Chapter 50

145 12 2
                                    

Alexander

Nandito kami ngayon sa Luna dahil may naghahamon na naman sa amin na gang. At dahil badtrip at bad mood si Zeus, well bad mood naman na talaga siya simula noong, ehem, alam niyo na.

Kaya napuruhan ng sobra ang kalaban naming gang. Ni wala nga kaming ginawa nina France dahil halos lahat ay si Zeus ang nagpatumba.

Napa-iling si Cairo habang naglalakad papalapit samin si Zeus, dumudugo ang gilid ng kaniyang labi.

Hmm. Mukhang tinapos na ni King.

"Ano King? Tara na sa HQ, inaantok na ako." Ungot ni France.

Hindi nagsalita si Zeus sa halip ay nauna na siyang naglakad paalis, habang nakatingin ng masama kay Darren.

Nga pala, hindi pa rin ayos itong dalawang to.

Sumunod na kami kay Zeus.

"May gusto ka ba kay Xiella?" Tanong ko habang sabay kaming naglalakad ni Darren.

Hindi siya nagsalita.

"Silence means yes." Paninigurado ko.

"Eh ano naman?"

Hindi ko alam kung anong naging itsura ko sa sagot niya, pero kasi...

Umamin siya na may gusto siya kay Xiella?!

Sumakay na siya sa motor niya at isinuot ang kanyang helmet, ganoon rin ang ginawa namin saka yun pinaharurot papuntang HQ. Ni-park namin ang motor sa garahe saka pumasok at sumalampak sa sofa. Dumiretso naman ng kusina si Zeus at pagdating niya may hawak na siyang in-can na San Mig, nilapag niya ang iba sa mesa kaya't kinuha namin iyon at sabay-sabay binuksan.

"Zeus alam mo namang matagal na yung dare na iyon. Bakit inungkat mo pa?" Tanong ko saka lumagok.

Oo, yung dare na iyon ay matagal na. Birthday party iyon ng Papa ni Zeus kaya naman hinayaan niya kaming uminom. We were tipsy and drunk at that time and we played truth or dare. We dare Zeus to court and annoy the girl that he found interesting, at saka niya iwan yun.

Ang sama namin di ba?

We didn't expect that he'll choose Xiellara Vernandez, she is known as gloomy, weirdo and loner girl in their section.

Hanggang sa makilala namin siya ng lubusan. Masayahin, mabait, makulit, at minsan seryoso o di kaya'y palabiro. Nagulat na lang kami noong nasa field silang dalawa ni Darren at Zeus, nag-aaway, nandoon si Xiella. Hindi namin alam kung anong meron at pati ang dare na yun ay binuhay pa ni Zeus.

Alam kong may gusto itong si Zeus kay Xiella pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pinarating niya na hindi niya ito gusto?

Ang gulo di ba?

"It's for her own good." Seryosong saad ni Zeus.

"How can you say so?" Tanong ni Darren.

Isa rin itong lalaking ito eh.

Naalala ko yung picture nila ni Xiella na magkadikit ang labi, I think nasa arcade sila nun. Ito yata yung araw na hindi sila pumasok na dalawa. Nakakalat sa facebook at dahil doon, nag-away silang dalawa ni Zeus.

"Remember the Blood Gang?" Lahat kami ay napatingin kay Zeus nang banggitin niya iyon.

"Yung tinalo natin 1 year ago?" Tanong ni France.

"They're back....for me." Kinilabutan ako sa huling sinabi ni Zeus.

Blood Gang, ang gang na tinalo namin isang taon na ang nakalipas. Kami kasi ang nasa superior rank, at ang sino mang makatalo samin ay sa kanila mapupunta ang rank na iyon. But sad to say, ni isa ay wala pang nakakatalo samin.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now