NoSleep One-shot Story : Nakakairitang habit ng Girlfriend ko

64 3 0
                                    


**No Copyright Infringement Intended. For entertainment purposes only translated in Tagalog. This page is not monetized and we are not making any money off of any of the Reddit Content posted.**

TITLE: Pano ko ba mapapatigil ang girlfriend ko sa nakakairitang habit nya? (One-Shot Story)

Mahigit isang taon ko narin syang girlfriend, at nakaraang buwan lang ay nagsama na kami sa isang bahay. Siguro napakabilis nito, sinabihan rin ako ng magulang ko na masyado pang maaga para magsama kami. Pero sa totoo lang, maganda yung simula namin, may kaunting maliliit na away lang.

Pero nagsimulang syang sumipol.

Nakakagulat pero may sinisipol syang kanta, at naiirita ako nito. Sinabihan narin ako noon ng Ina ko na kapag magsasama na kami, ay may mga bagay na malalaman ka na hindi nila ipinapakita sa simula. Pero itong ginagawa nya ay nagiging dahilan sa away namin.

​Nung una naririnig ko lang syang sumisipol habang naliligo sya. Ang cute nga nito eh parang dinadaan lang nya sa sipol ang kanta. Di ko alam kung anong kanta ito pero pamilyar ito. Minsan nga pumapasok ito sa isip ko, pero na iirita rin ako minsan.

​Dumaan ang isang linggo o higit pa, tinanong ko sya kung anong kanta ito pero tumawa lang sya. Naisip kong gawa gawa nya lang siguro ito, para bang nakagawian nya na itong gawin at hindi nya namamalayan na ginagawa nya pala ito. Minsan habang nagbabasa ako ng libro at nasa computer sya nagtatrabaho, biglang nalang syang sumisipol. Sinubukan ko namang ipag sa walang bahala ito dahil napaka babaw rin naman nito kung magiging sanhi ito ng away namin, alam ko namang hindi nya ako gustong iritahin. Pero patuloy parin ang pagsisipol nya na dahilan kung ba't nasisira ang attention ko sa ginagawa ko.

​Kaya pinagsabihan ko na sya patungkol dito nakaraang gabi. Habang tinitingnan ko ang mga dokumento patungkol sa trabaho bigla syang sumipol. Pinilit kong hindi itindihin pero nakaka irita talaga. Siguro iniisip nyong OA lang ako masyado pero para bang sumisipol sya sa  harap lang ng tenga ko, at talagang di na ako nakapag pigil.

Pakalma at pabait ko syang tinawag para itigil ang pagsisipol nya. Di sya sumagot sakin, sinabihan ko ulit sya na itigil nya ito pero di parin sya sumagot, lumabas ako sa kwarto at nakita ko sya sa sala na nanonood ng TV.  Hindi na sya sumisipol at para bang ginagawa nya ito para ma irita ako. Tumingin lang sya sakin na parang hindi alam kung ano ang nangyayari.

Sinabihan ko syang itigil nya na ang pagsisipol nya, sinagot nya ako na hindi naman daw sya sumisipol. Naisip ko na baka hindi nya lang napapansin na sumisipol sya pero sobra naman yung pagsipol nya kaya imposibleng hindi nya ito namamalayan. Hindi naman sya yung klaseng babae na nangiirita talaga, pero nakita nya sa mukha ko ang pagka irita. Sinabihan ko nalang ulit sya na wag masyadong malakas yung pagsipol nya pero di sya sumagot. Ito na ata yung unang pag aaway namin simula nung magsama kami, di narin ako makapagfocus sa trabaho ko dahil sa nangyari.

​Pero sa sumunod na gabi ay patuloy parin ang pag sipol nya. Pagkadating nya galing sa trabaho nagsimula na naman syang sumipol at tumagal ito ng isang oras. Di ko naman gustong magaway na naman kami kaya nakinig lang ako sakanya. Pero gano ba kahirap na itigil ang pagsisipol? Di naman ito seryoso noon pero ngayon ay mas madalas pa syang sumipol kaysa makipag usap sakin. Nasa kwarto ako habang iniisip ito kaya siguro galit ako nung lumabas ako ng kwarto.

​Nagluluto sya ng hapunan namin, alam kong sweet ito pero patuloy parin ang pagsisipol nya. Kaya sinabihan ko sya ng mahinahon na "Honey, pwede naman tayong magpatogtog nalang ng music para di mo na kailangan sumipol para mawala ang katahimakan" dinaan ko ito na parang joke pero alam kong alam nya ang ibig sabihin ko at nairita narin sya. Di sya humarap sakin at pinagpatuloy lang ang pagluluto nya.

Dumaan ang ilang minuto, humingi ako ng tawad patungkol sa nakaraang araw, pero talagang nairita lang talaga ako sa pagsisipol nya, at kung pwede bang hinaan nya lang ito at wag masyadong gawin. Alam kong para bang gusto ko syang controllin pero naapektuhan talaga ako sa habit nya. Alam ko namang may mga ginagawa tayong hindi nila magugustuhan, pinipigilan ko nga hindi masyadong mapalakas ang pagnguya ko ng pagkain dahil naiirita sya rito, kaya ba't di nya kayang itigil ang pagsisipol nya?

Pero nagulat sya ng sobra. Humarap sya sakin at sabing hindi raw sya sumisipol, hindi raw nya alam kung ano ang problema ko. Sa oras na ito di ko na alam kung ba't nya ito ginagawa, di naman ito nakakatuwa sa aming dalawa at para bang totoo naman ang galit nya, kaya di ko alam ba't nya ginagawa to. Tinanong ko sya kung ano bang problema nya at ba't parang denedepensahan nya ang nakaka iritang pagsisipol nya. Sinabihan nya akong tumahimik at di nya gustong makipag usap sa akin.

Di pa ako nagalit sakanya noon pero di ko na talaga napigilan ngayon. Tinawag nya akong baliw dahil daw sa mga pinagsasabi ko, kaya di na ako nakapag pigil. Kinuha ko ang isa sa mga frying pan at inihampas ko sakanya sa lakas ng makakaya ko.

Natumba sya at nabagok ang ulo nya sa gilid ng semento pero bago paman sya natumba talaga ay nahampas ko ulit sya ng isang beses, hinampas ko ulit yung ulo nya ng dalawa pang beses. Nagkalat yung dugo nya sa kusina, nabasag yung panga nya. Di ako makapaniwala na di ko na control ang sarili ko at nagawa ko sakanya yun, di ko alam kung ano mangyayari samin ngayon. Nahihiya ako na nasaktan ko sya dahil lang sa na irita ako sakanya.

​Pero ba't ganon. TANG*INA SUMISIPOL parin sya, pinaki usapan ko syang itigial na ito pero mas lumala na ngayon kasi di na sya tumitigil! Dalawang araw narin syang nakahiga sa kusina habang naka nganga ang bibig nya habang naiipon ang dugo sa bibig nya at TANG*NA SUMISIPOL parin sya. Di ko na alam ang gagawin ko, di ko naman gusto makipag break sakanya pero sobra nato. Gusto ko lang naman na tumahimik sya. Please tumahimik ka. Tumahimik ka. Tumahimik ka. Tumahimik ka. PLEASE TUMAHIMIK KA.

-u/queen_of_the_moths

-Astra (Translator)

*May sakit yata na "Auditory Hallucinations" ang sender base narin sa comments ng readers.

*Stay Safe in the midst of this Covid19 outbreak, iwasan po ang paglabas ng bahay at mas mabuting magbasa nalang dito sa Spookify.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now