NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 6-10)

238 15 0
                                    

NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 6-10)

Part 6

Nagising akong ng 10PM, agad pumasok sa isip ko ang mga nakaraang nangyari, bakit ba nangyayari ito sakin, ba't ako pa?

Dapat may gawin ako sa mga nangyayaring ito, napagdesisyonan kong bumaba at pumunta sa room 26, kumatok ako sa pinto nito.

Binuksan ako ng pinto ni Terri, nakita kong parang wala pang tulog sya dahil narin laki ng eyebags nya, naamoy ko din ang wine sa mga hininga nya.

"Ok ka lang ba Kat?" tanong nya sakin, nakakatawa lang kasi inisip kong kailangan nya ng tulong nung pagkakita ko sakanya pero ako naman talaga yung pumunta sakanya para manghingi ng tulong.

"Hindi... Patawad... Di kita kilalala pero... Kailangan ko ng..." paputol putol kong sagot.

"Wag ka mag-alala, tumawag na si Prue sakin, sinabi na nya sakin ang lahat, patawad sa nangyari sa boyfriens mo, sayang at di ko man lang sya nakilala" habang tinitingnan ako ni Terri, tingin ng isang ina sa anak na puno ng pag-aalala. "Gusto mo ba ipagtimpla kita ng tea? O gusto mo ng mas malakas pa?"

"Pwede coffee nalang, salamat" agad agad nya akong ipina-upo sa sofa nila, ang lambot ng sofa nila, parang sofa sa bahay ng parents ko.

Pumunta si Terri sa kusina habang pinipilit maging normal ang paglalakad nya, nakita kong wala ng laman ang isang bote ng wine kaya siguro may tama na sya.

Habang ini-init nya ang tubig ay may narinig akong malakas na kalabog, "Teka lang muna ah, babalik lang ako saglit" sabi nya habang papunta sa mga bedrooms.

Narinig ko ulit ang kalabog pero may kasama na itong mga tawa at mahihinang sigaw. Tumahimik narin at nakabalik na si Terri.

"Patawad sa mga narinig mo, mga bata naman kasi, alam mo na" muntik ko na maka-limutan sina Eddie at Ellie, nakikita ko sa mukha nya na nagsisimula palang ang gabi nya.

Tumango nalang ako at inihain niya na ang kape ko kasama narin ang dalawang biscuit, ilang oras din kami nag-usap tungkol sa mga normal na bagay, nalaman kong marami kaming parehong gusto, isinag walang bahala ko narin yung mga kalabog, minsan nga natatawa pa kami dun. Ang sarap lang dahil sa nakakatawa na ulit ako at nakalimutan ko muna ang mga problema ko.

Di naman nagtagal iyon dahil ang sunod na kalabog na narinig namin ay malakas na, kasunod rin nito ang pagdating nina Eddie at Ellie sa living room, agad na yumakap si Eddie at Ellie kay Terri.

Nakita kong napalitan ang mga cute na mata ng dalawang bata ng takot, parang yung mata ng halimaw na window cleaner na sabi ni Prue, yung madilim na walang katapusang kweba, lumabas din ang mga mahahaba at matutulis na mga kuko ng dalawang bata. Agad tinanong ni Terri kung ano ang nangyari

"Mommy, patawad, di naman namjn sinasadya na papasukin sila, naglalaro lang naman kami" sagot ni Ellie.

"Shhh, nanjan na sila" biglang sagot ni Eddie.

"Sinong... Ba't nyo ginawa yun?" sabi ni Terri habang hinay hinay na nabalot ng takot ang mukha ni Terri.

Dina nakasagot ang mga bata, namutla na ng todo si Terri dahil sa takot. Nakita kong may sampung tao ang pumasok papunta sa living room.

Yung mga mukha nila ay parang wala ng emosyon, hindi sila mukhang galit at di rin masaya, kung iisipin parang painting lang ng mga wanted criminals.

Habang tinitingnan ko silang lahat ay nakita ko dun si Natalia, kita kong naka titig lang sya sakin, agad pumasok sa isip ko yung nangyari kay Georgia, yung pagka tunaw ng balat ng ulo nya, yung mga sigaw nya.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now