Pagkagat ng Dilim (Parts 1 & 2)

121 4 0
                                    

Pagkagat ng Dilim (Parts 1 & 2)

Part 1

Gabi-gabi akong kinakain ng isipan ko. Mga negatibong isipan na gusto ko ng tapusin ang buhay ko. Siguro, tama ang papa ko na wala akong kwenta sa mundong ito. Walang saysay ang buhay ko. Walang nakakaintindi sa sitwasyon ko. Gusto ko na sanang tapusin ang buhay ko noong nakaraang taon sa mismong kaarawan ko pero natatakot ako. Natatakot akong iwanan ang kapatid ko. Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Aaminin ko, marami akong mga kaibigan, sa harapan nila ako ay palangiti, joker at may positibong awra pero kapag kaharap lang sila. Pero kapag dumating na ang gabi, natatakot ako kasi kakainin na naman ako ng isipan ko.. Mga negatibong isipan. Umiiyak ako sa kwarto ko. Hindi ako makatulog, lutang na lutang at hindi ako mapakali. Gabi-gabi itong nangyayari sa akin.
Minsan, tinatanong ko ang Panginoon kung bakit pa nya ako binuhay sa mundong ito. Mundong mapanghusga, mundong magulo at mundong madilim. I am so pressured sa family ko. Kinukumpara nila kasi ako sa iba. Feeling ko, ang babaw ko. Feeling ko wala talaga akong silbi. Ginagawa ko naman lahat ng efforts ko pero feeling ko talaga wala silang paki. Tuwing kinukumpara nila ako sa iba, naliliitan talaga ako sa sarili ko. Ang hirap kapag walang taong handang makinig sayo. Parang pakiramdam mo ay nag-iisa ka na lang at walang kakampi. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko ng tapusin ang buhay ko pero maraming "what if" sa buhay ko.. Ang gulo... Napakagulo... Napakapowerful ng utak natin. Anytime pwede nya tayong lasunin at patayin.

December 21, 2019 @5:30 in the morning..

Kakatapos lang naming mag Simbang Gabi kasama ang mama at kapatid ko. Bumalik ako sa pagtulog at napanaginipan ko ang isang nakakatakot na nilalang. Nakapako sa krus na nakabaliktad, kulay pula ang mga balat, mabaho at may mataas na sungay... May mga boses akong naririnig. Mga boses na napakasakit sa tenga. Yung bang parang iniihaw sila na walang katapusan. Mga boses na humihingi ng saklolo. May mga nakikita akong mga tao na ginagahasa ng mga demonyo. Mga tao na minasaccre at hinihiwa at kinakain ang mga balat nila. Umiiyak ako sa panaginip ko at nilalaban ko ito dahil nakangisi siya sa akin at para niya akong sinasakal habang siya ay nakatawa sa nakabaliktad na krus. Gusto kong banggitin ang Pangalan ni Hesus. Subalit ako ay nabigo. Di ko talaga mabigkas ang Pangalan Niya.. Nauutal ako at ang mga balat ko ay unti-unti tinutusok ng mga karayom. Ang sakit at ang init ng katawan ko. Ginising ako ng kapatid ko kasi grabe daw ang ungol at pawis ko. Umiiyak ako habang nakatitig sa larawan ni Hesus sa kwarto namin. Siguro di Niya ako tinulungan sa panaginip ko kasi ang negatibo kong tao. Pati Siya ay hinusgahan ko ang kakayahan nya. Patawad Panginoon! Patawad! Minsan kasi, nawawala ang faith ko kay God even ako ay isang relihiyosang tao. Nakakalito.. Sana, mapatawad ako ng ating Panginoon.

Malapit na naman magdilim. Malapit na naman sumapit ang gabi. Natatakot na akong sumapit ang gabi.. Kakainin na naman ako ng negatibong isipan ko.

Part 2

Point of View and the Confessions

Please hide my identity kasi medyo sensitive ang topic na ito. Thank you Admin.

Si Shy po pala ulit ito....

Binasa ko po isa-isa ang mga comment nyo guys at maraming salamat dahil na uplift ako emotionally at mentally. Hindi po talaga biro ang "Depression" at "Anxiety". Totoo po yun, kung sasapit na po ang gabi lalo na kapag matutulog na ako. Natatakot po talaga ako kasi may mga boses na naman na magsasabing "magpakamatay ka na!", " Wala ka kasing kwenta", "Inutil ka kasi", " Bakit ka pa nabuhay?" At iba pa tapos hindi din ako makahinga once na matutulog na ako. Marami kasi akong problema na pinagdaanan lalo na sa loob ng tahanan, kinukumpara kasi ako ng mama at papa ko sa ibang tao kesyo mabuti pa si ganun, si ganyan.... Nakakapagod na pakinggan. Nakakababa sa pagkatao ko. Para silang sirang plaka na paulit.x na lang. Tinutulungan ko naman sila sa mga bayarin sa bahay. Nag eeffort naman ako pero feeling ko di nila nakita yun. May work ako pero di talaga sapat ang kita. Parang may kulang sa kanila parati At dumating pa sa punto na feeling ko iba na ang tingin ng mga tao sa akin. Parang wala talaga akong kwentang nilalang. Hindi naman ako yung tipo na taong maglalaslas. Umabot pa nga sa point na ginawa ko na talaga ang paglagay ng lubid sa kisame, pero natatakot ako. Natatakot ako kasi malaking kasalanan to sa Diyos. Hindi ko kayang gawin. Always naman akong nagdarasal before matulog, nakikinig ako ng worship song pero yung utak ko, iba talaga ang iniisip. Minsan umiiyak na lang ako kasi di ko na alam ang gagawin ko. Kinakausap ko ang Diyos kung bakit ako nagkaganito o ano ba ang rason nya para madaranas ko ang mga ito?

Sa mga nagsasabing, ang OA ko, Salamat kasi dahil sa inyo mas pinatitibay nyo ang loob ko. Sa ngayon, unti-unti ko ng sinasabi sa mga kaibigan ko ang mga problema ko. Sa mga "Tunay na Kaibigan". Ang hirap kasi pag walang tao na handang makinig sayo at balak ko na din na magpa counseling through psychiatrist dahil gusto kong magpa advice sa isang eksperto. Ayokong humantong ako sa pagpapakamatay, ang gusto ko lang maintindihan ako ng taong nakapaligid sa akin. Ayoko na din i-open up to sa pamilya ko kasi marami na din silang problema tapos dadagdag pa ako. Mas mabuting pupunta na lang ako sa eskperto sa tulong nga mga kaibigan ko.

Ito po yung part na hindi ko pa sinasabi sa kanilang lahat at dito ko lang sa Spookify ilalantad...

Kaya, bago nyo ako husgahan, alamin nyo muna ang kwento ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Kung may maitulong kayo, please comment na lang kayo guys.

Ang hindi nila alam kasi, nung naging sakristan ako, way back June 2015 sa aming parokya ay ginahasa ako ng isa sa mga staff dun after ng misa. Di ako makapalag kasi habang binababoy nya ako ay may hawak siyang kutsilyo. Natatakot akong magsumbong kasi papatayin nya daw ang pamilya ko.

At nung nag college pa ako way back 2017 ay binugbog ako ng classmate ko at pwersahang ginahasa sa loob ng CR ng campus namin.

Kahit ba bakla ang isang tao, ay bababuyin na lang ba? Opo. Bakla ako pero hindi ko talaga gusto ang mga ginagawa nilang kahayupan sa akin. Wala talagang mga respeto ang mga tao ngayon! Lahat kayang gawin upang magawa ang karumaldumal na krimen.

Salamat Admin! Feel free to comment guys. Negative or Positive comment is highly appreciated. Thank You!

Please Guide Me Lord. Amen!

-SHY

Scary Stories (Unedited)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang