BPO Stories #1

81 2 0
                                    


Kuwentong BPO


Hi Spookify, Pahide ng real name ko. Salamat. Since nakabasa po ako ng story about sa BPO Company (Expect Greater) Share ko na din po experience ko dun.Same Company po kami ni sender kaso dito ako nakabase sa may harap ng IPI Pasig dati.Madalas din po akong pumasok ng maaga para makatulog sa Naproom dahil ang layo pa po ng inuuwian ko bale taga Bin. Rizal po ako. Madalas nauuna ako sa Naproom kaya ang pwesto ko palagi sa bed number 1, sa baba kse sya nakapwesto at sa maliwanag na parte. May nararamdaman na ko sa Naproom namin dati pa kaso kiber lang kse po mas mahalaga ang tulog sa mga ahente na tulad ko. Ahahahha! So eto na nga dumating yung time na nalate ako ng punta sa ofis at medyo puno na ang naproom isang bed na lng ang walang nakahiga yung bed number 3, sa baba sya nakapwesto pero sa madilim na parte na ng naproom. So eto na nga lapit ako sa guard sa labas ng naproom sabi ko may vacant pa dun na lng ako, tinitigan nya muna ko ng mga ilang segundo bago ako papirmahin sa log book at kunin i.d ko. Binalewala ko kase grabe ang antok ko nun. So pwesto na ko bago ako pumasok dun kumain muna ko sa pantry, so pag higa ko half lang ng body ko yung hiniga ko so bale yung paa ko nakatapak pa din sa sahig, higang tamad ba. Ahahah! Tpos habng ganun pwesto ko tumayo yung nasa kaharap ko na bed, CP CP lang muna di makapag FB kase walang signal sa loob games games lang kumbaga. tpos nakita ko sa peripheral vision ko na may nakaupo na dun sa kaharap ko na bed sa pinakadulo sya ng bed nakaupo tpos yung ulo nya nakasandal sa pader since ang paanan ng bed nakadikit tlga sa pader. So alam ko na kung anu sya kunwari di ko nakita kse po malakas pakiramdam ko sa mga multo at kung anu anu pa yan. Tinaas ko yung paa ko sa bed umayos ako ng higa ang kaso pag taas ko ng paa ko may bata akong nakitang nakaupo sa sulok ng higaan nakayakap sya sa mga binti nya na parang ginaw na ginaw tpos nkatitig lang sya sakin, iniwas ko kaagad yung tingin ko sabay takip ng braso sa mata tapos, Sobrang takot ko napabaluktot din ako! Ramdam ko yung babae sa likod sinisilip yung muka ko. Yung bata namn sa paanan ko ramdam ko pa din yung titig nya. Hanggang sa nakarinig ako ng tatlong katok sa taas ng bed mabagal lang na pagkatok, pagkatapos ng katok yung pag uga ng malaks ng double deck. Naramadam ko pag balikwas nung tao na nakpwesto sa taas " ate anu bang problema mo?! Pwede bang wag kang malikot!" Kahit alam kong andyan pa din sila tumayo ako at nagtatakbo na sa labas. Kinuha ko yung I.D ko sa guard. tinanong nya ko kung ok lng daw ba ko di na ko sumagot kase nanginginig tlaga ko sa takot. Di ko nmn 1st time yun pero yun ung pinaka papansin na multo na naencounter ko. Nalaman ko na lng mga ilang linggo kaya pla kahit bakante yung bed number 3 walang natutulog dahil madalas ka dw tlga paramdaman pag dun ka nakapwesto.Pag napost po ulit kwento ko yung iba ko pang karanasan dyan sa Company na yan about sa mga Multo Multo na yan at sa bago kong Company.- JoJo

Elevator

Hi, first time kong magsend dito. Most of the time taga basa lang talaga ako. Haha. Nagttrabaho ako sa isang BPO company around QC. Early last year may nag occupy ng 4th floor sa building BPO din ata pero local lang. Before pa sila magstart dun, may naririnig na akong kwento na kusang bumubukas yung elevator sa floor na yun kahit na walang pumipindot sa elevator since ang prod ng company namin ay mula 5th floor so walang taga company namin ang magpipindot ng 4th floor sa loob ng elevator. Pwede yun kung may magpipindot ng up button sa mismong 4th floor. Sobrang dilim ng 4th floor tapos puro salamin pa kasi wala pang nag ooccupy. Nakita namin yung floor nung minsang nawalang ng kuryente although may generator naman di muna pinagamit samin yung elevator kaya napahagdan kami from 7th floor.

Recently lang, holiday so kami may pasok. Naabutan ko si ate so dalawa lang kami. Nung bumukas yung elevator pasok ako pindot ng 7th floor tapos di ko na siya tinanong since malapit naman siya sa pindutan ng elevator eh tapos pinindot niya 4th. Nagtataka ako bakit parang walang tao tapos ang ilaw yung yung parang sa reception area lang nila tapos kita yung sa logo ng company so di ko na pinansin. Lunch time. Sabi ko "walang taga 4th floor?" Sabi sakin ng kasama ko, "malamang holiday wala silang pasok". Ayun nagtakutan na kami. Ang creepy lang kasi wala akong naramdamang kakaiba kay ate nung nakasama ko siya sa elevator nanlamig lang ako nung sinabi sakin na wala pala silang pasok. Tinawanan ko nalang yung takot ko. Inimagine ko lahat ng nabasa ko dito. Haha.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now