Compiled Stories 6

66 3 0
                                    



CR ng Siyensya

Isa akong estudyante sa FEU Manila (Main). Taong 2010 ito nung nangyari sa akin ang nakakakilabot na karanasan sa 3rd Floor. FEU Science Building. Maraming kwento-kwento na dati itong morgue nung panahon pa ng mga Hapon.

So ito na nga, mag 2PM nun sa normal na araw at may PE Class kami. Dati pa ang kwento about sa morgue pero di naman ako kinikilabutan dahil maganda na ang building. Habang na sa klase ako, nag CR ako sa dulo ng 3rd floor mismo. May CR dun, malaking CR at medyo madami ang cubicle. Sobrang liwanag doon dahil may bintana at ilaw naman kahit papano sa CR. Nag jingle ako pero habang naihi eh napansin ko mabigat na yung pakiramdam ko biglaan. Basta alam mong negative energy agad. Mag-isa lang ako nun. Sa kahibangan ko, chineck ko isa isa yung cubicle ngunit wala naman tao.

Sa pag hugas ko ng kamay sobrang lamig ng tubig doon at kakaiba na talaga sa pakiramdam. Nagmadali na ako lumabas ng CR! Pag bukas ko ng pinto (PULL) ayaw bumukas. Pinilit ko lakasan ayaw pa din. Naka tatlo ako o apat na beses na hila ayaw pa din. Nakakapagtaka eh di naman naka-lock yun. Nag dasal nalang ako Our Father, after nun. Hinila ko pa din ng malakas yung pinto at bumukas ito na parang papel lang sa bigat at tumalsik ako pabalik sa gitna ng CR kasi nga pwinersa ko na parang nakikipag tug of war na ako eh. Sa sobrang takot ko agaran na akong tumayo at tumakbo palabas. Hinding hindi ko malilimutan ito, walang nagpakita sakin dun pero alam ko may kasama ako sa loob ng cr na yun.

Dagdag ko na din, freshman ako noon. Yung prof namin tumigil sa pagkaklase sa 2nd floor ito ng same bldg. Kasi may nakiki-sit in daw na babae, madaming bakanteng upuan pero di niya sinabi kung saan.

Janjalani, Batch 2007

Kasal

Hi! I'm an avid reader since 2017 and first time kong mag share ng story,sana mapost.

This story is about my grandfather's experience.

So si tatay(lolo ko) inaya siya at ng mga kasamahan niya ng isa sa mga supplier nila sa pinagtatrabahuhan niya noon dahil kasal daw pamangkin nito at dun na lang daw sila magtanghalian,so sumama sila.

Bale may sariling sasakyan yung supplier nila at meron din sila (sasakyan ng boss nila dahil sumama din ito).

Di naman kalayuan yung lugar nila at dumating na sila dun at yung bahay eh malapit sa dagat. Pagdating nila,nagtaka si tatay bakit daw wala bisita. So sinalubong sila ng tatay nung ikinasal na babae,sabi(translate ko nlng sa tagalog ilonggo kasi kami). "Nako,wala kaming handa.Wala den naman kasi kaming bisita ih.Diko alam na dadalhin pala kayo dito ng pinsan ko." So medyu na dissapoint sina tatay at mga kasamahan niya dahil gutom na gutom na sila. "Hayaan niyo pagluluto ko na lang kayo ng adobong atay." Dagdag pa nito.

So habang nagluluto yung matanda eh naihi si tatay kaya pumunta siya sa may likod bahay at may kubo doon at balon,medyo malayo ito sa bahay ng matanda at dun naihi si tatay. 

Napatingin si tatay sa may kubo at kitang kita talaga ng dalawang mata niya na may isang pares ng paa na nakasabit dun sa kubo,paa ito ng bata dahil maliit kaya kinabahan si tatay tapos pagtingin niya sa balon hindi tubig ang laman nito kundi mga lamang loob at malansa ang amoy nito. Hindi na natakot si tatay dahil sanay na siya sa mga ganong karanasan,kaya agad siyang umalis doon at bumalik sa mga kasamahan niya at di siya nagpahalata na may kakaiba.

Maya maya naluto na yong pagkain at pinakain na sila nung matanda pero si tatay hindi kumain dahil alam niyang hindi lang basta atay yun,malamang atay yun ng tao kaya dinahilan niya na lang ma busog pa siya para di siya mahalata ng pamilya. Samantalang yung mga kasamahan niya eh sarap na sarap sa pagkain.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now