Babaeng nakabelo (Parts 1-3)

105 5 0
                                    

Babaeng nakabelo (Parts 1-3)

Part 1

Thank you admin sa pag post ninyo ng story ko na may title na "ang lalaki sa bato". Tulad ng nabanggit ko sa huling parte ng kwento ko na may ikukuwento pa ako.

Eto ang kwento kung saan nagsimula ang lahat ng pagkakakita ko ng hindi pang ordinaryong kaganapan. Ito'y nangyari noong taong 2003 bata pa ako nun ngunit tandang tanda ko lahat ng naganap. Nasa bandang alas sais ata ng hapon yun (di ako sure sa exact time basta tanda ko nag aagaw na ang araw at gabi nun) pinatay ko ang ilaw ng kusina namin dahil wala namang gumagamit doon sapagkat ako lang mag isa ang naroroon sa bahay ng mga oras na yun. Lumabas ako sa pinto ng kusina namin at umupo sa may gilid ng poste kung saan may kaharap akong malaking aquarium. Wala pang minuto ang nag daan narinig ko ang pag click ng switch ng ilaw sa may kusina. Chineck ko kung talaga bang sa switch nanggaling iyon, at di ako nagkamali sa switch nga sa pagkat nakabukas na ang ilaw. Nagtataka man ako pinatay ko nalang ang ilaw at lumabas ulit at umupo. Sa ilang segundo ang nagdaan narinig ko na naman ang pag click ng switch Na sobra na akong naiirita akala ko pinaglalaruan lang ako ng kapatid ko. Pumasok ulit ako at nagbabanta na sa susunod na iturn on ulit ang switch papaluin ko na siya. Wla naman akong narinig na sumagot kaya lumabas na ulit ako. Habang naaaliw ako sa panonood ng paglangoy ng mga isda sa aquarium nakita ko sa reflection ng aquarium ang pagpasok ng aking lola sa bahay mukhang galing itong palengke pagkat may mga bitbit pa itong mga gulay. (Fyi yung main door namin at backdoor parehong naka face sa silingan kaya naman makikita mo mula sa labas ang reflection nito sa aquarium ang main door namin) nang tuluyan makapasok lola ko sa loob ng bahay nagtataka ako dahil parang naaaninag ko mula sa aquarium ang isang reflection ng tao na nakaupo sa sala namin. At batay sa itsura niya naka belo ito hanggang sahig ang haba at mukhang nakatingin banda sa aquarium. Agad kong nilingon ang main door namin upang iverify ang nakita ko kasi baka kung anong reflection lang naman ba ang nabuo sa aquarium dahil di naman ganun kalinaw ang tubig nun. Pero Poootek! Di ako nga ako nagkamali sa nakita ko, may nakaupo nga sa sofa namin. Base sa suot nito isa itong babae dahil sa haba ng belo at damit na parang gown yung gaya ng mga sinusuot sa panahon nina rizal mga ganun pero yung sa kaniya kulay dark gray lahat pati na ang belo. Yung mukha niya naman parang isang bangkay na nakikita natin sa internet na may ilang daang taon na namatay. Ngunit may eyeballs siya pero yung eyeballs nya parang yung iris lang ang makikita mo. Sa laking gulat ko sigaw ako ng sigaw naalala ko nasa loob lola ko kaya naman pumasok ako sa backdoor namin. Nakita ko ang lola ko na natutulala na parang may nakitang hindi rin pangkaraniwan kasi sa sofa rin ito nakatitig. Hindi ko na nilingon ang sofa namin at hinila na palabas ng bahay namin si lola, at that time pareho na kaming sigaw ng sigaw. Kaya naman nagsidatingan mga kapitbahay namin. Ewan ko ba halos wala ako masabi sa sobrang nyerbyos ko, si lola naman nagkanda bulol sa pagkuwento sa kanila. Kinabukasan agad na pinag bendisyonan bahay namin although nabendisyonan naman yun before. Sanhi sa sobrang nyerbyos ko nagkaroon Ako ng sakit. Nasa hospital ako noon ng dumating ang isang napakasamang balita. Ang lola ko wala na daw. Biglaan lang nangyari yun kaya naman sobra akong nadurog ng mga panahong iyon. Naalala ko ang babaeng nakabelo. Mukhang siya ang sundo ng lola ko. Nakumpirma ko iyon sa susunod kong kuwento.

Part 2

Thank you so much admin chai sa pag post ng story ko

Pano ko nakumpirma na ang babaeng naka belo ang sumundo sa lola ko? Dahil siya rin ang sumundo sa lahat ng kamag anak naming pumanaw na (its either sa side ng mama ko o sa papa ko). Simula ng pangyayari iyon, madalas ko na siyang nakikita. Nagpapahiwatig na may lilisan na naman akong kamag anak. Kaya naman kinuwento ko to sa mga kamag anak namin (more on sa side ng papa ko, marami kasi sila kung saan kami nakatira). Siguro minsan kahit malinis pa ang ating hangarin sa pagbibigay babala eh hindi ito mauunawaan, lalo na sa mga taong di naniniwala sa kababalaghan. Masakit isipin iyon, pero ang katotohanan eh nakikita ko talaga siya. Ang panghahamak sa pagkatao ko ay hindi madaling ipang walang bahala. Madalas nasasabihan akong baliw ng mismo kong mga kamag anak. Kaya naman mula noon pinagbawalan na ako ng aking ama na ipag sabi pa sa kahit sinong kamag anak o kaibigan ko ang nakikita ko sa pagkat hindi lamang nila ito maintindihan. Ngunit may isang pangyayaring pinagsisihan ko ng husto hanggang ngayon kung bakit hindi ko ito nasabi lalo na sa aking ama...

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now