My Adopted Daughter (Parts 1-3, Cora)

68 4 0
                                    


Part 1

Hello, Spookify. I hope maipost itong confession ko. Anyway, I'm Clara, 27 Years Old at meron akong isang anak. She is my adopted daughter. I was 20 Years Old noong binigay siya sakin. Hindi naman iba sakin ang totoo niyang ina, she is my friend, a highschool friend. Yung buhay ng totoong nanay ng anak ko, parang pelikula lang. Typical story na halos walang kaibahan sa kwento ng iba. Umibig, binigay lahat, hanggang sa mabuntis ng kanyang boyfriend. But it end up na halos isumpa at hindi matanggap ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya. Nag-aaral pa ako nung mga panahong tinanggap ko si Celes (hindi tunay na pangalan ng anak ko), pero hindi sa pagmamayabang may kaya naman ang pamilya ko kaya suportadong tinanggap rin ng mga magulang ko ang bata. My little Celes is legally mine, as in lahat ng papeles na nandon ang pangalan niya ay ako ang legal niyang ina. Habang lumalaki si Celes, mas lalo ko siyang minamahal. Mas lalo akong nagkakaroon ng drive sa buhay para maging successful kasama siya. Mas lalo kong pinagdoble yung craving ko sa mas masaganang buhay para sa kanya.

Until her 5th birthday happened, everything was perfect and lahat talaga masaya. Ginanap namin ang birthday celebration niya sa Cebu, kung saan doon nakabili ang parents ko ng isang private property. That feeling na sobrang saya ko para sa kanya kahit na hindi naman talaga ako ang totoo niyang ina. After the celebration we decided na iextend pa ang pagstay namin since holiday rin naman. Gabi na at tapos na kami magdinner nung time na yon, buong family ko nasa sala. Ako naman ilang minuto lang ako naging busy sa phone ko about sa work. Hindi ko na napansin na wala pala ang anak ko, hanggang sa biglang nagtanong yung kuya ko kung nasan daw si Celes. Ito na yung time na sobra akong na-alarma, lahat kami naghahahanap sa kanya na imposibleng makalabas kasi sarado naman yung mga pinto. Nahalughog na namin yung buong bahay pero hindi namin nakita ang anak ko. My Dad was panicking na rin that time, then lahat kami napatigil nang makita namin na nakaupo si Celes sa bench na nasa tapat ng bahay namin. Mag-isa lang siya habang hawak niya yung color pencil niya, tumatawa siya tapos nakatingin siya sa left side niya na parang may kinakausap. Nilapitan ko siya agad at niyaya ko siyang pumasok na. Tinatanong ko pa siya kung paano siya nakalabas at sino ang nagpalabas sa kanya. Sabi niya may babae raw na niyaya siyang umupo at nakipag usap daw sa kanya. Pero wala naman kaming nakita na babae nung gabing yon. Matalinong bata ang anak ko, alam kong minana niya yon sa totoo niyang ina. Kaya kampante ako na hindi siya nagsisinungaling.Habang tumatagal napapansin ko ang pagiiba ng kilos niya. Madalas ko siyang nakikita na nagsasalita na mag-isa. Minsan naman naririnig ko siyang tumatawa kapag tatanongin ko siya kung bakit, sasabihin lang niya na "Wala po." Tapos parang babalingan niya yung mga laruan niya at magpapatuloy sa paglalaro. Hindi ko rin maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. There was a time naman na bigla niya akong ginigising while telling me na natatakot daw siya kasi may gusto raw kumuha sa kanya. Inisip ko na baka normal na panaginip lang yon ng mga bata. Or effect ng mga pananakot ng mga matatanda sa kanila. Pero, hindi iyon ang naging huli. Nasundan pa ang mga kung ano-anong bagay na nangyayari kay Celes.Maghapon akong nasa kwarto that time since I'm working from home, normal na sakin na hindi ako nagpapaistorbo habang nagtatrabaho. Lumalabas lang ako kapag gusto kong icheck ang anak ko. Nagulat na lang ako na habang babad ako sa trabaho pumasok bigla si Celes habang umiiyak, imbis na sakin siya dumiretso, sa kama siya pumunta at doon umupo habang umiiyak. Ako naman, nagtaka ako bigla. Kasi madalas lang naman niyang kadikit yung kapatid kong babae na 20 yrs old. Iyak siya nang iyak, tapos tinanong ko siya kung bakit anong nangyari ganito ganyan. Yung iyak niya parang hinahabol niya yung paghinga niya. Then sabi niya "Tita Au hurt me!" In-amo amo ko pa siya na tahan na lagot sakin si Tita niya. Lumabas ako ng kwarto, pababa pa lang ako ng hagdan napatigil na ako. Kasi naririnig ko yung boses ni Celes at ni Au, nagtatawanan sila. Naririnig ko pa yung mga tili ng anak ko. Bigla akong nanglamig at kinilabutan, sa takot ko dumiretso ako sa baba para maconfirm kung sila nga yon. Nakita ko sila na naghaharutan sa sala. Wala akong ibang pinagsabihan tungkol don bukod sa bestfriend ko. Sabi niya na bata pa raw si Celes, posible daw na may kakaiba talagang nangyayari sa kanya. Sabi ko naman imposible dahil binyag naman siya and lagi ko siyang dinadala noon sa simbahan. Lagi ko rin siya sinasamahan na magdasal. Simula non hindi ko na maalis-alis ang atensyon ko sa kanya. Everytime na she's not with me, palagi akong nag-aalala. Para bang meron sa loob ko na hindi mapakali kapag wala sa paningin ko ang anak ko. Marami pa akong napapansin sa kanya kahit yung kapatid kong babae madalas na rin magtaka sa batang ito.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now