The Awakening - Book 2 (Parts 1-3)

43 1 0
                                    



Part 1 : A Glimpse of hope

Hi spookifiers! I have shared some of my stories here before and I am back for some odd reasons, but I won't state it here because it's personal. Do you still remember Mr. Old Soul (MOS) and young lady, which is me? Yeah. I've been outta here for 2 months because I lost myself, not literally but emotionally. Take this as a sequel of my shared story "Kupido o kamatayan""

Let's have a recap of my story entitled "Kupido o Kamatayan". I met this guy (Mr. Old Soul) in our school and I have found out that he's not normal. May threads (white, red and black) siyang hawak at maliit na bola, he uses these things for his mission (yun ang sabi niya). Gusto niyang malaman ko na kung ano talaga ako. I. AM. NOT. NORMAL. 'daw' kaya naman nagwala talaga mga curious cells ko and besides ang dami ko na din' na-witness na weird things dahil sa kanya. 2 months had passed, simula nang may nagbago sa katawan ko, yeah, literally, nasasabi ko ito dahil sa enhanced eyesight ko o state of vision meron ako, I can now see things 700 meter radius away from me. May times din na nagiging 'parang' x-ray ang paningin ko, kasi naman tumatagos yung tingin ko sa ibang bagay, like building, bags or what, pero hindi naman ganoon lagi kaya nagtataka ako kung anong purpose noon at kailangan kong makita ang loob ng mga bagay na 'yun.October, 2015. 1st week. I am still looking for Mr. Old Soul (MOS), because I badly need him. I do know and feel how much I need him and his knowledge or wisdom. I know that he can guide me since he's the one who introduces this kind of thing to me, I mean the weird things around me. Sa kahahanap ko sa kanya, napadpad na ako sa iba't-ibang university, pati yung mga museum, parks or even hospitals na hindi ko pinuputahan kung hindi naman kailangan, napuntahan ko na. Pero wala talaga, he's nowhere to be found and it really disappoints me, pakiramdam ko nauubos na yung lakas at pag-asa kong makita ko siya ulit. Kung bakit naman kasi lagi siyang nagpapakita sa'kin dati na wala naman siyang koneksyon sa buhay ko tapos mawawala na lang bigla kung saan kinakailangan ko siya dahil siya lang ang alam kong nakakaalam ng ibang detalye, hindi man ng lahat ng sagot sa tanong ko, pero atleast may aalalay sa'kin.October, 2015. 2nd week. School setting. I was in my favorite spot in the library, staring outside the window, looking at those students, teacher, and other people in the wide space. Nakahalumbaba ako dahil for the first time, I found my recreational activity as boring, ewan ko pero parang hindi ko na nagugustuhan ang mag-obserba ng tao,'di katulad ng kagustuhan ko kapag ginagawa ko 'to dati. Ang weird lang ng feeling, hindi ko naisip na magiging ganito ang mararamdaman ko dahil all my life, I've been observing people and evaluating their behavior. Na-bored ako kaya lumabas ako ng library, pumunta ako sa Educ Bldg, sa pinakatuktok ng building may parang 'open space dun' na pwedeng mahiga, maglaro, o kung ano ano pa ang mga estudyante, dahil malawak talaga ang tuktok noon, (pasensya na, nakalimutan ko na tawag dun') Dito ko din unang sinubukan kung hanggang saan ang kayang makita ng mata ko dahil nga nabago ang layo ng pwedeng makita nito, na hindi naman karaniwang makikita ng mga normal na tao lalo na kung malayo. Para bang naka-telescope mode ang mata ko dahil kahit sobrang layo ng lugar o tao ay nakikita ko pa rin siya o ito. Hindi ko alam pero bigla akong nilamig at alam kong hindi dahil sa hangin yun kahit na medyo malakas nga ang hangin na nililipad na nito yung ilang strands ng buhok ko at unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa malalayong lugar, tutal nasa 5th floor ako. Everything was surreal. Hindi pa rin nagsisink-in sa'kin lahat ng nangyayari sa'kin pero alam kong dapat kong tanggapin ang mga pagbabago sa pagkatao ko. Although ang daming tanong sa utak ko, pero wala akong magagawa para dun. Bababa na sana ako ng biglang pagharap ko sa pinto na lalabasan ko ay nakatayo dun' ang taong matagal ko ng hinahanap at kinakailangan sa mga oras na 'yun.IT'S MR. OLD SOUL! Nakatingin siya sa malayo at nakikita kong kalmado lang siya at parang walang balak na magsalita. He was just 5-7 steps away from me. Pero milliseconds lang ang nagdaan, nang bigla siyang tumingin sakin, hindi ko alam pero naramdaman kong tumatagos yung tingin niya sa mata ko, para bang nakikita niya na yung kaluluwa ko sa kaloob looban ko. Hindi ko alam pero, iba yung epekto ng presensya niya, feeling ko safe ako dahil nandito na siya, feeling ko masasagot na lahat ng tanong ko at feeling ko magiging okay na din ang lahat. Puro feeling lang lahat. Ang weird man ng naiisip ko pero naramdaman ko na lang yung pag-init ng pisngi ko dahil sa luha na tumutulo galing sa mga mata ko. ALAM KONG ANG OA. At wala akong pakialam, dahil walang ibang nakakaalam kung gaano ako nahirapan these past few months. I was completely dumbfounded when I saw him. I cried my heart out silently. Wala kang maririnig na hagulgol pero maririnig mo na nasisinok na 'ko sa sobrang pagpigil sa sarili kong hindi mag-ingay sa sobrang iyak. Alam kong naririnig niya na ang pag-sinok ko pero mataman lang siyang nakatingin sa'kin then he just flashed a half smile.Hindi ko alam kung maiinsulto ako dahil nginitian niya 'ko, habang umiiyak ako ng bongga sa harap niya. Pero bigla siyang lumapit sa'kin at swear to patrons and saint, 2 seconds yata akong hindi nakahinga, natigilan ako sa pag-iyak, nagpanic kasi yung sistema ko, ewan ko ba kung bakit. Nilapitan niya 'ko at pinat niya 'yong ulo ko, and right after that small gesture, parang naging signal ko 'yun para mapahagulgol na talaga. Ewan ko ba, ang weird ko ng araw na 'yun. Ang OA ng reaksyon ko nung nakita ko siya. I felt like he was sent from above. Anghel na handang tulungan ako. Ang ironic man na para siyang si kamatayan o kupido pero para sa akin sa mga oras na 'yun ay isa siyang anghel na nagpagaan ng loob ko, ang bigat bigat na kasi ng loob ko these past few months, pero 'eto na siya, tingin ko magiging okay na lahat dahil nandyan na siya. Nandito na sa tabi ko si MOS. Hindi ko alam pero natutuwa akong makita siya kahit na ang cold pa rin ng aura niya, okay lang sa'kin, ang mahalaga magiging maayos na ang lahat.PS. Kailangan kong i-chop ang story dahil ang next stories ay medyo weird na at mahaba so bear with me, if you were not familiar with my story, makikita mo yung ibang part sa mga best stories ng page na ito. Thanks readers. (it's been a while guys, I missed this page)

Scary Stories (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon