House for Sale (Parts 1 & 2)

54 3 1
                                    


Part 1


Hello guys, HitsugayaToshiro po ulit sender ng My guardian angel. Gusto ko lamang pong ibahagi sa inyo ang isa sa mga karanasan namin ng mga kaibigan ko nang minsang pumasok kame sa isang haunted house.Halos isang linggo palang mula ng mag start muli ang klase, nag karoon kame ng dalawang babae sa tropa, yung isa gf ng best friend ko na mula sa ibang section at yung isa naman ay galing sa ibang school. Okay naman silang kasamang dalawa, may pagkabaliw nga lang tong gf ng tropa ko. Uwian na non at nag uusap kame sa mga pwedeng gawin dahil nga sa matagal kameng di nag kita kita, usap dito usap doon hanggang sa inatake nanaman ng kabaliwan tong gf ng tropa ko at sinabing mag ghost hunting daw kame doon sa malaking abandonadong bahay. Pagkasabi niya non napatingin kame sa kanya nitong isa pa naming kasamang babae na tawagin nalang nating si Yeri ( Shoutout sa mga Reveluvs diyan ). Sabay tanong sa kanya kung sure ba siya doon dahil matagal ng sabi sabi samin na meron daw talagang kababalaghan doon, sabi naman niya hindi daw namin malalaman kung hindi namin susubukan, nagpumilit talaga siya noon kaya pumayag nalang kaming lahat. Napagkasunduan namin na dun nalang kami mag kita-kita sa bahay ng lola ko dahil malapit lang naman ito doon tsaka para na din di na ako mag papagod. Fast forward:Nasa harapan na kame ng gate at pareho kameng nag aalangan nitong tropa ko dahil apat lang kameng tumupad sa usapan. Alam niyo naman sa mga ganyan di talaga maiiwasan yung pagiging talkshit ng iba. Kaharap lang namin yung sign na 'House for sale', ewan ko ba kinikilabutan ako kapag binabasa ko yung sign na yun. "Ano g ba talaga?" Tanong ko sa kanila. "Oo naman bakit hindi?" Sagot naman nitong gf ng tropa ko. "Ikaw?" Tanong ko naman kay Yeri. "Oo naman." Mahinhin naman niyang sagot. Nag uusap pa kame non nang bigla nalang pumasok yung mag jowa sa gate kaya naman napasunod agad kame. "Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko uli sa kanya. "Sanay na ako." Tapos dumiretso na siya. Bumungad agad sa amin pag pasok ang napaka bahong amoy, parang nabubulok na laman tapos mga kung ano anong kemikal yung amoy pag pasok palang namin ng bahay. Napa isip pa ako non na baka may demonyo dito dahil ang sabi ganon daw ang amoy ng mga pinamumugaran nila. Sinabi ko iyon sa kanila pero tumawa lang yung mag jowa habang si Yeri naman sinabing normal lang daw iyon sa isang abandonadong bahay. Tinanong ko siya kung anong pareho, yun bang mangamoy ng ganon yung bahay o pamugaran ng demonyo, ang sagot naman niya: "Pareho." Sabay ngiti na parang nananakot, pero ewan di naman nakakatakot yung ngiti niya ang cute nga eh. Oo nga pala, merong 2 floor yung bahay at madaming mga pintuan na pwede mong daanan palibot sa buong bahay o sa buong pinag tatayuan nito. Etong Gf ng tropa ko ( Tawagin nalang nating si Joy dahil masyado siyang maligaya ) ay nag salita na naman na mag hiwa-hiwalay daw kame, doon daw sila sa bakuran habang kame naman daw ni Yeri ay dito muna sa first floor mag libot tapos mag kita nalang daw kame sa 2nd floor. Siyempre hindi ako pumayag dahil isa yan sa mga lesson sa mga horror movies na wag kayong mag hihiwalay ng mga kasama mo dahil alam niyo na. Ang kaso mapilit talaga tong si Ligaya tsaka tinanong na din ako netong ni Yeri kung natatakot daw ba ako kaya pumayag nalang ako. Lumabas na sila sa bakuran at nag simula na din kaming mag libot nitong ni Yeri sa 1st floor. Tahimik lang kaming dalawa dahil hindi naman kame ganon ka close tsaka tahimik lang din talaga tong babaeng to kaya kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko, naisip ko na baka set up pala to tapos kung anong mangyare saming dalawa, o kaya baka mahuli kame dito tapos makasuhan pa kame ng trespasing. Pumasok kame sa isang room, isang bookshelf lang ang nandito at wala itong laman, habang palapit dito si Yeri ay bigla nalang kameng nakarinig ng sigaw mula sa labas kaya agad kameng napatakbo papunta sa direksyon non dahil parang boses yon ni Joy. Palabas na sana ako sa pintuan nang bigla itong nag sara kaya naman napahinto ako at nilingon si Yeri pero nalaman kong wala pala siya sa likuran ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid nang bigla nalang akong nakarinig ng isa pang sigaw na mula naman sa itaas, kaboses ito ni Yeri kaya agad akong nag madali at sinundan kung saan nanggagaling ang tunog na iyon hanggang sa makarating ako sa isang kwarto. Nakita ko siyang nakahiga sa sahig kaya agad akong lumapit sa kanya at sinubukan siyang gisingin, paulit ulit kong binabanggit ang pangalan niya hanggang sa binuksan nito ang mga mata niya, bigla akong nanigas sa pwesto ko dahil purong kulay itim lang ang mga nito sabay biglang ngumiti sa akin. Alam kong hindi siya ito dahil ibang iba ang ngiti niya sa ngiti ng totoong Yeri, napaatras ako sa pwesto ko habang siya nama'y pagapang na lumalapit sakin. "Lumayo ka sakin, sino ka? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Lalong lumaki ang mga ngiti nito sakin bago ito nag salita ng: "Hindi ba ito ang gusto mo, sayo na ako."Mahinhin niyang sambit, unti unting nawawala yung takot na nararamdaman ko dahil nagiging normal na ulit yung itsura niya, noong bumalik na ito sa normal ay nilapitan ko siya at niyakap sabay tanong kung ayos lang ba siya. "Oo, ayos lang ako lalo na ngayong sakin kana." Napabitaw ako sa kanya sabay tanong ng "Ano?" Tumingin siya sakin at ngumiti hinaplos niya ang mukha ko at bigla itong sumigaw ng: "SA AKIN KANA!!! SA AKIN KA NA!!" Paulit ulit niyang sinasabi habang tumatawa, nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa di ko na namalayang nakasakal na pala siya sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang siya, basta ang nasa isip ko lang makawala mula sa pag kakasakal niya at hanapin yung mga kasama ko, lalo na si Yeri dahil ako yung huling kasama niya so responsibilidad ko siya. Sinubukan kong mag chant ng exorcism dahil yun lang naman ang alam ko pero hindi ko alam kung gagana ba iyon dahil di naman ako sure kung anong klaseng nilalang nga ba talaga ito. "Exorcizamus te, omnis immundus spiritus, omnis satanica potestas.." Bahagyang lumuwag ang hawak niya sakin kaya nag karoon ako ng malaking pag asa at itinuloy ko ito. "omnis incursio infernalis adversarii, omnis legio, omnis congregatio et secta diabolica..." Napahinto ako sa pag chant dahil bigla kong nakalimutan kung anong susunod, alam kong kabisado ko ito at hindi ko basta basta nalang makakalimutan ng ganun ganun lang kaya pinilit ko itong alalahanin, pero wala hindi ko na talaga maalala. Narinig kong tumawa yung sumasakal sakin kaya napatingin ako sa kanya at dito ko unang nakita ang totoong itsura niya, napaka payat nito na may buhaghag na buhok, bungi-bungi siya at napaka puti ng mukha at wala itong mga mata. Nilapit nito ang mukha niya sakin at nag chant din ng latin, unti unti akong nakaramdam ng pagkahina at unti unti na ding lumalabo ang paningin ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, iniisip ko yung sinabi niyang kanya na ako, ibig bang sabihin kukunin niya ang kaluluwa ko o ang katawan ko? Hindi ko alam kung ano pero bigla nalang pumasok sa isip ko si Yeri, paano siya? Paano kung napahamak na din pala siya? Hinayaan ko nalang na pumikit ang mga mata ko at nag dasal ako sa panginoon, pinagdasal ko na wag niyang hayaang makuha nitong bruhang ito ang kaluluwa ko, at kung ang katawan ko man ang gusto niya sana'y hindi ito pahintulutan ng Ama, at sana din makita ko pa sila, sana makita ko pa siya...Pasensya na po kung putol dahil masyado na po atang mahaba at parang 2 parts na ata halos ito. Hindi na rin po kase kasya sa pinag tatypan ko kaya hinati ko nalang po sa dalawang parts. Don't worry guys send ko po agad kapag na post na po ito ni Admin, baka kase matabunan lang sayang naman kung mag tatype ako ng ganon kahaba hehe.

Scary Stories (Unedited)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora