Wag kang maingay (Parts 1-4)

111 3 0
                                    

Wag kang maingay (Parts 1-4)

Part 1

Ako si Jalil. Di tunay na pangalan. 22 years old. Nakatira ako somewhere in Visayas (Won't Mention the Exact Place) at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya. Di ko pa masyadong kabisado ang lugar dahil mag iisang-taon pa lamang ako dito. Nagpapasama ako sa mga katrabaho ko na naging kaibigan ko na rin sa tuwing gagala ako dahil takot akong maligaw lalo na't malaki at malawak ang lugar na ito. Linggo, Day-Off namin at napag-pasyahan namin na mamasyal muna at mag inuman din. Tatlo kaming magkakabarkad. Ako, si Julius, at si AJ. Sila lang kase ang naging kaibigan ko simula nung baguhan pa lamang ako sa trabaho at sila rin ang nakaka alam saan ang pasikot-sikot dito sa lugar na to. Namasyal kami, kumain sa mga fastfoods at pag sapit ng 7:00 ng gabi nag inuman na kami. Ilang minuto ang nakalipas may dumating pa na kasamaha namin at may mga kasama ring mga babae. Di ako umiinom mashado kaya naman 8:30 na ng gabi nagpaalam ako sa kanila dahil uuwi na ako at ayokong ma lasing. "Oh Bro Uuwi kana ba talaga? Antayin mo nalang kami malapit na kami matapos dito oh wala kang kasama umuwi." Sabi ni AJ sakin. "Sge lang natatandaan ko naman kung anong sinakyan nating jeep papunta rito at pauwi eh." Sagot ko naman kay AJ. "Oh sge ikaw bahala, basta ingat ka ah? Tawagan mo nalang kami ni Julius kung sakaling maligaw ka ng daan. Ipasusundo nalang kita sa pinsan ko." Sabi naman ni AJ sakin. "Oh sge mga Tol mauna na muna ako, ingat din kayo may duty pa tayo bukas." Sagot ko kay AJ at nagpaalam ako sa kanila. Nag lakad ako ng ilang metro papunta sa may iskina para mag abang ng mga Jeep. Medyo tipsy na ako kaya di ko na mashadong maaninag ang sign board ng mga paparating na jeep. "Ano kaya ulit yung sinakyan namin? Puta nakalimutan ko agad langya." Bulong ko sa sarili. Nag pasya akong mag lakad ulit ng mga iilan pang metro para mag hanap ng tindahan at magpa load para tumawag sa kanila at itanong kung anong jeep ang sinakyan namin. Sa ilang minutong paglalakad napadpad ako sa isang madilim na daan. Kakaiba ang ilaw ng poste dahil Patay-Sindi ito at mukhang nakakatakot. Di kalayuan, may natanaw akong sari-sari store at dali-daling nagpa load. Pagkatapos ko magpa load tinawagan ko agad si AJ, ngunit hindi naman ito sinagot. Sumunod naman akong tumawag kay Julius at hindi rin nya sigot ang cellphone nya. Tawag ako ng tawag sa kanila pero ni-isa walang sumagot. Nagpasya ako na bumalik sa kinaroroonan nila kaya naman nagsimula akong mag lakad papunta sa pinag-inuman nila. Habang napadaan ako sa madilim at maaliwalas na daraanan may narinig akong tila ba parang may mama na galit na galit. "Palpak kana naman ! Pangalawang beses mo na to, pag sumabit kapa ikaw na ibebenta ko. Umayos ka, bweset ka talaga kahit papano." Dahan-dahan akong naglakad at kunwaring text ako ng text tapos nag tago sa may nakaparadang sasakyan. Sumilip ako para panoorin sila at nakinig sa pinag uusapan nila. Naaninag ko na may tatlong lalake na nakatayo sa Patay-Sindi na poste. "Hintayin ko nalang na mawala sila baka ma pano pa ako." Bulong ko sa sarili ko. Maya-maya pa may natanaw akong babaeng naglalakad papunta sa kinaroroonan ng mga di kilalang lalake. Mukhang isa syang Nurse Student at naka headphone. Senyas ako ng senyas sa kanya na huwag tumuloy ngunit tinarayan nya lang ako ng tingin at sinabi na "Baliw lang?" Pagkatapos nagpatuloy sa paglalakad. Hindi maganda ang pakiramdam ko dahil kakaiba ang tingin ng tatlong lalake sa babaeng yun. Mula sa gilid ng sasakayan sa may harapan, sumilip ako. Bigla syang hinarangan ng dalawang lalake at isa rin sa likuran. "Miss? Gabi na, san punta mo?" Tanong ng isang lalaking naka leather jacket. Hindi sumagot ang babae at pilit itong umiwas ng daan. Hindi naman ito pinapadaan ng dalawang lalake. Kumuha ng kutsilyo ang lalake na nasa likod ng babae at tinutok ito sa leeg. Nagmamakaawa ang babae na bitawan sya ngunit tinawanan lang ito. May hawak din silang mga baril. Nagdadalawang isip akong magpaka bayani dahil malalagay sa piligro ang buhay ko at ang buhay ng babae. Kinaladkad nila ito papunta sa madilim na sulok. Hindi ako mapakali sa nangyari kaya sinundan ko sila. Sa madilim na eskina may naka paradang Van doon at walang palaka. Palipat lipat ako ng pagtataguan mula sa mga nakaparadang sasakyan. Sinuntok nila ng malakas sa tyan ang babae at nawalan ito ng lakas. Pagkatapos ay isinakay nila ito sa Van. Tahimik lang akong nanonood sa kanila. Papaalis na sila ng biglang nag ring ang cellphone ko. Biglang tumigil sa pag bukas ng pintuan yung lalakeng driver nung Van. Dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan ko habang nagmamadali akong patayin ang cellphone ko. "Lumabas ka jan kung sino kaman." Sigaw nung lalake. Kinakabahan na ako at panay ang pag patak ng mga pawis ko. Sumunod sa likuran nya ang isa pang lalake na kulay itim ang damit. "Lumabas ka kung ayaw mong tadtarin ko ng bala yang pagmumukha mo." Sigaw nya ulit. Kaya naman sa takot ko napilitan akong lumabas at at nag taas ng kamay habang nanginginig. "Lumapit ka." Sabi nung lalake. Pagkatapos ay binugbog at pinag tatadjakan nya ako. Nanonood lang yung isa habang naninigarilyo. "Dispatchahin na yan pare para di na makapag sumbong yan." Sabi nung isang lalake na naninigarilyo. "Huwag na, mukha namang matibay to eh kay isama na natin to magagamit natin sya." Sagot naman ng isang lalakeng driver at pinasok ako sa may Van at pinaharurot ito. Sa loob ng Van apat kaming naka upo sa pangalawang upuan malapit sa pintuan ng Van. Nasa pinaka gilid yung babae katabi ng lalakeng naka jacket, sunod naman ay ako, tapos yung lalakeng naka itim. Iyak ng iyak yung babae at nagmamakaawa na pakawalan sya. Naka akbay yung lalakeng naka jacket sa babae habang may hawak na patalim. Maganda at sobrang sexy nung babae kaya naman pinagnanasaan ito ng lalakeng naka jacket. "Kuya please wag, maawa ka, please lang po!" Sabi ng babae habang iyak sya ng iyak. "Wag kang maarte, saglit lang naman." Sagot nung lalaking naka jacket, habang yung lalaking naka itim na katabi ko tumatawa. "Tigilan mo yan Jeff. Wala kang ni ibang inisip kundi kamanyakan." Sabi naman nung Driver. "Wag kang maki-alam, mag maneho ka nalang. Inaantay na tayo ni boss para sa sunod na byahe kaya bilisan mo." Sagot rin nung lalaking naka jacket. Naawa ako sa babae dahil sa pangnanasa ng lalake. Tinanggal nya ang mga buttones sa uniporme ng babae at pilit na pinapasok ang kanang kamay nito habang dinidilaan ang leeg. Napapikit nalang ako at parang naging bingi sa pag iyak ng babae. Nakaka-awa ngunit wala akong magawa. Ilang minuto ang nakalipas huminto ang sasakyan. Nilagyan ng takip ang mga mukha namin upang wala kaming makita at itinali ang kamay namin. Pagkatapos ay lumabas at nag lakad habang hinihila nila kami. Pagkatapos ay nakaramdam nalang ako ng masakit sa batok ko at nakatulog. Nagising ako nasa loob na ako ng isang silid, may kasamang tatlong lalake , at dalawang babae kabilang na ang babaeng dinukot kasama ko. Hanggang ngayon, umiiyak parin sya at naka upo sa isang sulok ng pader. "Nasan ba ako?" Tanong ko sa kanila. Ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot. Tumayo ako at nataranta. Lakad ako ng lakad at naguguluhan sa mga pangyayari. Tinangay nila ang cellphone ko pati narin ang wallet ko. Sa loob ng silid may isang lamesa, naka upo doon ang lalakeng nagngangalang Greg. Tila ba parang wala lang sa kanya ang pangyayari at tingin sya ng tingin sakin. Maya-maya pa nag salita sya. "Itigil mo yan nahihilo ako sayo. Relax lang, parehas tayong walang alam kung nasaan. Ang alam ko lang, nasa piligro ang buhay natin." Sabi ni Greg sakin. Nilapitan ko sya at tinanong kung anong klaseng grupo o sindikato ang kumidnap sa amin. Ngunit tinitigan lang nya ako. Sa inis ko nag sisigaw-sigaw ako ng tulong hanggang sa parang nabaliw na ako kaka isip kung paano makalabas sa loob ng silid. Umupo ako sa may gilid at pinagsisisihan ko lahat ng mga pinag-gagawa ko. Biglang lumapit si Greg sakin ng malapitan at bumulong na. "Nakikinig at nanonood lang sila sa atin, mashadong komplikado para mag salita rito, baka mauna pa akong mamamatay sa inyo." Sabi ni Greg sakin at tila ba may pirasong papel syang sekretong inabot sakin mula saking tagiliran. Nagkunwari akong humiga na nakaharap sa pader habang unti-unti kong inaangat ang kanang kamay ko para tignan ang inabot sakin ni Greg. Isang pirasong papel na may sulat na "Mag handa ka, dahil kailangan natin mag tulungan dito upang makatakas. Hindi ko rin alam kung hanggang saan hahantong ang buhay ko, kailangan natin pumatay ng patay at buhay." At biglang napadilat ang nga mata ko. Maya-maya pa bumukas ang pintuan at may nagsi-pasok na mga naka mask na mga lalake at isa-isa nila kaming dinampot at nilagyan ng takip ang aming mga ulo. Pagkatapos isinakay kami sa isang sasakyan. Tancha ko mga 30 mins yung byahe namin at mukhang bundok ang pinupuntahan namin dahil pa gewang-gewang ang sasakyan. Habang nasa byahe kami narinig ko na may tumawag sa telepono ng mga di kilalang lalake at mukhang may kausap na foreigner. Panay kase ang pag i-ingles ng katabi kong di kilalang lalake. "Yes sir, we're on our way. I have 6 guest sir. Okay okay understand sir." Sabi nung katabi kong lalake. Mga ilang sandali pa huminto na ang sasakyan at bumaba na kami. Mararamdaman mong nasa bundok ka talaga dahil sa madamong daraanan na sumasagi sa binti mo. Kinalagan nila kami lahat at kinuhaan ng takip ang ulo. Tila ba kinabahan kaming lahat sa aming nasaksihan. Tahimik ang gubat at may nga malalaking puno. Nag tinginan kaming anim at halos lahat kami nag taka maliban kay Greg na sobrang talas ng tingin at tila nagmamasid sa kapaligiran. "Dalawa ang magiging kahihinatnan nyo, kalayaan, o kamatayan. Isa lang ang maipapayo ko sa inyo, panatilihing naka tikom ang bibig nyo." Sabi nung lalaking mukhang leader ng mga di kilalang grupo. "Boss tayo na malapit na mag dilim, baka tayo pa ang ma tyempohan sa daan." Sagot ng isa nilang kasamahan.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now