Compiled Stories 1

76 5 0
                                    


Sundo


Hi mga spookify. Admin pakitago na lang ako sa pangalang chloe. Naniniwala ba kayo sa sundo o sa madaling salita e si kamatayan?I want to share my own experience abt death. So, meron akong kaibigan and salutatorian sya sa klase namin grade 6 kami that time sobrang excited kami kasi malapit na ang graduation namin lahat ng paghahanda ginagawa na namin para di kami kabisote sa actual graduation na. Yung classmate ko na salutatorian e may father sya na pedicab driver and yung mother nya nagwowork sa bookstore.April 3 2011Ng mga time na yun palapit na ang graduation namin kasi April 5 talaga ang graduation namin. Pangumaga ako nun tapos after ng class namin deretcho uwi syempre tapos memorize kami ng kaibigan ko sa bahay nila hanggang sa inabot ako don ng 5pm pero okay lang naman kasi kapitbahay ko lang siya and nung pauwi nako sa bahay pahinga konti tapos kain na mga pasado alas dose ng hatinggabi, inutusan ako ng tito ko na bumili ng sigarilyo, sagot ko " Wait lang to, ligpit ko lang gamit ko." Tapos nung nailigpit ko na kinuha ko na yung pera ko diko alam ng mga time na yon may masasaksihan akong pangyayari na di ko makakalimutan syempre sa pamilya namin dalawa lang ang bukas ang 3rd-eye ako naman nakakaramdam lang pasulpot-sulpot lang kung makakita ako. Otw na ko sa tindahan nung padaan ako sa may bakanteng lote malapit sa bahay ng kaibigan ko na salutatorian namin wala naman akong napansin na kakaiba bukod sa bukas pa yung pinto ng bahay nila. Nakasalubong ko yung papa nya, tago na lang natin sa pangalang "Kuya D" sabi ko " Oh Kuya D, Alas dose na ah todo kayod pa din" Sagot nya sakin " Oo be diba kasi sa 5 na graduation nyo, nagpapabili kasi si m***** ng sapatos sa akin." Sagot ko naman " Sge kuya d dito nako bibili pako yosi." Tapos nginitian nya lang ako bakas yung pagod sa mukha nya pero masaya sya kasi nalalapit na yung graduation namin. Ako naman nakabili na ng yosi pabalik nako sa bahay namin ng sa di ko inaasahan napalingon ako sa gawi ng bahay nila, don ko napansin na bakit may nakatayo pa na tao don pero di sya nagalaw tinitigan ko pa ng matagal baka kako umiihi lang pero ilang minuto syang nakaharap sa bahay ni kuya d hanggang sa unti-unting lumapit sa bahay nila kuya d. Doon ko lang napansin na lumulutang sya tapos may dala syang karit, Yung laging dala ni kamatayan. Alam nyo naman siguro yun, ako naman nataranta gusto kong tawagin kasi baka nananakot lang pero kinabahan nako talaga ng mga oras na yun kaya ginawa ko yung malayo layo pang bahay namin biruin mong nahakbang ko ng tatlong hakbang lang sa sobrang kaba ko, paguwi ko sa bahay tinanong ako nila mama ba't ako umiiyak , sabi ko " Mama may nakita ako, Ma umakyat sa bahay nila kuya D may karit na dala mama" humagulgol ako ng mga oras na yun , di ako nakatulog ng maayos dahil diko makalimutan, kinabukasan April 4 2011, Nagising na lang ako sa ingay ng kapitbahay namin si Kuya D daw binangungot tapos patay na ng makita nila. Doon ako mas lalong umiyak kasi wala man lang akong nagawa para iligtas sya dahil bata pako nung mga panahong yun. Niyakap na lang ako ni mama at sinabing " Wala kang kasalanan , walang may gusto na may mamatay anak." Dito ko na po tatapusin ang kwento ko pero habang tinatype ko to umiiyak ako kasi close kami ni Kuya D dahil sobrang bait nyang tao. Thankyou sa mga nagbasa.


Tito El at Ang Kalmot


Hello Spookify and avid readers!Magandang araw sa inyo. Dahil free time ko ngayon at nasagi sa isip ko yung nangyari noon tungkol sa Tito ko,magkukwento ako ngayon at hihingi narin ng opinyon niyo.

Halina't samahan niyo ako pabalik sa nakaraan... Elementary student ako nang mangyari to.Kasama namin sa bahay ang kapatid ni papa,masipag si tito El.Halos lahat ng taga rito samin ay kilala siya dahil nga sa kanyang kasipagan at kabaitan.Binata pa ang tito ko sa mga panahong iyon.Nakasanayan na niya uminom ng alak kasama ang mga kaibigan niya tuwing gabi sa isang maliit na kubo na malapit lang naman sa bahay namin.Walang dingding ang kubo,pawang upuan upuan lamang ang inilagay para gawing tambayan ng taga rito at ng bisita.Palakwento din siya at mahilig mambato ng katatawanan at minsan ay totoo na nangyayari ang mga bagay na nasasabi niya.Ganyan umiikot ang buhay ng tito ko.Close kami kasi palagi niya ako binibigyan ng pera Hahaha.Alam mo naman kapag bata diba?Limang piso lang ay malaking bagay na para sa isang bata.Isang gabi,habang nag iinuman sila,nakita niya yung isa ko pang tito na si tito Jay,siya'y nagsusunog ng mga basura sa likod ng bahay.Napapalibutan ng tubo ang likod ng bahay namin.Dala na rin ng kalasingan ay sumigaw si tito El na,"Jay! Magsunog ka pa ng magsunog para lumabas na si mang R**" Tinutukoy ni tito El yung haka haka na aswang dito sa barangay namin.Sinuway sya ng papa ko kasi wag daw sabihin ang pangalan ng tao kasi wala namang proof kung totoo nga ba at baka may hindi magandang mangyari.Tumawa lang si tito El at patuloy na sinasabi yon,halatang marami na syang nainom na alak.Ff.Nakasanayan ko na magdasal bago matulog.After ko magdasal,nakarinig ako ng isang boses na parang nanggaling sa ilalim ng lupa.Parang boses matanda na mahina lang pero nakakapangilabot.Dahil tulog na mga tao sa bahay at si tito doon natulog sa kubo,pinilit ko na ring matulog.Ayaw ko na makaistorbo at baka sabihin na guni guni ko lang iyon.Kinaumagahan,napabalikwas ako nang gisingin ako ni mama at sabihing,"Nak,patay na si tito El mo".Hindi pa agad nag sink in saken kasi kagigising ko lang pero rinig na rinig ko ang hagulgol ng tita ko na agad namang pumunta dito sa bahay.Lumabas ako,nakita ko si tito nakahiga sa kubo,nakadilat ang mga mata at halatang nilabanan niya ang kung ano mang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.Kwento ng kapitbahay namin na si nanay Dang,nagwawalis siya nang lapitan niya si tito para gisingin,routine na kasi ni nay dang na gisingin si tito El tuwing umaga.Nagtaka sya bakit daw hindi ito umiimik at don niya tinusok ng walis si tito sa paa niya pero wala talaga.Nakita din namin na maraming kalmot si tito.Mula sa leeg hanggang sa mga braso nito.Nagtaka kami kasi wala namang ganyang si tito kahapon.After ng burol ni tito,may sinabi si papa samin na pinagtakahan talaga namin.Nakasalubong daw niya si mang R**,hindi pa nabuburol si tito nung panahong 'to.Sabi niya,"Tol patay gid man si El?" Parang naninigurado pa daw sya.Graduate na ako sa college pero hanggang ngayon,nananatiling nakabaon sa hukay ang mga sagot sa nangyari kay tito El...Salamat sa inyong pagbabasa.Ako po ay maghihintay sa inyong opinyon sa kwentong ito.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now