Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 11-15)

84 5 0
                                    

Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 11)

Okayyy dahil natapos ko na ikwento yung story ng pinsan ko, balik tayo sa creepy experiences namin ng bestfriend kong si Kristel. Tinanong ko kasi si Kristel kung paano niya nakikita yung nangyayari. Ang sabi niya hindi naman daw lahat, actually bihira lang talaga. This time, kinwento sakin ni Kristel kung paano niya nalaman na nakikita niya ang mangyayari sa future. Hindi man daw ganon kalakas pero parang mga signs.

Nagsimula daw ang lahat nung 11 years old si Kristel, nagsimula na siya makakita sa isip niya o makapag-predict ng mga mangyayari in the future. No'ng una iniisip niya na baka nagkataon lang o kaya nagi-imagine lang daw siya pero ilang beses na nga raw nangyayari.

Una, nung grade 8 si Kristel, nakita niya raw ang mangyayari sa kaibigan ng kapatid niya.

Nakakulong si Kristel nun sa kwarto niya at naga-advance reading daw para sa topic nila kinabukasan. Bumaba siya para kumuha ng meryenda nang matagpuan niya raw ang kapatid niya at kaklase nito.

Gumagawa raw ng activity, pangalanan nating Krisha yung kapatid nya at ang kaibigan naman ng kapatid niya na si Miya. Nasa salas daw ang dalawa habang gumugupit ng mga color papers. Kilala niya rin si Miya dahil kaibigan daw talaga yun ng kapatid nya since grade school.

Naglakad na raw si Kriste nun papasok sa kusina at kumuha ng sandwich at juice sa refrigerator. Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay, matapos daw nun, lumapit na siya sa lamesa kung nasaan ang pagkain niya.

Hawak niya raw sa kanan ang baso na may juice at sandwich naman sa kaliwa. Papalabas na daw siya ng kusina ng may makabunggo sa kanya. Nalaglag ang baso ng juice kaya natapon ito at nabasag sa sahig nila. Nang akmang uupo siya para ayusin 'yon ay natigilan daw sya.

Napatitig nalang siya sa nakabunggo sa kanya dahil akala nya raw ay si Krisha, papagalitan niya sana pero hindi, si Miya daw ang nakabunggo sa kanya nagugulat ang mga mata niya at humihingi na agad ng pasensya.

Sa pagtitig ni Kristel sa mga mata ni Miya ay nakita daw niya ang mangyayari kay Miya pag-uwi nito mamaya.

May nakita daw syang nagkalat na dugo, ingay sa kalsada, sakit, hirap, sasakyan at nagsisigawan na mga tao.

Nakita niya raw ang mga imahe sa isip niya. Nabigla at natakot pa nga daw si Kristel sa naisip niya. Balak nyang pigilan si Miya sa pag-uwi mamaya pero natakot si Kristel na baka isipin nila na baliw siya.

"S-sorry ate Kristel, 'di ko po sinasadya." nagpapaumanhin na sabi raw ni Miya.

"Hindi, okay lang, may kailangan ka ba?"

"Kukuha lang sana ako ng maiinom."

Tinanguan nya nalang daw si Miya at binigyan ng daan papunta sa ref. Nakalagpas na raw si Kristel sa kusina ng mapalingon siyang muli sa mga bubog o basag na baso sa sahig.

Pumasok daw muli sa isip nya ang mga mangyayari kay Miya. Noong una ay hindi niya raw yon pinansin dahil baka nagi-imagine lang siya pero nagulat nalang daw sya kinabukasan.

Nagising si Kristel sa ingay raw nang katok sa pintuan ng kwarto nya, halos sirain na nga raw ito sa sobrang lakas. Si Krisha daw yung kumakatok habang tinatawag sya at umiiyak. Mabilis daw syang tumayo at binuksan ang pintuan.

Iyak daw nang iyak ang kapatid nyang si Krisha kaya niyakap nya na lang para tumahimik.

"Hoy! Ano bang problema mo?" nag-aalalang tanong si Kristel sa kapatid. Humarap daw sa kanya ang kapatid nya.

"Ate, si Miya!" nang banggitin daw ni Krisha ang pangalan ni Miya ay nanlamig ang pakiramdam ni Kristel. Parang alam nya na daw ang susunod na sasabihin ni Krisha. "Wala na siya. Patay na si Miya." parang binuhusan daw sya ng malamig na tubig at tuluyan ng nanlumo sa sinabi ng kapatid.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now