My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 6-10)

77 3 0
                                    

My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 6-10)

Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 6)

Dahil inuna ko yung Balo, ito na yung kadugsong nung kay Alice at Sir Mike pati na rin yung nangyari kay Erica.

Makalipas ang ilang araw matapos ang birthday ni Sir Mike ay hindi na ulit namin siya nakausap, pero si Erica, palagi naming nakikita sa campus. One time, third wheel ako ni Kristel at ng shota niya, kumakain kami sa canteen. Pumasok si Erica, nakatulala lang at parang walang pakialam sa mundo. Kahit kami na usually ay nginingitian niya tuwing nakakasalubong ay parang hangin na dinaanan lang.

"Anong nangyari kay Erica?" tanong ko.

"May nakapatong na maitim na anino sa likuran niya." biglang sabi ni Kristel. Wala naman akong nakikitang sinasabi niya.

"Ano?"

"Si Alice 'yun, hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakaali, mukhang hindi sinunod ni Sir Mike yung sinabi ko," sabi ni Kristel.

ACP ang strand ng shota ni Kristel kaya nauna na itong umalis para pumunta sa landscaping ng school. Kami naman naiwan sa canteen habang pinagmamasdan si Erica. Lumapit kami sa kanya para kamustahin siya pero hindi niya kami sinagot, nung hinawakan siya sa balikat ni Kristel eh napaiktad ito sa gulat. Paiwas-iwas din ang mga mata nya na lubog na parang puyat. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero mukha siyang nababalisa.

"Erica? Ayos ka lang ba?"

"H-ha oo, sige alis na ko," ang sagot nya lang sabay patakbong umalis.

Nabundol pa nito ang nakasalubong niya sa pagmamadali, hinabol sya ni Kristel kaya sumunod ako. Nakita ko sila sa hallway papuntang cr. Hindi ako pwede pumasok sa pang-female kaya naghintay lang ako sa labas. Maya-maya may narinig akong umiiyak, si Erica. Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa lumabas si Kristel kasunod si Erica.

"U-uuwi na muna ako," sabi ni Erica saka tuluyang umalis.

Tinanong ko si Kristel kung anong nangyari, bumalik kami sa canteen at doon nya nakwento sakin yung nangyari. Pagkahabol nya raw kay Erica eh natagpuan nya ito sa cr na umiiyak kaya kinausap niya. Ang sabi daw ni Erica eh mula nung birthday ni Sir Mike ay hindi na sya nakakatulog nang maayos. Palaging para daw may mabigat na nakadagan sa kanya kaya nahihirapan syang huminga, kapag natutulog naman daw siya eh bumibigat ang paghinga nya hanggang sa hindi na siya makagalaw, kapag minumulat nya raw ang mga mata nya eh may nakikita syang babae na palakad lakad sa paligid nya. Ang pinakamalala raw eh, parang sinaksak daw nung babae ang tiyan ni Erica.

Tinanong daw siya ni Kristel kung bakit naman sya sasaksakin nung babae sa tiyan? Doon na raw umamin si Erica na buntis siya at si Sir Mike ang ama. Si Kristel palang daw ang pinagsabihan niya na buntis siya, hindi ko alam pero nakikita ko sa kanya yung kwento ni Alice. Hindi pa rin daw alam ni Sir Mike na buntis si Erica kaya wala rin itong alam sa nangyayari sa kanya, kaya pala mukhang hirap na hirap na si Erica.

"Sundan natin si Erica, masama ang kutob ko." sabi ni Kristel na agad ko namang sinunod. Mabilis kaming tumakbo palabas ng school, sinigawan pa kami ng guard pero hindi na namin pinansin. Buhay ang nakataya rito kaya kailangan namin habulin si Erica. Nang makalabas kami ng school zone at makarating sa high way, agad naming nakita si Erica na nakatayo malapit sa kalsada, gumagalaw ang balikat niya sa pag-iyak.

"Si Alice," sabi ni Kristel. Ako na hindi nakakakita parang timang na naghanap ng Alice pero wala naman akong nakita.

"Nasa likod siya ni Erica!" sigaw sakin ni Kristel. Dahil malayo si Erica eh kailangan pa namin tumakbo. Nang makita namin ang truck na masasagasaan si Erica ay halos mapaos kami ni Kristel kakasigaw, yung mga tao sa paligid, nagsigawan na rin, nakailang busina ang truck hanggang sa biglang paatras na natumba si Erica sa gilid ng kalsada.

Scary Stories (Unedited)Onde histórias criam vida. Descubra agora