Life of a Fire Fairy (Parts 1 & 2)

128 3 0
                                    

Life of a Fire Fairy (Parts 1 & 2)

Part 1

Namana ko ang kakayahang taglay na meron sa Mother side ko. Yung papa ko naman ay isang purong normal na tao. Tanggap ni papa ang pagkatao ni mama. Si Mama ay isang handog ng diwata kay Lolo. Si Lolo ay isang magaling at malakas na manggagamot ng baryo. Marami na siyang karanasan sa panggagamot at pakikipaglaban sa mga iba't ibang klase ng elemento. Kaya nitong bumuhay ng kamamatay lang na tao. Ngunit kapalit ng buhay ay buhay. Sadyang maawain lang talaga si lolo sa mga nangangailangan kaya kahit na alam nito sa sarili niyang kabawasan ng buhay niya ang paggamot sa may malubhang karamdaman, ay tinutulungan niya pa rin ito.

Sa lahat ng anak ni lolo, si mama ang nagtaglay ng malakas na kakayahan at kapangyarihan. Pero maspinili ni mama ang mamuhay ng tahimik at hindi ito naghangad na ipagpatuloy ang gampanin ni lolo.

Nagkaroon ng asawa si mama sa edad na 17. Naisilang ako sa mundo sa edad niyang 18. Pinlano daw ni mama noon na ibaon sa hukay ang pagkatao niya at huwag ng ipaalam sa akin. Pero hindi niya ito naitago nang mapansin niyang namana ko ang kakayahan ng pamilya niya.

Hinintay niyang ako na mismo ang magtanong. Hinintay niyang magkwento ako tungkol sa mga karanasang hindi ko maipaliwanag. Bata palang ako ay madalas na akong managinip na nakikipaglaro ako sa apoy. May gumagabay na lalaki sa likod ko ngunit anino lang niya ang nakikita ko. Nakikita ko yung sarili ko na masaya habang tinitingnan ang apoy na nagmula sa kamay ko. Kahit sa realidad ay nararamdaman kong binabantayan niya ako. Kapag nasa labas ako, ginagaya niya yung boses ni mama sa pagtawag sakin para lang umuwi ako ng bahay. Maraming naweirduhan sakin noon kasi kapag naririnig ko yung tawag ay hindi naman daw nila naririnig. Kaya wala akong naging kaibigan. Nabubully ako at simula nun hindi na ako lumalabas ng bahay. Hanggang sa tumatagal ang panahon, iba't ibang klase na ng elemento ang nakakasalamuha at nakakalaban ko. Nung bago palang ay nakakaramdam pa ako ng takot hanggang sa nasanay nalang din ako pagtagal. Sa panaginip ko, kung hindi pakikipaglaban, minsan yung mga mangyayari palang sa paligid ko ay nakikita ko na. Maraming beses na din akong dinadala ng mga engkanto sa lugar nila, nakakain na din ako ng pagkain nila na walang lasa, kulay itim. Pero nakakabalik pa rin ako sa normal na mundo dahil binabanggit ko lagi na "Kailangan kong bumalik, magagalit si mama." Pagkatapos nun nginingitian nila ako at binabalik. Sa pag alis ko dun ay siyang paggising ko mula sa pagkakatulog.

Gabi gabi akong nagdadasal. Ginagabayan din ako ni mama. Mahal naming tunay ang Diyos ama.

Parte na ng pagkatao namin 'to at ang laban ko ay laban ko. Ako lang mag isa ang humaharap, walang kasama, walang tutulong. High school ako nung malabanan ang spirit ng fire book. Hinahabol niya ako, nararamdaman ko yung pagod at yung sakit kapag natatamaan ako ng mahika nya. Pero nung nakaramdam ako ng sobrang galit dahil balak niyang saktan yung pamilya ko, dun ako nakapagbitaw ng spell na nakatapos ng buhay niya. May lumabas na malaking apoy sa kamay ko at tinamaan siya. Lumitaw yung pulang libro at ang bolang apoy tsaka ito pumasok sa katawan ko. Dun na ako nawalan ng malay at nagising sa realidad. Sobrang sakit nung ulo ko neto parang binibiyak, at ramdam ko pa yung init sa mga kamay ko kung saan lumabas yung apoy. Nakwento ko to kay mama, at dun niya nakumpirma na nakuha ko na daw yung para sakin.

Nung makuha ko yun, kinabukasan kinalaban ako ng dalawang tito ko (kapatid ni mama) Dahil sa kagustuhan nilang makuha ito. Paano nila makukuha eh nasa loob na nga ng katawan ko. Hindi ko rin mapag aralan at hindi ko alam gamitin. Buti nalang dumating yung si Tito Dojo para iligtas ako.

Sa tuwing lumalaban ako sa panaginip, nagigising akong pagod pero kumpleto naman yung tulog. Nung high school ako, dito na ako natutong mainis sa kakayahan ko. Hiniling ko na sana hindi nalang ako nagkaroon ng ganito. Sana naging normal na akong tao. Ang pinakaayoko sa lahat ng naranasan ko sa magpahanggang ngayon. Yung nabanggit ko na mamamatay na yung tao. Hindi ko yun sinasadya. Bigla nalang ako nun natutulala, blangko yung isip ko, at lumalabas sa bibig ko na mamamatay na sila. Puro sila lalaki sa magkakaibang taon. Natural death, pinatay o aksidente. May sinubukan na akong iligtas kaso ang mangyayari ay mangyayari, hindi napipigilan. Dito na ko natutong ilayo yung sarili ko sa paligid ko. Tahimik at hindi nakikipag kaibigan. Madalang makipag usap. Nagsasalita lang kapag recitations sa klase.

Scary Stories (Unedited)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum