My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 1-5)

117 3 0
                                    

My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 1-5)

Part 1

Hello Spookify! Ishe-share ko naman yung mga nakakatakot na experiences namin ng bestfriend ko mula ng magkakilala kami. Her name is Kristel and we're bestfriends since grade 9 at graduating na kami as shs students.

Una kong ishe-share yung first time namin magkakilala. May youth camp kami sa school (YES-O camp) at doon kami matutulog. Around 9pm na that night at tulugan na ang mga tao. Ihing ihi na ako kaya lumabas ako ng tent at pumunta sa cr (nasa ground/field kami at kailangan pang maglakad papunta sa building at sa dulo ng hallway ang cr.) Tumakbo na ako kasi ihing ihi na ako. Magkatabi lang yung male at female na cr kaya malamang sa male cr ako kakatok. Pagkatok ko walang sumagot kaya pinihit ko yung door knob, bago ko mabuksan ay may narinig akong umiiyak, maliit yung boses at pangbabae talaga, halos hikbi yung naririnig ko. Sinara ko na lang ulit dahil sa takot (nagtataka nga ako bakit pangbabae yung boses eh nasa male cr) pero inisip ko na baka may tao at umiiyak lang talaga kaya ang ginawa ko, sa female cr ako pumasok (kahit bawal, ihing ihi na kasi ako).

Matapos kong umihi, nakatalikod ako sa pintuan pero biglang may nagbukas. Imaginenin mo malalim na boses ang sumigaw. Sumigaw ako tapos nakita ko si Kristel nakanganga lang, buti tapos na ko umihi. Tinanong niya ako bakit daw ako roon umihi eh pambabaeng cr daw yun, isusumbong nya daw ako sa faculty.

"Eh may tao sa kabila eh, umiiyak pa nga." sagot ko sa kanya paglabas ko ng cr.

Tumakbo siya kasi meron na namang umiiyak kaya tumakbo na rin ako para sundan siya. Nakita ko siya sa bench malapit sa tent ng nga girls, nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya tumakbo, sabi niya ay narinig niya rin yung umiiyak. Doon na kami nagsimulang magkwentuhan ng mga nakakatakot. Tulog na ang lahat around 10pm na.

Sinabi niya sakin na nakakakita raw siya ng multo.

"Ako, wala akong nakikita pero nararamdaman ko."

Una niyang kinwento sakin yung nakakatakot na nangyari sa kanya sa bahay ng kaibigan niya. Si Mae, tumatambay raw siya sa bahay nun. 2nd floor yung bahay, nasa sala siya nang nakita niyang umakyat yung ate ni mae sa hagdanan (kulay blue raw ang damit), sinundan niya raw (mismong sa likuran lang daw nung ate, malapit lang yung pagitan nila) kaya pagliko nung ate sa hallway ng 2nd floor, lumiko rin si Kristel, pagliko raw niya, walang tao sa 2nd floor, wala na rin siyang naririnig na yabag ng paa. Sa sobrang takot niya raw halos malaglag siya sa hagdanan kakatakbo pababa tapos nagulat siya kasi nakasalubong niya yung ate ni Mae mismo. Naka-blue rin na damit at bagong ligo. Umiyak daw siya nun sa sobrang takot atsaka niya kinwento yung nangyari.

Sunod niyang kwento, nung patay yung tito niyang sundalo at nakaburol sa bahay nila. Natutulog daw siya nun sa kwarto dahil puyat siya sa pagtulong sa burol, mga alas tres ng madaling araw raw nagising siya kasi malamig, may bumukas daw ng electric fan, bumangon siya at pinatay niya yung electric fan at bumalik sa pagtulog, hindi niya na raw pinansin kung sinong nagbukas nun. Ilang minuto lang ang nakalipas, naalimpungatan daw siya kasi may umuuga sa katre (kama) na hinihigaan niya. Pagmulat niya ng mata niya, ang dilim daw ng kwarto tapos sobrang lamig, parang may nagbukas na naman daw ng electric fan. Akmang babangon daw siya pero hindi niya magawa, naninigas daw ang katawan niya, kahit mga paa at kamat niya ay hindi niya maikilos. Iginagalaw niya raw ang ulo niya pero yung mga mata niya lang ang napapakilos niya palibot sa kwarto, luminga daw siya sa paligid at sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig niya, umiiyak na raw siya nun. Tapos paggalaw niya ng mga mata niya, nakita niya yung paahan niya, nakakita siya ng bulto ng tao, yung bandang binti ang nakita niya, nakapangsundalo na pang-ibaba at ganon din sa pang-itaas, hindi niya makita ang mukha pero napagtanto niya na yun ay ang tito niya na sa araw na yun ay nakaburol din.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now