Playmate (Parts 1 & 2)

152 3 0
                                    

Playmate (Parts 1 & 2)

Part 1

I was 6 yrs old ng nangyari 'to at bakas parin sa isip ko lahat ng detalye dahil siguro matalas ang memorya ko sa pag alala sa mga bagay2. Meron akong third eye which is naging dahilan para maranas ko ang mga bagay na ito. sa lugar namin ay kilalang- kilala ang aming pamilya bilang isa sa mga matagal ng naninirahan doon, bukod don ay medyo mas angat ang antas ng aming pamumuhay kumpara sa mga ibang tao don dahil nakapag patayo si mama ng isang business at lumago ito, ang papa ko naman ay isang pulis na kalimitan nalang kung umuwi dahil sa busy na schedule nito. Medyo Malaki ang aming bahay para sa tatlong tao at wala kaming ibang kasama dito kundi si mama, ako at si papa. May 2nd floor din kame at may terrace na may isang round table tas dalawang upo'an nito. May gym area din kung saan nag eehersisyo si papa kapag umaga at walang duty. Kanya kanya din kami ng kwarto bali tatlo ang kwarto sa bahay namin, isa kela mama at papa tapos isa naman para sakin na katabi lang ng hagdan at may isa pang bakanteng kwarto sa baba sa may salas katabi ng door papasok sa mismong salas. Ang kwartong yun ay dating kwarto ng aking yumaong lolo, binawi'an sya ng buhay dahil sa sakit sa bato.Ff nag lalaro ako nun sa may salas ako lang mag isa nun kasi wala ang mga pinsan ko at wala din naman akong kaibigan sa lugar namin kasi madalang lang ako lumabas. naglalaro ako nun ng bahay bahayan syempre kinakausap ko rin sarili ko tsaka yung laruan (hahaha ganun naman siguro talaga basta bata) sa kalagitnaan ng aking paglalaro biglang nagsara yung pinto sa salas na katabi lang nung kwarto ni lolo, so ako naman tinignan ko pero wala namang tao kaya binalewala ko nalang. Nagpatuloy ako sa paglalaro ng biglang may narinig akong sumitsit sakin. Kinilabutan na talaga ako nung mga oras na yun gusto kong tumakbo palabas pero baka may makita ako sa may kwarto ni lolo kay nagtalukbong nalang ako ng kumot at yinakap ko nalang yung unan. Pagka uwi ni papa at mama sinabi ko sa kanila agad yung nangyari, sabi naman nila na pabayaan ko nalang daw at bukas na bukas ay kukuha na sila ng magbabantay sakin bali pinsan ko lang din yung pinapunta nila at binibigyan lang nila ng pera. Tanghali non at wala na sila papa at mama tanging kami nalang ni ate de ang nandun sa bahay, ganun parin ang ginawa ko naglaro ulit ako pero ngayon kasama ko na si ate de. naglalaro kami ng bigla kong maisipan na pumasok sa kwarto ni lolo baka kasi may mga laruan pa don na pwede kong magamit. Si ate de naman ay nagpa alam na mag ccr lang kaya binilisan kong pumasok sa kwarto ni lolo. Akala ko typical na uri ng kwarto lng ito na may kama at aparador pero wala. Mga sirang gamit ang bumungad sakin non kumbaga ginaw itong bodega. Naghanap hanap ako ng mga laruan baka kasi may nailagay si mama, sa kalagitnaan ng paghahanap ko may sumitsit na naman kaya lumingon ako, at dun ko nakita ang isang bata, hindi naman siya nakakatakot tignan yung normal na bata lang kumbaga, lalaki siya naka blue na sando at white shorts, ma dala rin siyang mga laruan na napakarami. tinanong ko sya "sino ka? Bat ka nandito?" ngumiti siya at nagsalita "wala kasi akong kalaro, tara laro tayo" e ako naman na bata rin ang pag iisip ay pumayag ako. Umupo kami sa sahig ng kwarto ni lolo at dun kami naglaro. Sa tabi ng bata ay isang sako na punong puno ng mga magagarang laruan. "San mo nabili yan? Ang dami mo namang laruan" sabi ko. "Gusto mo sayu nalang to? Ibibigay ko to lahat sayo marami pa naman akong gnyan sa amin" kya sabi ko "wag na baka pagalitan ako ni mama kasi marami na naman akong laruan tas ikakalat ko lang" masaya kami naglalaro nun ng bigla siyang nagsalita na "ito tatandaan mo ha wag kang mag titiwala sa mga itim (dark entities) kasi mga bad sila" nagulat ako kasi di ko akalain masasbai nya yun kaya tinawanan ko nalang sabay sabi "e yung mga puti (white entities) di ba sila bad?" Tas sabi nya "mga mababait sila, yung mga itim yung bad kasi nangunguha sila kaya wag ka sasama 'pag may nakita kang itim ha" biglang pumasok si ate ed sa kwarto ni lolo "o bat ka nandito? Tska sino kausap mo, bt andami mong laruan san galing yan?" Tanong ni ate ed. "Ah ate bigay to ng kaibigan ko naglalaro lng naman kami dito e, ayan nga sya o" (sabay turo sa harapan ko) "ha? Anong pinagsasabi mo dyan e ikaw lang naman mag isa dito" " e ate meron talaga ayan o" (sabay turo ulit sa harapan ko) pero laking gulat ko ng pagkaharap ko sa aking harapan e wala nga, wala na yung kalaro ko pero yung mga laruan ay nandun pa rin.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now