Pass it to the Aisle (Parts 1-5)

77 1 0
                                    


Part 1

We used to hear this phrase kapag ipapasa na 'yung exam, may pinapapasang bayad, o assignment na kailangang kolektahin ng mabilis, ito 'yung lugar na nasa dulo ng isang row. Pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na mangyayari 'yung araw na 'to. Nagbigay ito sa akin ng isang hindi malilimutang karanasan na handa kong ibahagi sa inyo.

Ako nga pala si Kel, isang Grade-11 STEM student. Hindi masyadong kaliitan 'yung school namin. Tama lang para makapag-aral lahat ng mga tao sa lugar namin.

10 AM, Feb 1

Kakaumpisa lang namin sa discussion. Tahimik lang 'yung mga kaklase ko habang nakikinig dahil medyo may katayaran 'yung teacher namin ngayon. Dahil sa init ng panahon, nahihirapan akong makinig, at nababaling 'yung atensiyon ko sa mga taong naglalakad sa labas. Napaisip ako bigla kasi parang ang daming nakasuot ng red, ano kayang okasyon? Tapos may bus na may nakalagay na Red Team 41 at pati 'yung mga kasunod pang bus pero iba ang number sa iba, may palaro ata sa kanila.

Pagkatapos sa discussion, sinabi ni Ma'am E na magte-test kami. Kinabahan naman ako kasi hindi ako masyadong nakinig sa kanya, baka 0 ang makuha kong score. Sinimulan agad namin 'yung test pagkabigay. Buti nalang pala at binasa ko na 'to noong isang araw kaya naalala ko 'yung iba. Mabilis namang natapos 'yung exam at pinasa na namin sa aisle, nakita ko naman si Andrei na hindi mapakali habang kinokoleta 'yung mga papel namin.

"Andrei, makipagpalit kayo sa 3rd row" sinabi nang teacher ko classmate ko. Kada araw ay nagbabago kami ng seating arrangement, uusog lang ng isang seat papunta sa left. Marami pang nangyari sa araw na 'yun pero hindi na masyadong mahalaga 'yun.

10 AM, Feb 2

Nag-lesson ulit kami kay Ma'am E tapos test ulit pagkatapos. Kagaya kahapon, medyo nadalian ulit ako kasi nabasa ko na 'to noong mga nakaraang araw.

"Pass your paper to the aisle tapos Andrei makipagpalit ka sa 2nd row" utos ni Ma'am E kay Andrei. Nagulat naman kami noon kasi akala namin nagkamali lang si Ma'am E, wala kasing tao roon sa aisle seat na 'yun na nasa first row.

"Ma'am absent po si Andrei ngayon, kahapon po siya ang nakaupo sa upuang 'yan" paliwanag naman ng kakalse namin na naguguluhan din.

"Ha? Wala pala si Andrei? Nakaupo nga siya riyan kanina, pangiti-ngiti nga siya sa akin kanina e" sagot naman ni Ma'am E na may halong pag-aalinlangan.

Doon naman ako kinabahan, absent kasi talaga si Andrei, kaya hindi ko alam kung paano nasabi ni Ma'am E 'yun. Hindi na lang namin 'yun pinag-usapan baka kasi guni-guni lang daw ni Ma'am.

Bago ako umuwi, naisip ko na dumaan muna kila Andrei para bisitahin siya. Best friend ko kasi dati noong Grade 7 pa kami. Pagkapunta ko sa eskinita nila, nakita ko 'yung mama niya.
Tinanong ko kung nasaan si Andrei, nasa ospital daw kasi nadisgrasya kahapon, sobrang  dami raw ng dugong nawala. Sinabi ko naman na bibisitahin ko siya, sakto at papunta 'yung mama niya sa ospital, nakisabay na ako.

Habang nasa biyahe, pinag-usapan namin 'yung nangyari. Balisa raw na umuwi si Andrei pero umalis din daw ito agad kasi may pupuntahan tapos nabalitaan nalang daw nila na nadisgrasya ito. Napunit nga raw 'yung pulang jacket ni Andrei sa lakas ng impact. Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na kami. Agad naming pinuntahan 'yung room number niya na 41. Pero pagkapasok ko, sinalubong agad kami ng tito niya na umiiyak, wala na raw si Andrei. Sobrang dami na raw ng dugong nawala at hindi na nakayanan ng katawan niya. Umiiyak akong umuwi noon kasi naging magkaibigan din kami ni Andrei.

8:45 PM, Feb 2

Inaayos ko ngayon 'yung mga gamit ko tapos bigla ko naalala 'yung mga nangyari kahapon, mga huling sandali na kasama namin si Andrei.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now