Kwarto

57 3 0
                                    


Kumusta po kayong lahat? Ako si Higurashi Kira, muling susulat. Na-miss kong magbahagi dito ng mga karanasang hango sa tunay na buhay, marahil hindi n'yo na ako natatandaan pero isa akong active sender dati noong kasagsagan ng lockdown (2020) pero natigil dahil sa dami ng nangyari. Anyway, simulan na natin.

Hindi ko na lang babanggitin ang eksaktong taon, at lugar ng pinangyarihan dahil medyo sensitibo at isa ito sa mga hinding-hindi ko malilimutang karanasan kahit hanggang hukay.

Kauuwi lang ng ate ko dito sa probinsya namin, nagmula sila sa Maynila, kasama n'ya ang kaniyang dalawang taong gulang na anak, si Hana. Nangupahan sila noon ng bahay dahil masiyado nang masikip sa bahay namin. Ako naman, nagpresinta na sasamahan ko sila ate sa 

bago nilang lilipatan para may kahalili sya'ng mag-aalaga sa pamangkin ko.

Unang araw namin sa bahay na 'yon, ramdam kong mabigat ang paligid. Ayon na rin daw kasi sa may-ari na si ate Carol, dalawang taon nang walang nakatira sa bahay na 'yon, kaya pinaupahan lang din sa mababang halaga. Marumi 'yong bahay, maalikabok dahil nga matagal na walang nangalaga. Malagkit na rin ang sahig at tila nilamon na ng mga anay ang ilang kahoy na kagamitan. Maghapon kaming naglinis ni ate sa bahay na 'yon. Dalawa ang kwarto pero mahigpit na ipinagbilin ng may-ari ng bahay kay ate na 'yong kwarto sa kaliwang bahagi lang ang maaari naming gamitin, huwag daw kaming papasok sa isang kwarto sa kanang bahagi dahil tambakan iyon ng mga luma nilang gamit. Tinanong ko si ate kung bakit naman bawal pumasok bukod sa naroon ang ilan nilang gamit, naisip ko kasi na dapat malinisan rin namin iyon dahil baka may namamahay na roong ahas o baka pinamugaran na ng lamok, dapat malinis. Wala naman kaming intensyon kako na pakialaman ang gamit nila. Nagkibit-balikat lamang si ate dahil wala naman na daw iba pang sinabi iyong may-ari. Napalingon ako sa kwartong 'yon, nakasara ang pinto at kinakalawang na ang doorknob. Iyon lamang ang kwarto na may pinto, dahil yung ipinagagamit sa aming kwarto ay pawang kurtina lamang ang nagsisilbing harang. Matagal akong napatitig sa pintong 'yon, parang may kung anong nag-uudyok sa akin na pumasok.

Lumipas ang maghapon at nalinis na nga namin ang buong bahay, bandang alas-sais na 'yon ng gabi at nagpapahinga ako sa sala, nagsiselpon ako noon nang makarinig ako ng mahinang boses na nagmumula sa kusina. Pinakinggin ko 'yon ng mabuti at nakumpirma kong boses iyon ni ate, paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. "Bakit te? Kailangan mo ba ng tulong? " sagot ko dahil inexpect kong naghahanda s'ya ng hapunan, pero imbes na sagutin ako pabalik, patuloy lang s'ya sa pagtawag ng aking pangalan. Mahinang-mahina ang boses n'ya na tila nag-eecho pa, pero rinig kong ako talaga ang tinatawag n'ya. Umawang ang bibig ko para sana muling sumagot, pero laking gulat ko nang lumabas si ate sa pinto ng aming kwarto. "Tinatawag mo ba ako? Anong gusto n'yong hapunan? Bili na lang muna tayo ng lutong ulam sa labas" wika ni ate at dumiretso sa mesa na nasa tabi ko lang 'din sabay inom ng tubig. Natigilan ako at ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Kung nasa kwarto si ate, ibig sabihin hindi s'ya ang tumatawag sa akin mula sa kusina.

Nang sumunod na gabi, ginising ako ng mga kaluskos na nagmumula sa kabilang kwarto. Tiningnan ko si ate, mahimbing ang kanyang tulog, nakanganga pa. Tulog na tulog na rin si Hana.

Umupo ako at pinakinggan ang mga kaluskos, noong una inakala kong mga daga lang 'yon na malayang naghahabulan sa loob ng silid, pero nakarinig ako ng langitngit ng katre. Yon bang parang may bumangon mula sa pagkakahiga kaya umiingit iyong papag na yari sa kahoy. Rinig ko ang mga 'yon dahil plywood lang naman ang nagsisilbing dibisyon ng dalawang kwarto. Sumunod kong narinig ay ang pagpagaspas ng tila isang tela, parang may nagpapagpag noon tapos mas lumakas at naging sunod-sunod 'yong tunog ng papag. Parang may kung sinong nakahiga doon na nagpupumiglas at maya-maya pa'y may biglang umungol. Pag-ungol ng isang babae na tila ba may nakabusal sa bibig nito. Dali-dali kong ginising si ate pero tulog-mantika ito. Nagising s'ya saglit at nagalit s'ya sa akin, bakit raw ako nang-iistorbo, at saka muling pumikit at bumalik sa pagtulog.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now