Double-Walker (Parts 1-5)

57 2 0
                                    


Part 1

Ako si Lex, isang housewife. I am happily married for 6 years sa aking asawa na si Ethan na nagtatrabaho sa isang company. May isa kaming anak na limang taong gulang, si Nica. Tatlong taon na kaming nakatira sa bahay na pinatayo naming mag asawa. Simple lang ito para sa maliit naming pamilya. Nakatapos ako ng kursong BSBA pero mas gusto ni Ethan na mag stay na lang ako sa bahay para kay Nica. Dahil nga palaging kami lang ni Nica ang naiiwan sa bahay ay naisip ni Ethan na magpakabit ng cctv sa ibat ibang sulok ng bahay para sa safety namin.

Isang gabi habang inaabangan ko ang paguwi ni Ethan kinukulit ako ni Nica kung pwede daw ba na matulog siya sa kwarto niya magisa, madalas kaming kinukulit ni Nica tungkol sa bagay na yun pamula ng nagpa repaint kame ng kwarto niya. Siguro naeexcite na at gusto na mag try na magisa, pero hindi namin siya pinapayagan dahil na din natatakot kameng mag asawa na baka mahulog ito sa kama, malikot kasi itong matulog at may mga pagkakataon na nagiiyak ito pag nagigising sa gitna ng gabi. Kinukulit pa din ako ni Nica hanggang sa nakatulog na ito sa tabi ko, di ko namalayan na nakatulog na din pala ako habang inaantay si Ethan.

Naalimpungatan ako bigla. Si Nica ay nakatalikod sa akin, niyapos ko siya tapos kinumutan at bumalik na din ulit ako sa pagtulog. Maya maya pa naramdaman kong umalis sa pagkakahiga si Nica, naisip ko na baka pupunta ito sa Cr para umihi. Matapos ang ilang segundo naramdaman ko na bumalik na ulit ito sa pagkakahiga sa tabi ko at niyapos ko na ulit siya.

Narinig ko na tumatahol si Patchi, yung American Bully namen. Siguro dumating na si Ethan kaya bumangon ako para salubungin siya, sinilip ko si Nica bago ako lumabas sa kwarto at mahimbing pa din itong natutulog sa kama namin.

"Oh bakit gising ka pa? Si Nica bakit iniwan mo magisa?" tanong saken ni Ethan.

"Nagising ako sa tahol ni Patchi, si Nica kanina pang tulog sa kwarto natin." sagot ko sakanya.

"Ha? Nandun si Nica sa kwarto niya ah. Kakasilip ko lang sakanya."

"Nagpapaalam na naman nga saken na dun sya tutulog eh hindi ko pinayagan. Nakatulog na sa tabi ko habang kinukulit ako."

Nagulat kame pareho ng biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Nica at lumabas ito dun habang nagkukusot ng mata niya. Agad itong lumapit sa daddy niya at nagpabuhat. Dahan dahan akong lumingon sa kwarto namin, kitang kita ko na may nakahiga pa din sa kama. Si Ethan ay buhat buhat pa din si Nica. Kahit sobrang natatakot na ako ay naglakas loob pa din ako na lumapit sa kama namin, tinanggal ko bigla ang kumot at nakita ko si Nica na mahimbing pa din na natutulog. Pinagmasdan ko siyang mabuti, kamukhang kamukha siya ni Nica, pareho din sila ng suot na damit pero malakas ang kutob ko na hindi siya ang anak ko. Kahit natatakot ay nilakasan ko pa din ang loob ko, pumikit ako at nagdasal ng Ama Namin, nagsisimula pa lang ako ay sinasabayan nya na ako. Ginagaya niya ang boses ni Nica. Hindi ako nagpatinag at tinuloy pa din ang pagdadasal, tumigil ito sa pagsabay sakin sa kalagitnaan ng pagdadasal ko. Pagmulat ko ng aking mata ay wala na ito sa kama namin.

"Lex okay ka lang? Bakit namumutla ka? May sakit ka ba?" tanong saken ni Ethan. Buhat pa din niya si Nica.

"O-okay lang ako Ethan. Medyo pagod nga ako. Inaayos ko lang tong kama para makatulog na tayo." sagot ko. Hindi ko na sinabi kay Ethan ang nangyari nung gabing yun.

Kinabukasan habang naguumagahan kami ni Ethan ay kinuwento ko sakanya yung nangyare nung isang gabi. Siya din daw ay nakaramdam na parang may mali. Tiningnan namin ang cctv ng buong bahay at nakita namin si Nica na naglalakad papunta sa kwarto niya pero hindi ito bumalik sa kwarto namin. May nahagip ang cctv na mga anino, hindi lang isa kundi dalwa. Ang isang anino ay pumasok sa kwarto namin, ang isa naman ay nagpunta sa kwarto ni Nica.

Akala namin ni Ethan ay hindi na mauulit ang gantong pangyayari pero ito pa lang pala ang simula ng mas nakakatakot pa naming karanasan...

Part 2

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now