Sabi ni papa "Wala kaming narinig na katok or pagpihit ng doorknob, Wala Rin kaming narinig na nagsigawan? Nagulat nga ako nung magpasundo kayo samin sa labas akala namin Kung napano kayo" halos lahat sila pare-pareho Ng kwento, pagbalik namin sa bahay nakaayos Yung mga upuan na parang Hindi gumawal kanina kana Minabuti naming takpan nalang Ang mga antigong gamit at wag na gamitin dahil baka Hindi gusto ng nagmamay-ari sa kanila na walang gumamit na iba sa mga bagay na naiwan nila.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now