NBI Classified Files: Baryo (Parts 5-9)

62 6 0
                                    



Part 5

Hi guys! Welcome back to my channel. Hahahaha! Hi sayo Babaeng master. Mag basa ka naman na.

Simulan na natin ang kwento.Mike's POV:Mga ilang araw pa din ang lumipas at napag desisyunan ng aking grupo na dito muna sa baryo ni Amba Ramon mag palipas ng ilan pang linggo, upang makapag pahinga malayo sa syudad. Napaka aliwalas na ng lugar na yun, muling nanumbalik ang sigla ng baryo. Masaya kaming lahat sa nangyaring pag kawala ng demonyong gumagambala sa lugar na yun. Ang sayang panoorin ng mga kabataang walang sawang nag lalaro at walang iniisip na mga problema, mga inosenteng bata na wala pang bahid ng kung ano mang kasamaan sa mundo. "Ang sarap bumalik sa pag ka-bata mate no? Walang problema, walang isipin kung mabubuhay ka pa ba kinabukasan, kung may umaga ka pa bang kakamulatan galing sa pag tulog mo." wika sakin ni Dann. "ano ba naman yang mga sinasabi mo mate. Parang mamamatay ka nyan sa mga sinasabi mo eh" tugon ko sa kanya. "hahaha! Di naman mate! Ano ka ba? Di kita maiiwan, edi walang sumalo sa mga katigasan ng ulo mo. Ako lang nakakapag patino sa baluktot mong ugali Mike. Haha!" pabirong wika ni Dann. "Gago! Ikaw ang kailangan kong alagaan dahil para kang babae kumilos. Napaka burara mo pa sa mga gamit mo. Haha!" ganti ko ng pang aasar sa aking matalik na kaibigan. Puro tawanan at balot ng kasiyahan ang buong paligid. Ang iba naming kagrupo naki sali na din sa mga nag lalarong mga kabataan, animoy nag balik lahat sa pag kabata."nakakatuwang bumalik ang sigla ng baryong ito, halina kayo masasayang tong binili kong serbesa sa kabayanan kung ako lang uubos nito. Malayo layo din ang nilakad namin para lang maka bili ng ganitong inumin." wika samin ni Amba Ramon dala dala nito at ng iba pang kalalakihan ang kahon kahon na beer. "munting pasasalamat namin sa inyo mga bisita namin. Nag handa na rin kami ng mga pupulutanin nating lahat." wika pa ng isang lalake. Halos mag sisigaw naman sa tuwa ang karamihan sa aming mga kagrupo. "Sir Mike, paburito nyo ni Sir Dann to ah pulang kabayo." wika ng isa sa kagrupo namin. "Mukhang mapapalaban tayo ulit! Hindi sa aswang kundi sa alak. Haha!" dagdag pa ng isa naming kagrupo. Nag tawanan naman ang lahat at nag simula na rin kaming tumulong sa pag aayos ng isang mahabang lamesa sa gitna ng daan, nag datingan na rin ang mga kalalakihan ng munting baryo na may dala dalang ibat ibang uri ng pulutan. Nalaman din namin na nag benta pala sina Amba Ramon ng mga pananim nila sa kabayanan upang mapag handaan ang pag papasalamat samin, na lubos naman naminf ikinatuwa dahil sa mainit na pag papasalamat ng mga taga baryo saming nagawa sa kanila."Iho! Mike! Sumama ka muna sakin saglit." wika ni Amba Ramon sakin na agad ko namang sinunod. "Amba Ramon, bakit ho?" wika ko sa matanda. "Mahina ang Gabay mo ngayon, dahil siguro sa pakikipag laban nito sa demonyo. Hayaan mong alayan ko sya ng dasal upang manumbalik kahit papano ang kanyang lakas, hindi man ito magagamot ng mabilis ang mga natamo nitong sugat mula sa laban ay kahit papano ay mag kaka sigla muli ang Habas." sagot nito sakin. At sinimulan na nya ang isang sagradong orasyon. Matapos ang ginawa naming mga dasal ay bumalik na kami sa mga nasa lamesa upang makipag siyahan. Natapos ang inuman at maraming nalasing, nasundo ng mga asawa, at natulog na mismo sa lamesa. Ako naman ay pumanhik na sa kwartong tinutuluyan namin sa bahay ni Amba Ramon.Kina umagahan ay nagising ako sa mga hagulgol at sigawan ng hinagpis na nag mumula sa labas ng bahay. Agad akong napa bangon at sa pag baba ko sa hagdan ay sinalubong ako ni Amba Ramon, "iho, wag ka munang lumabas. Baka mabigla ka sa makikita mo." pag pigil sakin ng matanda. Pero masama ang aking kutob sa mga nangyayari, kaya pinilit kong maka labas ng bahay upang tingnan ang kaguluhan sa labas.Sa aking pag labas sa pintuan, sa di kalayuan sa bahay ay tanaw ko ang kumpulan ng mga taga baryo, nakikita kong may mga nag lulupasay na sa pag iyak. Agad kong tinakbo ang kumpulan ng mga tao, at nakita ko ang pinaka masaklap na pangyayari sa buhay ko. Ang aking mga kagrupo sa ahensya at ilang mga kalalakihan sa baryo ay mga nakahandusay na sa lupa, nakahiga sa ibabaw ng lamesa at sa iba pang parte ng lugar na pinag inuman namin. Mga walang buhay, lahat ng kagrupo ko ay wala na. Pero hindi ko pa din makita si Dann, "Amba Ramon si Dann? Asan po si Dann?" tanong ko sa matanda habang pinipigilan ko pa ang aking emosyon. "Iho, si Dann nasa likod ng Baryo. Pero wag kang mabibigla iho, wala na ang kaibigan mo." wika ni Amba Ramon na tila tumutulo na ang luha. Agad kong tinakbo ang likod ng baryo kung saan ko inabutan ang ilang mga kalalakihan na naibababa na ang katawan ni Dann mula sa pag kakabigti sa Puno. Dito na sumabog ang emosyon ko. Galit! Lungkot! Hinagpis! Panlulumo! Halo halong emosyon ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Ang kaibigan kong si Dann, ang kawawang si Dann. Halos para na akong mababaliw sa mga nakikita ko. Dito na umagos ang luha ko. "Amba Ramon, ano pong nangyari?"tanong ko habang tangan ko ang aking kaibigang walang buhay. "Ang mga nilalang ng kaliwa, ginantihan ang mga kagrupo mo. Tinapat nila sa panahon at pag kakataon na wala tayong pag hahanda sa pag atake nila. Wala tayong ka alam alam sa nangyari, hindi sila lumaban ng patas Dann." sagot sakin ng matanda."Amba Ramon, bumaba po kayo ng kabayanan at tawagan nyo po ang mga numerong ito. Sabihin nyo po na wala pong naka ligtas sa pag atake, palabasin nyo pong mga rebeldeng grupo ang may kagagawan ng lahat. Uulitin ko po walang natira sa grupo ko pati na ako."

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now