Kakaibang karneng hinahain at ang mga amo niya (Parts 1-4)

64 4 0
                                    


Ang karanasan ni Aling Tess sa kamay nina Kuya Greg

Part 1

Hello spookifiers it's me heather again.Ako yung sender ng story ng "Bantay salakay(Aswang Story)".Thankyou sa mga positive comments at sa nag sasabing naging judgemental din sila ok lang yun ako nga e di ko alam na ganon pala. Sa last part ng first story ay nabanggit ko na ikukuwento ko ang karanasan ni aling tess noong naging katulong sya. May part nga pala ito dahil hinde ko kayang isang bagsakan dahil marami akong inaasikaso. Sana antabayanan nyo hanggang sa huli.So yung umalis na ako sa bahay nayon ay kasama ko si aling tess. Dahil hinde namin alam kung babalikan ba kami ng aswang. Kaya ng panahong iyon naikuwento ni aling tess sakin ang karanasan nya. Aling Tess POVNagtatrabaho ako dito sa batangas sa isang karenderya bilang cook. Para sakin ay napakaliit ng sahod kaya't hindi ito sasapat na pinapadala ko sa samar. Kaya hulog ng langit ng kumain sa canteen noon ang pamilya ni greg. Kasalukuyang nasa kusina ako habang nagluluto ng isa pang putahe."Tess tess" sigaw ng amo kong si ate em "Bakit ate?"Dali dali ako lumabas. "Ah greg eto si tess gusto daw nya mag all around katulong kasi nga maliit lang den pinapasahod ko kasi madami ang trabahador at matumal den bentahan dito"sabi ni ate em sa isang lalaking tingin ko ay kasing tanda ko lang. Sinabi ko sa kanya dati pa na kapag may nag hanap ng katulong sa bahay ay ako ang sabihin nya. "Ah sakto kailangan ko ng tagaluto at linis ng bahay di kana mag lalaba kasi may taga laba na ren ako.7k sahod mo monthly"sabi ni greg na ikinalaki ng mata ko "Talaga sige ako na po" sabi ko dito "Pwede kana mag umpisa bukas"sabi ni greg. Bumalik ako sa kusina at tinapos ang ginagawa ko. Nag ayos naren ako ng gamit kinagabihan at binigay na ren ni ate em ang sahod ko. Pasado alas otso ng ihatid ako ni ate em sa isang magandang bahay. Pag katapos ay may sumalubong sa aking isang katulong den." Ikaw ba si tess ako yun labandera dito"sabi nito na may pag aalala na hinde ko mawari "Ah oo ako" pumasok na kami sa loob at sya na rin nagsabi ng kwarto at nag ikot sakin sa bahay." Kuya greg si tess bagong katulong"sabi ni amy sa amo naming kalalabas lang ng kwarto "Ah tess ayos ah oo nga pala diba na kita mo na ang kusina doon ka magluluto at tuwing umaga at tanghalian kalang mag luluto kasi wala kami ng asawa ko sa gabi"sabi ni greg "Wag mo na rin akong tawaging kuya kasi mag kasing tanda tayo at ang pamilya ko ay nasa mga trabaho pa nila"dagdag pa nito. Ang asawa nya ay nag oopisina at ang isa nyang anak na lalaki ay hindi na daw umuuwi at bumili ito ng sariling condo ayon kay amy "Bakit nag solo sya?" tanong ko "Wag na madaming tanong"sabi ni amy na may bahid ng takot. Di ko na nga inusisa. Alas onse ay tumungo nako sa kusina para magluto para sa tanghalian. Binuksan ko ang malaking ref nila at namangha ako sa daming laman. May mga biscuits juice itlog at mga chocolates. Pagkatapos ay sinarhan ko ito. May isang ref pa kaya binuksan ko ito at puro gulay at prutas ang laman nito."Wala ba silang karne"sabi ko sa sarili ko. Sa pangatlong ref naman ako nag tungo. Binuksan ko ito at napalayo ako ng umalingasaw ang kakaibang amoy. Puno ito ng karne ng sa tingin ko ay baboy. Tinignan ko ang list ng menu na lulutuin sa bawat araw."Adobong karne na may patatas" Kaagad akong nag labas ng isang kilong karne dahil yon ang utos sakin. Sinunod ko ang patatas at iba pang kailangan. Sinimulan ko na magluto. Habang inaantay kong kumulo ito ay lumabas ako ng kusina at nag tungo sa kwarto ko na katabi ng kwarto ng boss ko. Kinuha ko ang selpon ko para mangamusta sa samar. Pag labas ko ng kwarto ay nakita kong dumating ang isang babae na sa tingin ko ay asawa ni greg "Hi ate ako nga pala ang bagong katulong" sabi ko "Ah ganon ba mabuti". Tsaka ako nagtungo sa kusina para ayusin ang niluluto ko. Binuksan ko ito at tinikman ang sabaw at karne gamit ang isang kutsara at platito. Namangha ako sa lambot at linamnam ng karne ibang iba sa karne sa karenderya. Pag katapos ay nilagay ko na sa mangkok tsaka ko binunot ang ricecooker sa pag kakasaksak nito. Nag hain na ako sa mesa. Lumabas na ang magasawa. "Sige tess pwede kang sa kwarto muna at pagtapos namin pwede na kayong kumain ni amy" sabi ni greg. Nahiga ako sa kama at nag aayos ng gamit. Maya maya pa ay naalala kong naiwan ko ang cp ko sa kusina.Lumabas ako para kunin ang cp. Pero habang papasok palang ako ng kusina ng marinig ko ang usapan nila."Ang sarap talaga ng karneng ito malinamnam"sabi ni ate liz "Oo nga kaya mamayang gabi kukuha uli tayo"sabi ni greg. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng usapan nila kaya papasok na sana ako sa kusina nang tawagin ako ni amy . "Tess uy parne ka nga ginagawa mo dyan?" sabi ni amy na may dala dalang timba na may mga damit na isasampay nya "Kukunin ko cp ko kasi naiwan"sagot ko "Oo nga pala kapag kumakain sila bawal ang istorbo"sabi nito kaya bumalik na ako sa kwarto."Tess ok na tapos na kami kumain na kayo ni amy pagtapos nyo maghugas ha"sigaw ni greg. Lumabas na ako at nag hugas ng plato. Tinawag ko na rin si amy para kumain "O amy bat nag titiis ka dyan sa bagoong isda ayan o may ulam" natatawang sabi ko dito "Wala tess di ako nakain ng karne kapag hindi ako ang bumili at di ko nakita habang kinakatay"sabi ni amy. Nawirduhan ako sa kanya pero pagtapos ko mag hugas ay kumain nako. Sobrang sarap ng karne. Maya maya pa ay naduduwal si amy na nakatingin sa akin. Tumalikod ito sa akin tsaka kumain uli. Hinde ko na ito inintindi pagkatapos ay sabay kaming nag hugas ng pinagkainan. Ang mga buto buto ay ipinakain namin sa alagang askal ng amo namin. Sinimulan ko na mag punas ng mga gamit at nag linis ng bahay. Nagpaalam naman si greg na aalis ito at dadalawin ang anak. Kaya naman sinunod ko ang kwarto nitong linisin. Pagpasok ko palang ay may narinig akong huni ng isang ibon. Pati masangsang na amoy ay di nakalagpas. Dali dali kong inayos ang higaan nito at nag walis." Bat ang baho"sabi ko sa sarili ko at sinimulang mag spray sa paligid. Pag tingin ko sa tiles na puti ay nakakita ako ng kulay pulang likido na nanigas na. Kinutkot ko ito hanggang sa maalis at pagkatapos ko maglinis ay lumabas na ako. Nag tungo ako sa kwarto ko para iyon naman ang linisin. Maya maya pa ay narinig kong nakadating na si greg. Narinig ko itong sumisigaw sa sala "Sino nag linis ng kwarto ko ha "sigaw ni greg.Ayoko mang umamin pero halata namang ako kasi si amy ay sa mga labada lang naman na di maubos ubos. "Ako greg"sagot ko na nangangatal "Ah ganon ba sige ayos lang bago kapalang naman sa susunod wag mo lilinisin ha hinde ko kasi gusto ang amoy"mahinahon na sabi ni greg. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya ng nililinis ang kwarto niya. Pasado alas tres ng hapon ay nag hain ako ng juice at Tinapay para sa meryenda."Liz liz labas kana sa kwarto mo meryenda na"sigaw ni greg. Lumabas ito sa kwarto niya na gulo gulo ang buhok at may bahid ng dugo sa damit nitong puti. Nagkatinginan kami ni greg tsaka mabilis na pinuntahan nya si ate liz at hinila papasok ng kwarto. Pag labas ng mga ito ay iba na ang suot ni ate liz na damit at nag ayos ito. Pagkatapos nila kumain ay nag hugas ako. Sunod naman ay kumain kami ni amy "Tess sa uli wag mo na lilinisin ang kwarto ng mag asawa"sabi ni amy habang tulalang nakatingin sa pader at ngumunguya "Bakit naman kaya amy? "Basta". Pasado alas sais tapos na ang gawain ko kaya pumunta na ako sa kwarto at hindi rin naman ako mag luluto nang gabing yon busog narin naman ako sa kinain kong tinapay at ininom na juice kaya hinde na ren ako nagluto ng pagkain ko at si amy bagoong na daw uli ang uulamin nya. Si greg at ang asawa nya ay nasa kwarto pa nila para mag ayos ng sarili dahil papaalis sila. Ang kwarto ko ay katabi ng kwarto ni greg at ang kwarto ni ate liz ay katabi ng kay amy. Maya maya pa ay narinig kong nag uusap si greg at ate liz sa kwarto ni greg "Mag ingat ka naman hinde lang si amy ang lagi nating makakasama dito may bago na kaya ayusin mo ginagawa mo liz"sabi ni greg. Idinikit ko pa ang tenga ko sa pader para marinig ang usapan nila. Biglang nag bukas ang pinto na ikinagulat ko "Tess aalis na kami ni liz kayo na bahala dito ni amy madaling araw ang uwe namin. Lumabas kami ni amy para ihatid sa sasakyan nila sina greg at ate liz. Kaagad kaming pumasok ni amy. Takang taka ako sa kinilos ni amy. Kinandado nya ang lahat ang pintuan mga bintana sa sala sa kusina at ang bintana sa banyo. Ultimo bintana ng kwarto ng mag asawa ay isinara nya." May sariling susi sila tess kaya ok lang yan"sabi ni amy sabay upo sa sofa. Pasado alas diyes bago ako nag pasyang matulog. Nilock ko na rin ang pintuan ng kwarto at bintana nito. Habang nag papatugtog ako sa aking selpon ay may narinig ako katok sa bintana. Ang labas ng bintana na ito ay iskinita papuntang kaparangan. Hindi ko ito pinansin dahil baka daga o pusa lamang. Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagaspas ng malaking ibon. Habang pinapakinggan ko ang pagaspas ay may naglalakad naman sa bubungan. Maya maya pa ay nakarinig ako ng sit sit na nag mumula sa bintana. Lumapit ako dito ng dahan dahan at muntik na akong matumba nang biglang parang may sumalpok o bumato dito. Kinakabanan na ako ng oras na iyon kaya naman lumabas ako ng kwarto at pumunta kay amy "Tok tok" "Amy" tawag ko dito na kaagad naman nyang binuksan. "O bakit takot na takot ka" sinabi ko dito lahat ng narinig ko at hinila nya ako papasok sa kwarto nya." Dyan kalang tess kukuha lang ako ng asin sa gilid ng lababo sabi nito "Asin para san bat nasa ilalim ng lababo ?" "Ah sa mangga kumakain ako ng mangga"utal nitong sabi. Pagkakuha nya ay nilock nya ang pintuan ng kwarto nya. "Nasan ang manggang kinakain mo amy ito ba?"sabay kuha ko ng manggang hinog na na sa plastic "Ah oo tess yan nga"sagot nito "Ha inaasinan mo yan?"Oo wag na madaming tanong kumain kana" Kinuha ko ang isang mangga tsaka binalatan nakita ko ring pasimpleng itinapon ni amy ang asin sa may pintuan. Tumayo rin ito sa may bintana na kunwariy may tinitignan tsaka nilagay ang asin. Di ko nalamang ito tinanong. Habang kumakain ako ng mangga ay "Ah amy bakit bawal mag lagay ng asin ultimo kalamansi sa mga lulutuin kong karne?" tanong ko dito "Ano ba naman tess kasi nga yun utos nila tapos yung narinig mo baka guni guni mo lang"sabi ni amy. Doon na ako natulog sa kwarto ni tess ng gabing yon. Pasado alas sais ng umaga ay dumating na sina greg at ate liz. Lumabas ako ng bahay at nag punta sa garahe para mag walis. Habang nag wawalis ako ay may naamoy akong masang sang hinanap ko kung saan ito nang galing at nakompirma ko na sa kotse nila ito nang galing may pumapatak ng dugo na nang gagaling sa loob nito. Lumabas naman si amy para tawagin ako "Tess kanina kapa tinatawag ni kuya greg at ate liz"sabi ni amy. Pag kapasok ko ng sala ay sumilip ako sa may bintana na tanaw ang garahe nakita ko si amy na palingon lingon tsaka binuksan ang likod ng kotse.Kaagad ko namang inalis ang tingin ko dito ng marinig kong papalabas ng kwarto ang mag asawa.Thankyou sa pagbabasa nyo sorry di kaya isang bagsakan at napakahaba ng nang yari kay ate tess e at marami akong inaasikaso. Pero itatype ko na rin ang detalye kapag tapos na ang gawain ko. Salamat.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now