Hospital sa Bicol (Parts 1-3)

174 6 0
                                    

Hospital sa Bicol (Parts 1-3)

Hi admin chai lagi ako nagbabasa dito sainyong page hehehe firstime ko po mag bahagi ng kwento dito.

Hi share ko lang to na experience ko sa hospital namin isa ako NA Or nursing attendant sa isang hospital dito samin diko na imention name na hospital so yun nga nag duty ako hospital non 3-11 pm kami non may nakasama din ako mg duty non papangalan ko nalang na mae at yung isa Nurse na kasama namin sya yung supirvisor namin so tatlo kami nag duty non habang nag duty kami wala naman dumating na admission or what na nag toxic patients namin btw sa pedia pala ako naassign so bandang 7 pm na may nag arrest na baby BFC Yung case nya na hindi tumitigil sa kaka convulsion nya so nag toxic na yang baby mga 2 or 3 years old yung baby na yun tapos tinawag ako ni maam namin yung head nurse namin na maghing ng epinephrine non kasi wala na malay yung baby at yung doctor namin pumunta agad samin ward para tingnan kung naghihinga pa so sabi ng doctor namin medyo naghihinga so gawin dapat Et tube yung bata para makatulong sa paghinga nya kaso lang kulang gamit sa lugar namin kasi maliit lang yung lugar namin kulang sa mga gamit so yung nanay bumili ng gamit para don sa Pag et tube ng baby nya kaso pagdating nya pinapump ng doctor namin yung baby nya kasi medyo matagal nakabalik yung nanay kung tatanungin nyo asan tatay nong bata wala na po iniwan daw sila so yung tumakbo ako hanggang er na medyo malayo kasi nasa 3rd floor kmi non bagong hospital kami yung er don pa sa lumang hospital so ako tumakbo kahit may sakit ako simula nong bata so pag dating ko namatay na yung baby ang masakt pa sinisi pa yung nanay sa pagkawala dahil daw mas mabuti pa inuwi daw nya yung baby nya keysa hospital so ito na tayo kami nalang ni maam yung head nurse namin natira sa nursing desk kasi si mae lumabas bumili ulam di ako sumama kasi may baon na ako non nasa terrace ako non nog tinawag ako ni maam sabi nya;
Maam ; Pau lika dito ( visaya to na may pagkabicolano halo kasi lenggawahe namin sa lugar namin tinagalog ko lang para maintindihan)
Ako;bakit mam?
M; Dyan ka sa pader na yan pakinggan mo lang ha
Ako; bakit pp-o (yan sabi ko na medyo nagulat ako at umalis at tumakbo don)
Kasi may umiiyak na babae oo babae lakas ng iyak natakot kami ni maam pero si maam nag stay don pero sabi sya ng sabi na in jesus name yung pader kasi yun kwarto yun ng Newborn hearing test sa pagkakaalam namin wala na tao non kasi 8-5 pm lang nag papa newborn hearing test don eh ako hindi ako naniniwala sa multo kasi wala pa ako experience non sa sobrang takot ko non napatakbo ako ng malayo at tinawag yung janitor para samahan kami ni maam dito kasi saamin pag may namatayan kami patients may nagpaparamdam madami may mga premature na umiiyak lalo na sa nicu (NEWBORN ICU)

Ps; sorry kung mahaba sorry kung di nyo masyado magets visaya kasi ako kahit nasa bicol lugar namin sari sari kasi lenggwahe samin
Marami pa ako kwento sa hospital namin hanggang dito nalang po salamat 🙂

Pau

-------

Hospital sa Bicol 2

Hi its me again pau sorry sa kwento ko kahapon, nagmamadali kasi ako kahapon kasi may duty ako non
Sa mga nagsabi malalagay na ako ng comma at period ito na po Hahahaha

Btw hindi ako nurse isa ako midwife pero sa pedia ako naasign.
NA ang tawag samin pag underboard kami sorry medyo nasaktan ako sa mga comment nyo kahapon hehe pero lets forget, ito na isa ko kwento sana magustuhan nyo 🙂.

__________________________

Duty ko nong time na yun pero iba na shifting ko, 11-7 na medyo takot ako magduty non kasi kahapon lang nangyare na may namatayan kami and yung may umiiyak sa Newborn hearing test non. kasama ko pa mag duty yung supervisor namin papangalan ko nalang Maam lauren,
Mga 10:45 nasa hospital na ako lagi kasi ako maaga pumupunta so yun na nga nag rounds ako ng maaga pa para matapos na ako kasi kunti lang naman patients namin non, mga 12 am nagbigay kami meds then kinausap ako ni maam.

Maam L: pau saan ka tutulog mamaya?
Ako: dito nalang mam uupo then sasandig nalang sa pader.

Pagkasabi ko non kinakabahan na ako kasi baka may magparamdaman naman baka may umiiyak naman pero nong patulog na kami wala nagparamdam hanggang nakaidlip ako, maya maya may umingay na ingay na parang may gumugulong na oxygen sa 4rth floor. Kaso yung 4rth floor na yun wala tao bakante ward yun wala tao at 3am na non nagising kami ni maam L, na nagulat pareho sabay takbo kami papunta sa lounge namin. Takot na takot kami ng time na yun dalawa lang kasi kami nag duty non ako umiyak ako sa takot, nawala na yung ingay ng oxygen na parang gumugulong yung bagong hospital kasi dito samin isa syang malaking puno na 100 years na tumanda sabi ng mga tao dito.

Ps; sana wag nyo ako husgahan i try to speak tagalog kahit mahirap dito kasi more visaya ako magsalita.
Madami pa nangyare dito sa hospital lalo na sa DR (delivery rooms) hindi lang saming ward sana magustuhan nyo na to salamat.

Pau 🙂.

-------

Hospital sa Bicol 3

Hiii its meeee pau again 11-7 kami non at kasama ko ay isa syang nurse na nakaasign sa dr, at may kasama sya na midwife non, dalawa lang kasi sila na nag duty. May napanganak sila non na baby na premature non o kulang sa buwan. At pinag admit saamin 11-7 din kasi ako nong time na yun, mga 1 am nya pinaadmit yung baby tapos nong naadmit na nagsabi sya samin (Hindi na si maam L kasama ko non). Papangalanan ko nalang sya na Ann yung nurse sa DR.

Ann: be (be kasi tawag nya sakin kasi mas bata raw ako sakanya lol)
Ako: bakit te?
Ann; lam nyo nakakatakot maassign sa DR para kasi may babae na naglalakad mga 12 am oras non.(kasi yung Dr yung lounge nila magkatapat at yung kwarto ng naglalabor na mother.)

Eh ako kinakabahan non kasi bakit 3 days na may nagpaparamdam sa hospital na to.
Ako:eh ate ann wag ka manakot kasi alam mo naman naranasan namin ni maam L kahapon.
Ann; hindi talaga seryoso kasi kita naman yung shadow ng tao sa salamin nong pintuan nong tiningnan ko wala naman tao.
Ako; baka si ate april lang yun. (Si ate april yung kasama nyang midwife)
Ann: hindi eh kasi si april sya yung nagpapaanak nong patients namin, at yung baby nya yun yung pinag admit namin dyan sainyo sa pedia.

Di ko na alam kung maniniwala ako pero kita ko sa mukha ni ate ann yung takot. At yung mas kinatatakutan ko pa yung nagpasama sakin si ate ann sa dr kasi natatakot sya magisa bumalik sa DR kaya nagmayabang ako na baka wala naman talaga, pero nawala yung yabang ko nong pagkatalikod may bumato sakin na ambobag.
Paglingon ko wala tao. Sila ate ann kasi nasa loob nong pantry nila kukuha ng pangkape, para di antukin baka may magparamdam naman daw. Tapos yun meron pa din kaya nagpatawag naman kami ng Utility na pwede wag msyado malayo samin kasi natatakot na talaga ako at si ate ann si ate april naman nanahimik lang at sinabi nya 'hayaan nyo nalang yun nakikipaglaro lang sila', Gulat kami ni ate ann kasi si ate april 25 years na sya nag work dito at may ganito talaga nangyayare sa hospital na to. Hanggang dito nalang po ulit salamat sa magbabasa.

Ps: more katakutan pa dito sa hospital na to naisip ko mag resign kaso hindi ko kaya.
Ps: next kwento ko nalang sabihin bakit di ko kaya
Ps: Hi sa mga visaya hahaha

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now