Leave no trace

59 1 0
                                    



Lagi kaming may year-end hike ng mga kaibigan kong si Janine at Ichan. Si Ichan ang pinaka matagal na saming umaakyat kaya mas marami na siyang kilalang mga organizer. Naghahanap lang kami ng mga grupo na pwede samahan, joiner kumbaga. Kumakain kami sa Mang Inasal habang nag iisip kung saan kami magha-hike. Janine: Ano mga besywap, saan us next? (Yes, ganyan na ganyan magsalita si Janine. Taglish na parang konyo na parang t*nga.) Ako: Minor hike lang muna tayo. Di pa ko nakakarecover sa last major hike natin. Ichan: Inaaya ako ng kakilala kong orga sa Mt. D. Minor lang daw yun. Ilang beses na rin niyang naakyat. Ano dun nalang? Janine: Search mo muna sa google. Baka naman very mahirap akyatin yan. Ako: Lagi ko nga din nakikita sa mga group yang Mt. D. Sige jan nalang. Pare-parehas pa naman natin di naaakyat yan. Sumang-ayon na din naman si Janine na sa Mt. D. nalang kami umakyat. Nitong darating na Sunday na ang akyat namin kaya bumili na ako ng mga kakailanganin. Ewan ko ba, dayhike lang naman pero nasanay ako na pang overnight yung dala-dala ko. Ff. Saturday pa lang ng tanghali, pumunta na kami ni Janine kila Ichan para sabay sabay na kami babyahe papuntang meet-up place mamayang gabi. Nakasanayan na namin na mag overnight sa kanila tuwing may akyat kaming tatlo para dumekwat na din ng cup noodles at mga de-lata.11pm, pabyahe na kami papunta sa sikat na Mcdo ng Quezon City kung saan laging doon ang meet-up place ng mga mountaineers. Habang nasa bus kami, nag usap usap ulit kaming tatlo. Ichan: Wala na ba kayong nakalimutan dalhin? Ako: Wala naman na, dun nalang ako bibili ng mga inumin sa 7/11 pagdating natin. (May 7/11 po sa tabi ng Mcdo) Janine: *nag check ng bag* Wala naman na din. Chan, sigurado ka madali lang talaga akyatin ang Mt. D? Ichan: Minor lang daw yun eh. Pero syempre di ko alam, pare-parehas tayong di pa nakakaakyat dun, ako pa tatanungin mo. Kabado kasi talaga si Janine sa tuwing aakyat kami. Dumating na kami sa meet-up place. Hnihintay nalang namin yung ibang kasama namin. Ff. Kumpleto na lahat ng joiners, si Ichan nasa tabi ng orga sa harapan dahil sila yung magkaibigan. Katorse kaming lahat na sasama sa pag-akyat. Papasakay na kami ng van ng biglang hinila ni Janine kamay ko. Janine: Parang ang bigat ng loob ko sumama dito. Tutuloy talaga tayo? Ako: Malamang. Andito na tayo oh. Tsaka non-refundable to, pag nagback out ka sayang binayad mo. Halika na. Pumwesto kami ni Janine sa pinaka likod ng van. Ako ang nasa may bintana sa dulo, si Janine ay nasa gitna, at dalawang mag jowa na katabi namin. Napapansin kong di talaga napapakali si Janine, ilang beses niya din talaga akong tinanong na kung sure daw ba kami na tutuloy kami, yung gusto kong matulog sana habang nasa byahe pero kinakausap ko nalang siya para di siya kabahan, hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan kami aakyat ay nagtatanong pa din siya. Ff. Andito na kami sa Mt. D. Umulan pa nung mga araw na yun, na siyang kinabahala lalo ni Janine. Naglista lang kami ng pangalan, kumain, nagdasal at nag discuss ang guide tungkol sa mga di pwedeng gawin. Pinaalalahanan din kami ng guide na mahihirapan kami ng kakaunti akyatin ito dahil sa patuloy na pag-ulan. Hinati kami sa dalawang grupo, bali dalawang guide din ang kasama namin. Sa isang guide, pito kaming magkakasama. Nag start na kaming umakyat. Magkatabi kami ni Janine at nag uusap lang para di siya mabahala. Madilim pa ang paligid dahil alas-cinco pa lang ng madaling araw. Ff. Sa halos tatlong oras naming paglalakad, ramdam na ang pagod ng lahat. Madulas ang daan at mabato, kailangan talaga ng matinding balanse lalo na pag may kakailanganing akyatin na bato-bato. Nagpasya muna ng grupo namin na magpahinga. Yung naunang grupo sa amin ay baka nakalayo na dahil hindi na namin sila natatanaw. Sampung minuto lang kami nagpahinga at sabak na ulit sa lakaran at akyatan. Maya-maya pa ay napaupo na si Janine sa isang bato, Namumutla at nanlalamig na siya. Janine: Parang di ko na kakayanin.Ako: Gusto mo na bumaba? Tatawagin ko yung guide. Janine: Hindi. *sabay pigil sa akin* kaya ko to, wag lang tayo masyadong mabilis. Magpahuli nalang tayo. Ako: Pag nakaramdam ka ng pagod, pahinga lang tayo kahit saglit lang tas lakad ulit. Ff. Nagpahuli kami ni Janine. Bali, yung ibang kasama namin at yung guide ay nasa unahan. Tumila na din ang ulan, sa wakas. Apat na oras, bago namin marating ang summit. Napaupo si Janine sa isang gilid, at napainom nalang ng maraming tubig. Halos isang oras din kaming nag stay sa summit, gumaan gaan na din ang pakiramdam ni Janine dahil nakapag pahinga. Ichan: Ano, Janine? Kaya pa? Pababa na tayo. Janine: Oo, kaya ko na. Nakapag pahinga naman na ako. Ichan: Mas mahirap pababa ha. Pababa na kami galing summit. Tama nga si Ichan, mas mahirap babain ngayon ang Mt. D. dahil mas mabato at mas madulas. Yung ibang kasama namin ay nadudulas na, kaya doble ingat talaga ang ginagawa namin. Isang oras mahigit na kaming naglalakad pababa, sa di inaasahang pagkakataon, nagkahiwalay kaming tatlo. Si Ichan ay nauna samin kasabayan ang iba naming kagrupo, habang ako at si Janine ay magkasama sa pinakahuli. Nauuna kasi akong bumaba para kung ano inapakan ko ay aapakan din ni Janine para di siya madulas, nasa unahan lang niya ako. Pero pagtingin ko sa likod ko, wala si Janine. Tumigil ako at naglakad ng bahagya pabalik dahil baka napaupo lang at nagpahinga pero hindi. Wala talaga siya sa mga dinaanan namin. Kinakabahan na ako sa mga oras na 'to pero kailangan kong manatiling kalmado. Binlow ko yung whistle ko para marinig ng ibang kasamahan ko. Tumakbo naman sila pabalik. Ako: Chan, si Janine nawawala. Kanina lang ang alam ko nasa likod ko siya, pagtingin ko wala na pala siya sa likuran ko. Chan: Baka nagwiwi lang sa tabi. Antayin natin ng ilang minuto muna. Pag wala pa din, hanapin na natin. Nag antay kami ng ilang minuto, yung guide namin tinignan siya sa gilid gilid, pero wala. Kinuha ko na cellphone ko para sana tawagan siya pero walang signal. Guide: Baka po nauna na siya. Ako: Hindi kuya, edi sana dumaan siya sa harap ko. Tsaka hindi hihiwalay sakin yun. Malayo na din satin yung unang grupo kuya, kaya paano siya makakahabol dun? Takot nga maligaw yun eh. Bumalik kami sa nilakaran namin kung saan kami nanggaling, pero wala pa din siya, hanggang sa makabalik kami ng summit. Nakita namin siya nandun, nakahiga. Parang nahimatay ganun. Agad naman kaming tumakbo ni Ichan papunta sa kanya at sinusubukan na magising siya. Ichan: Janine, uy! Gising! Nagising naman si Janine at nagulat sa nakita niya na pinagkukumpulan na siya. Janine: Oh? Bakit? Ako: Anong bakit? Binalikan ka namin dito sa summit. Kanina pa kami bumaba halos nasa kalahati na kami tapos pag tingin ko sa likod ko wala ka na. Eh, kanina lang kasama kita. Janine: Oo nga magkasama tayo kanina lang. Pero hindi pa tayo umaalis dito sa summit. Anjan pa kayo kanina bago ako makatulog. Sabi mo pa nga sakin magpahinga muna ako kasi mamaya pa bababa tas pumunta ka muna dun sa iba nating kasama para mag picture. Ako: Ano? Gag* wala akong sinabing ganun. Kanina nung nasa summit tayo magkatabi tayo tsaka hindi ka natulog. Isang oras lang tayo halos nag stay dito, diba pinuntahan pa nga tayo ni Ichan kanina, tinanong ka kung kaya mo pa ba dahil mas mahirap pag pababa. Tsaka magkasama tayo bumaba dito sa summit, nag uusap pa nga tayo eh. Tas sabi ko mauuna lang ako ng konti sayo para aalamin ko kung ano yung daan na hindi madulas tas doon ka din aapak. Guide: Nako, mukang napaglaruan tayo ma'am. Ako: Napaglaruan? Guide: Pangalawang beses na kasi nangyari na may naligaw dito. Pero nahahanap din naman sila. Di ako naniniwala noon, pero sa nangyari ngayon mukha nga pong totoo. Ichan: Osha mamaya na natin pag usapan yan, mahaba haba pa lalakaran natin. Mahalaga nakita na natin si Janine. Tara? Ako: *kinuha ko gamit ni Janine* Halika na. Humawak ka sakin para di ka na ulit mawala. Janine: Hindi naman kasi talaga ako nawala. Ako: *sinampal si Janine* Nagulat silang lahat kung bakit ko sinampal ng malakas si Janine. Janine: Aray! Bakit mo ko sinampal?! Ako: Naninigurado lang ako kung ikaw ba talaga yan. Sorry. Halika na! Ichan: Gag* ka talaga. (mejo natatawang pagkakasabi niya) Ff. Habang pababa kami, sinigurado ko talaga na kasama ko si Janine. Pag titigil siya para magpahinga, titigil din kami. Hindi na kami naghiwa-hiwalay dahil ayaw namin maulit. Iniisip namin baka kasi yung ibang kasama naman namin ang mawala. Nakakapit lang talaga si Janine sakin, at sinabi ko sa kanya na bawal siyang bumitaw. Nang mapansin ko sa kanya ang brown na shawl o scarf na hawak niya. Ako: May dala ka palang shawl. Bat di mo ginamit kanina yan nung nilalamig ka? Janine: Ha? Eh, ikaw kaya nagbigay sakin nito kanina sa summit. Ito yung pinanlatag ko para mahiga eh. Ako: Wala akong binibigay na shawl sayo. Tsaka wala akong dalang ganyan. Janine: Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari. Ako: Eh, ano pa kami. Naguguluhan na din kami. Ff. Finally! Nakababa na din. Pag dating namin sa baba, mga nakaligo na yung unang grupo. Sinalubong naman kami ng orga at ng guide na kasama nila. Orga: Ang tagal niyo ah! Ano nangyari? Guide na kasama namin: Nagkaroon lang ng konting problema sir. Pero okay naman na. Sinabihan kami ni Orga na maligo na ng mabilisan, pinauna ko ng pinaligo si Janine at nag aantay naman ako sa kanya sa labas. Pagtapos niya ay ibinilin ko siya kay Ichan. Ichan: Wag mo aalisin sa paningin mo si Janine ah! Ichan: Oo, ako bahala. Maligo ka na. Habang naliligo ako iniisip ko pa din kung ano talagang nangyari kanina. Naguguluhan pa din kasi talaga ako. Baka nga tama si kuya na napaglaruan kami. Paglabas ko sa cr. Nakita ko si Janine na parang matamlay. Siguro dala na din ng pagod. Sinabihan ko din siya na iiwan na yung shawl na dala niya. Iniwan naman niya ito kung saan siya nakaupo. Ff. Pack-up na ang lahat, ready na para umuwi. Sumakay na kami ng van. Paalis na kami, ng biglang napayuko si Janine sa balikat ko at umiyak. Edi nagulat na naman ang lahat, at napatigil ang driver. Ako: Huy! Ano nangyari? *napatigil ako sa paglalagay ng cream sa mukha*Janine: Nakita kita sa labas. Ako: Ha? Anong nakita mo ko sa labas, eh andito ako sa tabi mo. Janine: Kanina kasi isasampay ko yung tuwalya dito sa likod (sa may upuan) Habang papalayo yung van, pagtingin ko sa labas, andun ka sa malayo at nagbaba-bye (kumakaway po ang ibig niyang sabihin) at hawak mo yung shawl na iniwan ko kung saan ako nakaupo. Ako: *tumingin ako sa likod, sa labas, pero wala naman akong nakita* Hayaan mo na. Mag pray nalang tayo. Habang nakatigil yung van namin, nag lead ng prayer si Orga. Ikinwento din namin yung nangyari kung bakit kami natagalan sa pagbaba. Naguluhan talaga kami sa nangyari na yun. After nun, hindi na kami bumalik talaga sa Mt. D. Itinigil na din ni Janine ang pag-akyat simula nung nangyari yun, na-trauma na siya. Kahit anong aya namin sa kanya, ayaw na niya.

Thank you, admins and readers! 

Diwata x

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now