Delivery Man (Parts 1 & 2)

43 0 0
                                    


Part 1

Hi admin, this happened earlier. I hope ma post po ito. I am from Bacolod City and this is for everybody na mahilig mag online shopping. Nangyari ito kanina lng. So nag order ako sa isang online shopping app noong April 28 at nakatakda siyang ideliver ngayon (May 6). Kaninang umaga nag txt na yung delivery express na idedeliver nla yung package ngayong araw. So Thursday ngayon at yung kasama ko lng sa bahay ay ang nakatatanda kong kapatid dahil sina mama at papa ay nagtatrabaho. Around 4pm nang mag text si lola na may niluto siyang ulam at kukunin daw namin iyon para dagdag na rin sa hapunan namin mamaya. Nag desisyon akong mag paiwan sa bahay dahil may hinihintay nga akong package na idedeliver ngayon. Kaya yung kapatid ko nalang ang umalis.Hindi pa rin tumatawag yung delivery rider kaya humiga muna ako dahil inaantok nako. Maya-maya pa ay tumunog yung cellphone ko. Alam kong ang delivery rider na yung tumatawag dahil number lng ang nakalagay at walang pangalan. Sinagot ko iyon at ito ang aming naging pag-uusap:Rider: "Hello po sir, andito na po ako sa address na binigay niyo. Kanina pa po ako tumatawag pero parang walang tao yung bahay."Ako: "Sandali lng po kuya. Lalabas lng po ako." Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Binuksan ko ang gate ng bahay ngunit wala akong nakitang tao. Ako: "Kuya, wla naman pong tao sa tapat ng bahay namin. Sigurado po ba kayong tama ang address na napuntahan niyo?"Rider: "Opo sir. Kulay Red po yung gate. Yung bahay kulay puti at parang may blue na kurtina akong nakikita sa bintana."Nagulat ako dahil tama ang lahat ng sinabi ni kuya. Tiningnan ko pa nga yung bintana namin at naka bukas ito. Makikita rito ang kulay asul naming kurtina. Ako: "Kuya baka pinaprank nyo lng po ako ha. Labas na po kayo kuya, kung saan man ho kayo nagtatago."Ganito yung sinabi ko pero nakakaramdam na rin ako nang takot sa mga oras na iyon sapagkat habang kinakausap ko siya sa telepono, napapansin ko na tila ang tahimik ng paligid. Parang animo'y walang tao sa lugar at parang walang tao yung mga kalapit naming bahay. Rider: "Sir hindi ko po kayo niloloko. Andito po talaga ako sa harap ng bahay niyo. Kng wala pong tao rito sir pwede ko nlg po balikan bukas. Madami pa akong dapat ideliver at medyo pa dilim na rin."Ako: "Okay kuya, balik nalang po kayo bukas. Tawag lng po ulit kayo. Salamat po."Sumang-ayon na lng ako kay kuya dahil naiintindihan ko rin naman na marami pa siyang kailangang ihatid na mga orders. Binaba ko na yung telepono at pumasok sa loob ng bahay. Nagtataka pa rin ako kng papaano nangyari iyon. Hanggang sa may narinig akong malakas na katok sa pintuan. Nagising ako sa lakas ng katok. Ang kapatid ko pala yung kumakatok sa kwarto dahil naka tulog ako. Pag tingin ko sa orasan, 6:20pm na. Kinuha ko agad yung cellphone ko at wala naman akong nakitang notification na merong missed call. Nagpasalamat ako dahil panaginip lng pala iyon. Pero nagtataka pa rin ako dahil ngayon dapat idedeliver yung package. Pumunta ako sa recent calls ng cellphone ko at nagulat ako sa aking nakita.5:36pm ay may number na tumawag sa akin. Ang number na iyon ay kapareho sa panaginip ko. Tiningnan ko ang duration ng call. 3min and 8sec ito nag tagal. Doon ako kinilabutan dahil tulog ako nung mga oras na iyon at wala talaga akong sinagot na tawag at kinausap na tao.Kung babalik man dito yung rider bukas, siguro totoo ngang nagkausap kmi. Pero hindi ko lang alam kung paano.

PS. Indi mn gd sya haladlukan but still, this made me think kung paano ni natabo and it took place where? Still, I can't find the anwers.

Part 2

Good day, admin. Thank you po sa pag post ng story ko. Here's the continuation and I hope may mahanap akong sagot sa comment section hehe.


So kinagabihan, matapos yung nangyari, naka tanggap ako ng txt mula sa delivery express na they will attempt again tomorrow to deliver my package. Kaya grabe yung kaba ko dahil nangyari talaga yung pag uusap namin ni kuyang delivery rider. Hindi pa rin ako maka paniwala sa mga nangyayari. Kinuwento ko ito sa aking kapatid at sabi niya, baka daw lumabas yung kaluluwa ko tsaka yun yung kumausap sa rider. Halos buong gabi akong nakatulala sa kakaisip. Kaninang umaga, maaga akong nagising dahil hindi ako maka tulog nang maayos. Around 8am may tumawag sa cellphone ko. This time, ibang number na siya. Kaya na isip ko na baka ibang delivery man na yung maghahatid nang package. Sinagot ko iyon at ito ang sinabi niya.Rider: "Hello po sir, malapit na ako sa address niyo, paki handa na lng po ng pera. Tatawag ulit ako kapag nandiyan na ko."Ako: "Okay po kuya. Thank you."Doon ko na kumpirma na ibang tao talaga yung mag dedeliver ngayon dahil iba yung boses ni kuyang rider. At dumating na nga yung oras na pinakahinihintay ko. Nasa labas ako ng bahay nakaabang dahil hindi ako mapakali. Medyo malayo pa lng yung motor ay alam kong patungo ito sa bahay namin dala-dala yung package. Hindi na ulit tumawag si kuya dahil ako na mismo ang pumara upang malaman niyang ako yung pagdadalhan niya ng package. Huminto yung motor niya sa harapan ko sabay tanong kng ako dw ba si "PeeJay", sabi ko Oo. Inabot niya ang package sabay sabi ng,Rider: "Pasensiya ka na sir, hindi ko na deliver yung package kahapon. Malayo kasi yung rota ko kahapon sa lugar niyo, kaya nagpasya akong bukas ko na lng ihahatid."Di ako makapagsalita dahil naguguluhan ako. Kaya tinanong ko si kuyang rider.Ako: "Kuya, hindi ba kayo yung nag deliver ng package ko kahapon dito sa bahay? Sabi niyo pa nga, walang tao rito."Rider: "Anong ibig mong sabihin? Kahapon nandun ako sa Brgy. Estefania nag dedeliver. Dala-dala ko yung package mo. Hindi na nga ako nakapunta rito dahil ang layo, kaya ngayon ko nlg dineliver." (Nasa Deca Homes kasi kmi, Brgy. Cabug)Ako: "Ahh ganun po ba. S-sige. S-salamat po. Eto po pala yung bayad"Pagkatapos bilangin yung pera ay agad na umalis si kuyang rider at agad naman akong pumasok sa bahay. Kumpleto at tama naman yung na receive kong order. Pero isang bagay yung pumasok sa isip ko at gusto kong gawin. Nagpasya akong magpa load sa tindahan para matawagan yung number na nasa recent call log ko. Ngunit sa isang di malamang dahilan, pag open ko ng recent calls, hindi ko na mahanap yung number. Nagtataka ako kung saan napunta yun. Sinubukan kong alalahanin pero hindi ko maalala. Tanging "+639" lng yung naaalala ko. Kahit yung kapatid ko nagtataka rin. Dahil pinakita ko pa nga sa kanya yung number. Imposible namang mawawala rito eh hindi ko naman dinelete yun. Pero kahit yung kapatid ko, hindi rin matandaan yung number. Yung pakiramdam na parang panaginip siya pero paggising mo, hindi mo na agad maalala. Parang ganun yung pakiramdam. Sana sinulat ko man lang para meron akong kopya.Siguro iniisip niyong nababaliw lng ako. Pero alam ko sa sarili kong nangyari yung mga nangyari dahil ramdam ko at alam kong totoo yun. Ngunit hindi ko lamang maipaliwanag. Isang tanong lng talaga ang gusto kong masagot, sino yung delivery man na unang tumawag sakin? Kung sino man siya, at kung nasaan man siya ngayon, sana dumating yung araw na mabibigyang linaw itong mga nangyayari.Dagdag na naman yung karanasang ito sa mga bagay na hindi ko maipaliwanag ngunit nangyayari. Marami pa po akong ibang karanasan na hindi maipaliwanag. Sisikapin ko pong ishare if I have time. Thanks a lot.-PeeJay

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now