Compiled Stories 8

50 1 0
                                    


Hail Mary

6 years ago na nang makwento sakin to ng churchmate kong si Ate Carlie. Nung mga panahon na yun ay kakatapos lang namin magpractice para sa senakulo. Typical lang yung horror story na to pero ewan ko, hanggang ngayon dala-dala ko padin tong kwentong to.

Taga UST si ate carla, sabi nya sobrang dami daw talagang kwento sa school na yun. Marahil na rin sa kalumaan kaya't kung ano-anong kwento na rin ang nabuo.Sa may main building daw may comfort room na sobrang kinakatakutan daw ng halos lahat. Malimit na raw gamitin ang c.r dun ata sa taas? (Kung tama man ang hinala ko, sa tingin ko yung cr na tinutukoy is yung cr din sa OLE na story din dito) dahil na rin sa usap-usapan ba may nagpapakita dun.

One time medyo nagdidilim na daw nung oras nay un. Nagpaalam yung classmate (kaibigan) nya na iihi lang. Sa sobrang no choice daw yung kaibigan nya dahil sarado na ang cr sa building na yun ay napilitan syang umihi sa main building. Di naman daw naghesitate yung friend nya na pumunta dun sa cr.

Habang papaakyat daw yung friend nya, may nakasalubong syang janitor at tinanong kung saan ang punta nya. Ang sagot daw ng friend nya ""Dun ho sa cr sa main building"" at agad na tumakbo. Sumisigaw daw yung janitor pero di nya na daw naintindihan dahil sa sobrang naiihi na sya.

Pagpasok nya sa c.r, wala naman daw nakakatakot, medyo nabuhayan pa nga sya kase may narinig syang pumasok sa kabilang cubicle. Pero ang pinagtataka nya lang is kung baket wala syang narinig na tulo ng ihi. Kaya pagkatapos nya, tinignan nya yung mga cubicle. Laking gulat nya nang marealize nya na sya lamang yung tao sa loob. Lalabas na sana sya pero biglang nagbukas sara yung ilaw at pinto ng bawat cubicle. Sa puntong yun, dun na sya natakot at umiyak habang nagdadasal dahil miski ang main door ay di na nya mabuksan. Tumakbo sya papunta sa may salamin para maghilamos habang nagdadasal sya ng Hail Mary ng nakapikit. Pagtingin nya sa salamin, may nakatingin sa kanya na babae at sinasabayan sa pagdasal habang nakalabas ang dila na puno ng dugo. Sabayan pa ng paglalaro ng buhok, yung tipong nang aasar pa na walang talab sa kanya ang Hail Mary. Pinilit nyang pumikit kahit na binubulungan sya ng babaeng nakita nya. Pinilit nyang magdasal ng malakas ng Apostle's Creed kahit na nabubulol na sya. Nang maramdaman nyang bumukas ang main door. Minulat nya yung mga mata nya at nakita nya ang janitor na nakasalubong nya kanina at sinabing ""Sinundan kita papunta dito para balaan ka, pero di ko mabuksan yung pinto. Buti na lang kamo at dumating ang katrabaho ko na may hawak ng susi na to"" Sabay bigla na lamang syang hinimatay.

P.S. Sorry sobrang haba at sa typos. Natatakot pa rin kase ako hahahaha. Sana mapost. Salamat.CookingMariaMo


Sleepover

Hi! first time kopo mag share ng story dito. anyways..

Ganto kase yun, galing kaming Canada 2018 non Month of November balak kasi ng parents ko dun ako mag birthday since andun ung mga ibang family relative's pati ibang friends, so nung dun na kami nag celebrate sympre after nung birthday party 2 days bago kami umuwi para makapag ready. nung naka uwi na kami dito sa Pinas sympre chinat ko ung kaibigan ko na pauwi na kmi, and then ayun exited na exited sya sinundo nya pa kami sa airport nung pauwi na kami nag daldal sya kay mom na dun daw muna ako sa knila kahit isang gabi lang kumbaga sleep over sympre si mom pumayag kasi kaibigan nya parents nung friend ko, so un nga pagdating namin sa bahay nila wla ung parents nya according sa kaibigan ko sabi nya ginabi na daw sa bahay ng tita kaya dun nlng daw muna mag I istay. Tapos nag yaya sya manood ng movie so sympre pumayag ako sabi ko saknya horror tapos ayaw nya so nag away pa kaming dalawa tapos nag end up pambatang cartoon ung pinanood namin (nakalimutan ko title). 


Tapos un pagkatapos nung cartoon nagpaalam sya sakin sabi nya maliligo daw muna sya, so pumayag ako kasi d ko din nmn sya mapipigilan tas naghanap ako ng pwedeng panoorin then un nanood nga ako bon voyage by k-pop idol group (dko na sasabihin kung anong group baka atakihin nyo ko). So un habang nanonood ako narinig kong tumunog ung tv sa labas basically sa living room ng bahay nila tapos sumigaw ako ng "oi! Dito ka nga manood wag dyan andami mo arte mamaya na ung cartoons mo! Nagsasayang ka kuryente! " tapos un wlng sumagot pero dko pinansin kasi nga nanonood ako. Tapos napunta dun sa mahinang part so nilakasan ko ung tv tapos Maya maya may napansin ung holiday ng mata ko na dumaan sa pinto kasi naka bukas konti ung pinto pero dko pinansin since busy ako manood. Tapos nun mga 15 mins kumatok ung kaibigan ko sa pinto Sabi "oi buksan mo may ka locklock kapa dyan ano ginagawa mo hah?" Tas un binuksan ko pero nag taka ako kasi kanina nakabukas lng yun nakita ko panga sya dumaan

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now