Home sweet home (Parts 1 & 2)

79 3 0
                                    

Home sweet home (Parts 1 & 2)

Part 1

Magandang araw tawagin nyo nalamang akong irene, Nakatira ang pamilya ko sa calasiao, Pangasinan. Apat na taon palamang ako ng malipat kami dito sa kadahilaanang dito na destino ang papa ko sa kanyang trabaho. Malaki, malawak at maganda ang bahay na nalipatan namin kahit na ito ay may kalumaan. May roon itong mga malalaking kwarto na may mga kwarto pa sa loob. Ngunit ang palikuran at banyo ay sa labas pa ng bahay. Sa likod ay mayroong malawak na lupain. Bakante lamang ito at walang kahit na anong nakatayo dito liban sa isang puno ng mangga sa gitna sa pinakadulong bahagi. Sa gilid naman ng bahay ay mayroon isa pang bahay na dalwang palagpag ngunit ito ay abandonado na. Mayroon itong napakataas na pader na nag sisilbing pagitan ng bahay namin at ng bahay na yaon.

Naging maayos at masaya naman ang unang mga taon naming paninirahan dito. Gaya ng sabi ko unang mga taon.

"Its been so long old friend" mahina kong bulong ng makapasok ako sa gate. Sinalubong ako ng malamig at sariwang simoy ng hangin, kasabay nito ay ang bahagyang pag lipad ng mga tuyong dahon.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid.
"Nene, takbo! Bilis! Maaabutan kana!"
Napalingon ako sa bahay ng makarinig ako ng mga tinig
"Nene, dito daliiii hahahaha"

"Miss Irene, lead the way please" agad akong nabalik sa wisyo ng kausapin ako ni mia, assistant ko.

Nauna akong nag lakad papasok ng bahay, pag bukas na pag bukas ko ng pinto ay umalingawngaw sa loob ang ingay na nag mumula sa karupukan nito.

"Lets just do it here" mahinahong sabi ko ng makarating kami sa sala at agad namang inayos ng mga staff ang gamit.

"Please do remove this broken glass up here delikado to" sabi ko sa isang staff pero mukhang hndi nya ako narinig kaya nag patuloy ako sa mag tataype.

Habang may tinatype ako sa laptop ko ay nahagip ng mata ko ang maliliit na daliring tila ba nakahawang sa pintuan ng kwarto sa tapat ko. Ang kwartong iyon.. Nag sitayuan ang mga balahibo ko at nag lakas loob akong puntahan yon

"Miss irene, san ka pupunta. Mag start na tayo within an hour" pigil saken ni mia

"Im just going to check something"

Dahan dahan kong binuksan ng pinto ng kwartong iyon at bumungad saakin ang isang batang babae. Puno ng putik ang damit nya at tila ba may itim na likidong tumutulo galing sa ulo nya.

"Takbo! Dalian mo! Hahaha!" Malakas na sigaw nya. Nakakabingi. Agad na inilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko.

"Please! Tumigil ka!"

"Takboooo! Hahahah" Muling sigaw nya kasabay ng pag labas ng itim na likido mula sa bibig, sa mata at sa ilong nya. Pagkatapos ay lumabas sa bibig nya ang mga nag lalakihang mga uod na kelan man hndi ko pa nkita sa tanang buhay ko.

Sa takot at panginginig ay tumakbo ako palabas at tumama ang ulo ko sa basag na salamin.

Part 2

"Ms Irene! Ok lang po ba kayo?" Mia? Napahawak ako sa ulo ko. Dugo?
"Paki kuha ng first aid kit" utos ni mia sa isang staff.
"Anong nangyre?" Inilibot ko ang paningin ko, muli ay nakita ko sya. Ang batang babae na yon.
"I-ikaw?" "Ms. Irene si mia to" "No, no please umalis kana!"
At kitang kita ko dahan dahan nyang ibinuka ng bibig nya kung kaya naman nag silabasan ang nag lalakihang mga uod mula dito. Kasabay non ay ang pag hangin ng malakas at pag sara ng pinto. Narinig ko ang sigaw ng mga staff dahil sa gulat. Napokus ang atensyon ko sa batang babae. Tila ba sa mga oras na to ay sya lamang ang nakikita ko.
"Antagal kitang hinintay ne! Hihi tumakbo kana mag lalaro na tayo sa bahay" sambit nya sa pinaka nakakainis na tono.
"Hindi! Ayoko! Ayoko na!" Paulit ulit na sigaw ko habang nag tatatakbo. Agad na pumasok ako sa isang kwarto at nag tago sa ilalim ng kama. Narinig ko ang tawag ni mia at ng mga staff. Ilang minuto pa ang lumipas at akmang lalabas na ako ng marinig ko ang pag bukas ng pinto. Agad na napa dapa ako ng bahagya. Kitang kita ko ang pagpasok nya. Ang maliliit nyang naaagnas na paang nababalutan pa ng putik, ang bawat hakbang nya ay dumidiin. Panay ang hulog ng mga uod sa sahig. Sinusubaybayan ko ang bawat hakbang nya. Halos hndi ako kumurap ng bigla syang huminto sa tapat ko mismo. Bahagya syang umatras.
"Ne, wag kana magtago"
Napatakip ako sa aking bibig, pigil ang bawat pag hinga ko. Panay ang dasal ko na sna ay hndi nya ako makita ng bigla ay bumaluktot ang mga paa nya. Rinig ko ang mga butong naglalagatukan. Halos himatayin ako sa gulat ng biglang pag dungaw ng naagnas nyang muka aa ilalim ng kama. Hindi ako mag ka mayaw sa pag sigaw at pag iyak. Ibinuka nya ang bibig nyat nag sitalsikan ang mga uod sa mukha ko. Nag sisigaw akong umatras ng maramdaman kong ang malamig na mga kamay ang humawak sa mga paa ko at hinila ako palabas.
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala
"Ms. Irene! Kumalma ka" Agad na napatigil ako ng mabosesan ko sya.
"Mia? Nasan na sya? Magtago tayo mia!" Nag wawalang sabi ko habang panay ang lingon ko sa paligid
"Huminahon ka ms. Irene"
"Hindi mia, hndi mo na iintindihan! Hahanapin nya ko!" Sigaw ko sa kanya atsaka parang baliw na lumabas sa kwartong iyon. Panay ang takbo ko ng biglang akong matisod sa isang malambot na bagay. Agad na napasubsob ako sa bagay na yon. Napahawak ako sa bibig ng mapagtanto kong isang katawan ng tao yon.
"Panong.." Nag kalat ang dugo sa sala at ang katawan ng mga walang buhay na staf
"Home sweet home ne" Nakangiting sabi ni mia habang nakaduro saakin ang hawak nyang kutsilyo.

-Adroit

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now