Compiled Stories 5

72 2 0
                                    



Restaurant Sa Clark

2017 ng mangyari to, sa pinagtatrabauhan kong restaurant sa clark pampanga. Papunta ako sa kitchen non para tawagin si two(kapwa ko waitress)dahil nagsisimula ng pumasok ang mga costumer, ng mahagip ng mata ko may naglakad papunta sa cr, sinundan ko sa pag aakalang si two yon, habang naglalakad naisipan kong sumilip sa vip room(hallway sya mauuna mong madadaanan ang stock room at vip room kasunod na ang cr) sapag aakalang pumasok sya dun, pero naka lock ito, so dumiretcho nako sa cr pero wala din sya don. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon, at bumalik na sa dining, pag balik ko nandun na si two at tinatanong saan ako galing sinabi ko nalang na nag cr ako..

Ff. Breaktime namin nila one ni three non, naisipan namin ni three non na pagtripan si one, dahil matatakutin ito. Pumunta kami ni three non sa Vip room kung saan natutulog si one tumayo ako sa sulok ng room na medyo madilim na parte ng room, nagtaklob ako ng white na mahabang tela at tanging ulo at buhok ko lang makikita, sakto naman ng pagtunog ng alarm clock ni one, lalabas na sana sya ng room ng mapansin nya ako nagsisisigaw sya at takot na takot na tumakbok, sinundan namin sya si three habang tawang tawa..Ff. Pagkatapos ng nangyaring yon dun na nagsimula ang karanasan ko. Nagsesetup nun ako sa function hall, dahil may meeting ang mga boss namin. Abala akong nag aayos ng upuan non ng biglang may tumakbo sa likuran ko, pagtingin ko wala naman, Pabalik balik lang na tumatakbo. Babalik na sana ako sa dining area dahil tapos nakong mag ayos ng mga upuan, tinapunan ko ulit ito ng tingin ng makita ko ulit na gugulo gulo ang mga upuan at naka tanggal na ang mga cover ng mga ito. Inayos ko nalang ulit, pero nagpasama nako kay two Ff. Pupunta sana ako ng bar counter para mag ayos na dahil tapos na ang breaktime ko, di paman ako nakaka pasok sa counter ng makita ko ang black human figure na palapit saken, sa sobrang takot ko diko magawang sumigaw or kumilos man lang, nung malapit na malapit sa sya saken dun ko nagawang magsisigaw, dahil black lahat sya wala kahit anong puti kang makikita. Sa sobrang takot ko napaiyak nalang ako, at nagsisisigaw at dali dali akong nilapitan ng mga kasamahan ko at dun kinwento sakanila mga nararamdaman ko at nakikita ko at nagkwento rin si oneONE- ayan ang hilig mo kasing manakot at ang ingay ingay mo kase. Alam mo bang meron dito, nung hindi pa ganito to at iba pa ang nag mamay-ari, stay in non kami dito, jan jan sa stock room na yan kami natutulog tuwing gabi laging may umiiyak na babae meron din yung parang kinakaladkad na kadena, at nag huhmmmm(basta hmm alamp nyo yun) tapos bigla bigla nalang may kakalabog jan sa vip room tapos meron din yung pilit na binubuksan yung pintuan. Kaya ganyan kaming naghanap ng mauupahang bahay, dahil gabi gabi naming naririnig ang mga yon....Sa mga kwento ni one, lalo akong nakaramdam ng takot, pero tinatagan ko ang loob ko kase nanjan sila one, two at three. Lumipas ang araw marami pakong naramdaman, anjan yung bigla nalang may nahuhulog na gamit kahit mag isa lang ako, yung bigla na lang may dadaan sa harap at likuran ko, pero hinayaan ko nalang di naman sila nananakit.Ff. 2pm non breaktime non namin nila three at one. Nanaginip ako mga diko kilala kase mga ibang lahi sa panaginip ko para silang nagpupulong ng walang kung ano ano ay bigla nalang silang nagkagulo at nagpatayan. Nagising ako ng takot na takot..Marami pa akong naranasan sa resto na yun, dito rin ako naging masasakitin lagi nun akong nilalagnat at kung ano ano ang lumitaw sa balat ko....Eto mga ibang karanasan don-Ng mag cr ang isang costumer 'ang kulit nung bata sa cr no, silip ng silip' di na kami nagulat dun kase meron talagang bata sa cr na bigla nalang sisilip sa siwang ng pinto.-mga sundalong kaluluwa na naka tayo sa dalawang akasya tree na wari mo ay nagbabantay-abo ng patay na naka kalat sa ilalim ng mesa, namatay kasi yung member ng club na nagmemeeting sa resto, at dinala yung wheelchair para idonate, nagbiro si three susunod daw dadalhin sa resto yung abo, kaya ayun nagparamdam. .Dumating yung araw na nag resign ako, di dahil natatakot ako, kundi dahil preggy nako . Pero bago ako umalis ng alay muna ako ng bigas sa bawat kanto ng restaurant na yun chaka naglagay ako ng prutas at tubig dun sa bar counter. Sabay ng pagtalikod ko para umalis, may narinig akong PAALAM ______(pangalan ko)...Sa ngayon wala na ang restaurant na to, tinayuan na ng ibang restaurant.. Marami pa akong karanasan,pero pag na post na to ni admin. Thank you. Stay safe and God bless.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now